Chapter 9:A day to remember

2K 88 4
                                    

Tarah's P.O.V

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kagabi.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit nila sinabi ang mga salitang yun kagabi.Ni wala ngang alak sa party dahil pinagbawal ni mama.

Puyat na puyat nga ako ngayon sa kaiisip nun kagabi,tapos papasok pa ako ngayon.Grabeng buhay!Hayy.

"Oh anak bakit mukhang antok na antok ka pa?"

"Ma!Hindi po,medyo napuyat lang po"

"Bakit?Ano bang nangyari kagabi?Hindi ba maaga ka namang nakauwi?"

"Ma,mamaya ko na lang po ikukwento sa inyo.Kain muna po ako"

"Okay baby,kain kana sa kusina"

Si yaya,kaya wala siya nagbakasyon muna daw siya sa probinsya nila.Umuwi kasi ang anak niya galing Spain.

Syempre nalaman ko lang naman yun dahil nag iwan pa siya sa akin ng sulat.MalaMMK pa nga.Hahaha ang drama talaga ni yaya.Kaya mamimiss ko siya eh.

"Kapatid kong baboy,sabay kana samen!!Oh dalhin mo ang bag ko" sabay bato sa akin ng bag niya.Sakto namang tumama sa mukha ko.Badddd

Teka samen daw,so kasama niya sina Chase.

"Oops dun kana piggy sa likod,mapagkamalan ka pang girlfriend ko eh." tangnang buhay

"Kuya sila ng tatlo sa likod eh.Hindi na kami magkakasya alam mo ba yun!!"

"Hindi!!"

"Eh naman kuya maglalakad na lang ako!"

"Magsiksikan na lang kayo dyan sa likod" ang sama talaga niya.

"Ah Tarah dito kana lang ako na lang sa harap" sabay alis niya sa kinauupuan niya.

Aba!Ang bait ni pandak.Pero ahhh naiilang ako sa kanya.Bakit ganun?

"Panira ka talaga ng araw Chase!!"

"Anong gusto mo magsiksikan kami?!Baka masira 'tong kotse mo Blue!!"

"Bababa na nga lang ako" teka tampo na naman 'tong alien na'to

"Uy wait lang,sumabay kana!!" hinihigit higit ko pa sya sa braso niya.

"Ang kj mo naman dre!!" sigaw ni crush.Aba nagsalita din sya

"Bakit ko pa kase ipagsisiksikan ang sarili ko diba!Kung alam ko namang wala na talagang space para sa akin!!" tumalikod na siya at naglakad palayo na blangko ang mukha

Gusto ko siyang sundan pero parang itataboy niya lang din ako palayo.Bakit kaya siya nagkakaganyan?

"Hayaan mo na siya Tarah!Nagdadrama lang ang alien na yun!!Tara na malelate na tayo!!"

Sumakay na ako ng kotse na iniisip ko parin si bestfriend hanggang makarating kami sa school iniisip ko parin siya.

Nakapasok kaya siya ng maayos?Ano kayang ginagawa niya ngayon?Okay lang kaya siya?

"Tarah natutulala ka diyan!Okay ka lang?" sumabay na siya sa akin pumasok.Sino?Sino pa edi si crush.

Ang lungkot ko kanina napaltan ng kilig hihi.Landi ko rin no?!

"Ah...eh...o...o..kay lang ako.Okay hehe!" ano ba yan nauutal na ako

"Sigurado ka?"

"Yeah hehe"

"Ikaw talaga!Tara na nga"
pinisil pa niya ako sa pisngi.Yan tuloy nag iinit na ung pisngi ko.

Pagpasok namin ng room.Nagtitinginan samen ang mga kaklase namin na parang may ginawa kaming kasalanan.

Stalker ni Mr. Snobber(On-going)Where stories live. Discover now