Chapter 3:He's here

2.8K 103 4
                                    

Wala nang maititle hahaha..

Tarah's P.O.V.

"Magandang umaga world"

Ang sabi ko pagkababa ng hagdanan.

"Good morning yaya Telma!Si mama po?"

Si kuya hindi ko na tinanong malamang nagbabasketball yun.

"May meeting daw ang mama mo Tarah.Maaga siyang umalis"

Sabi ni yaya habang sinasandok yung ulam na niluto niya.

"Ahh,anong breakfast natin yaya? Ang sarap naman niyan."

Umupo na agad ako at hindi na hinintay si yaya,sumandok agad ako ng kanin.

"Mukhang mapaparami yung kain mo ah!"nakangiti niyang sabi.

"Sorry yaya hindi na pala kita naintay hehe.Sumabay kana po saken" ang takaw ko kase hehe.

"Busog pa ako iha.Sige kain ka lang ng kain."

Para namang tuwang tuwa siya sakin.Ngumiti lang ako sa kanya.

Nakatapos din ako sa isang oras kong pagkain.Si food talaga hindi ko matanggihan hahaha.Talent ko na rin yung lamon dito lamon doon wahahaha.

Mukhang ang dami kong nakain kaya naisipan ko munang maglakad lakad sa subdivision namin.Dito din pala sa subdivision namin nakatira si crush hihi.Sana makita ko siya.

"Waaaaaah thanks G!"

Nandito si crush naglalakad din siya pero nakapangbahay lang.

"Teka sundan ko kaya sya hihi"san kaya to pupunta?

"Ay kabayo"nagulat ako ng may humawak sa likod ko.

"Bestfriend!"bigla niya akong niyakap."Sorry dahil iniwan kita kahapon".nakakatawa yung mukha nya kahit malungkot.

"Okay lang yun"sagot ko sa kanya habang tinitingnan ang papalayong si crush.

"Hoy!Sino bang tinitingnan mo?"

Nakatingin din sya sa direksyon kung saan ako nakatingin."Si Alexis"mahina niyang sabi.

"Oo.Sige alien mamaya na lang."tumakbo ako papalayo sa kanya na hindi man lang hinintay kung ano ang sagot nya.

Papunta si crush sa plaza.Doon sa mamang mag iice cream.Pareho pala kami ng favorite,cheese kase yung binili niya.

"Hi Alexis"bigla kong sabi sa kanya.Nabigla naman siya.

"Manong pagbilhan nga po ng ice cream cheese din"nakatingin si manong sa amin ni crush na nakangising nakakaloko.

"Alam niyo iho bagay kayo.Mataba sya at panget at ikaw naman malaki ang katawan at gwapo."grabe si manong it hurts kaya.Pero bagay daw kami.Okay na rin hehe.

"Haha!"tumawa si crush.Waaah ang ganda ng boses niya."Manong kung ano ano sinasabi mo!"sabi niya na tawa ng tawa.Naglakad na sya papalayo sa amin.Minsan hindi ko talaga maintindihan yung mga sinasabi niya hahaha.

"Ha?ayaw ba nya?."bulong k

"Alam mo iha"Bumaling naman ang tingin ko kay manong mag iice cream."Ganyan talaga ang mga lalaki.Minsan hindi mo maintindihan kung ano yung mga sinasabi namin.Pero kadalasan mahalaga ang kahulugan ng mga ito."ang seryoso naman nitong si manong.Yun lang naman ang sinabi niya,anong mahalaga dun?

"Po?Hindi ko kayo maintindihan."

"Minsan kaming mga lalaki dinadaan na lang namin sa ibang bagay yung nararamdaman namin.Kaya kadalasan hindi nyo kami maintindihan""May dahilan ang lahat ng ginagawa at sinasabi natin iha.Minsan hindi na lang natin pinapakita ito dahil may sari- sarili tayong dahilan."ha,hindi ko talaga sya maintindihan.Kahit iniisip ko na may gusto saken si crush parang imposible naman ata yun.

Stalker ni Mr. Snobber(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon