Chapter 2

6.5K 256 45
                                    

Alas otso na ng umaga.Nakatitig lang ako sa orasan habang nagdedesisyon kung papasok ba ako o hindi.

Kung si Hell lang din ang makikita ko, talagang tatamarin ako. Lalo na't badtrip ako sa kan'ya ngayon, I mean matagal na 'kong badtrip sa kaniya kaya lang mas lumalala na ngayon.

" Okay, final desicion papasok ako! Hindi dapat ako madala sa badtrip nang Hell na 'yon!"

Dumiretso akong closet para kuhain ang isusuot ko, mabuti nalang wednesday ngayon kaya pwedeng mag-civilian.

Nag-suot ako ng kulay white na off shoulder at kulay pink na skirt, nagmumukhang malinis ako lalo kapag ganito yung sinusuot ko.

Lumabas ako ng kwarto at may nadatnan akong hindi kanais-nais.

"Oh panget s'an punta mo?"

" Tapon basura sama ka? Sama ka sa mga basurang itatapon ko. "

Hindi pa nga 'ko nakaka-alis ng bahay, nabadtrip na agad ako. Well, that's life.

" Sabay na tayo."

Hindi ko na s'ya pinansin at nagtuloy-tuloy nalang ako sa paglabas.

" Sandali lang."

Binelatan ko siya nang makasakay na ako sa kotse.

" Manong, sa school po."

" Hindi na po ba natin hihintayin si Sir. Skie?"

Ang daming tanong ni Manong. Baka mamaya mauna na si kuya sa school n'yan.

" Hindi na."

" Uy, panget sandali lang!" Sigaw ni kuya kaya kahit papaano naririnig ko.

" Manong, tara na." Sambit ko, mukhang nakatulog na 'ata siya.

" Sige po. "

---

" Nagalit sa'yo yung Mom mo?" Tanong ni Janelle.

" Hindi. Hindi pa naman nagtatagpo yung landas namin sa bahay. "

" Pwede ba 'yon?" Tanong din ni Mae.

" After kasi nung dinner, dumiretso agad ako sa kwarto ko para makatakas."

Nandito kami ngayon sa canteen para makakain muna saglit. Marami kasi kaming Activities mamaya kaya baka hindi na kami makakain.

" Grabe kasi kung makapag-sinungaling. Pasaway at basagulera daw ako."

Kapag naaalala ko talaga yung scene na 'yon. Grabe, parang gusto ko siyang ipakain sa pagkain!

" Siya pa tuloy yung nagmukhang matino sa'ming dalawa. May pa 'nice-nice' pa kasi akong nalalaman eh!"

" Hindi ka man lang pinagtanggol ng kuya mo?" Tanong ni Janelle.

" Pinagtanggol? Tinawanan pa 'ko ng asungot na 'yon. Kaya kanina nag-commute siya hindi ko s'ya sinabay, Ginamit kasi ni Mommy yung kotse n'ya." Sambit ko, hindi ko alam kung nasa Goodmood ako ngayon dahil nakaganti ako kanina.

" Ang bad mo!"

" Mas bad sila 'no, pinagtutulungan kaya nila 'ko tiyaka Janelle ako ang bestfriend mo. Kaya dapat sakin ka kampi ha? Hindi kay Kuya."

Alam kong may gusto siya sa kuya ko. Kaya lang mukhang malabo sila dahil masyadong playboy yung kapatid ko. Hindi naman pangit si Janelle, mukha lang siyang inosente.

"Syempre may gusto siya sa kuya mo." Sambit ni Mae.

" Tiyaka Janelle, kung ayaw mong maging tanga 'wag ka ng umasa sa kanya."

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now