Chapter 34

3.1K 128 25
                                    

Natatandaan ko lahat ng nangyari, lahat ng sakit at takot. Ayokong idilat ang mga mata ko dahil baka may tubig na lumabas mula rito.

“Patawarin mo 'ko.” bulong niya. “Alam kong gising kana Heaven. Sana malaman mo na hindi ko ginusto yung nangyari.” pagsusumamo niya. Hindi ako nagalit sa kaniya. Nagtitiwala ako sa kaniya.

Idinilat ko ang mga mata ko at hindi ako nagkakamali na may mga luha ngang lumabas.

“Akala ko hihingi lang siya ng tawad sa lahat ng kasalanang nagawa niya satin. Hindi ko alam na may iba na pala siyang pinaplano.Nagpigil ako Heaven nang saktan ka niya dahil baka kung ano pang magawa ko sa kaniya kaya pinaubaya ko na siya kay Janelle.” nakokonsensya ako dahil kahit ako nagsinungaling sa kaniya. Hindi dapat ako nagpunta sa lugar na iyon.

Isa-isang pumasok sina Kuya,Janelle,Demo at Mae.

“Kamusta na pakiramdam mo Heaven?” tanong ni Janelle.

“Anong ginawa sayo ng lalaking 'yan?!” galit na tanong ni Kuya at masamang nakatingin kay Hell.

“Kuya, stop it! Walang ibang may kasalanan kung hindi yung gagong Mich na 'yon!”

“Huwag mong iistress 'yang sarili mo Heaven. Baka mabinat ka.” ani Janelle kaya tumahimik nga ako.

“Heaven...” lumapit sakin si Mae at niyakap ako. “Kasalanan ko kung bakit nangyari ito. Kung hindi ko sana kayo dina--”

“Sshh, wala kang kasalanan.” pinutol ko na agad ang sinabi niya. “Hindi mo naman alam na iyon ang mangyayari.”

“Mabuti naba ang pakiramdam mo?” tanong ni Kuya.

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko ng bigla akong may naalala. Y-yung baby ko...

“Y-yung baby ko, ligtas ba siya?”

“Hindi pa namin alam. Tinawag palang nila Mommy yung Doctor mo.”

“Speaking of.” biglang pumasok sina Mommy at Mommy Joyce kasama ang isang matandang Doctor.

“Doc. Kamusta po yung anak ko?”

Bigla kong naalala yung sinabi niya na mahina ang kapit ng bata sakin.

Hindi siya sumasagot. Nakatingin lang siya sakin kaya nag-init ang ulo ko.

Nagbuntong hininga lamang siya tiyaka umupo sa tabi ko. Hindi ko gusto yung ganitong kutob.

“I-im sorry... Wala na ang Baby.”

What?” no way!

“Nagsisinungaling ka! Buhay ang anak ko...”

Nagpaalam na ang Doctor kina Mommy bago lumabas.

“Hell... Yung anak natin...” Niyakap niya ako ng mahigpit. Kahit siya ay umiiyak na rin.

“I'm so sorry...”

“Hindi ko kailangan ng sorry! Yung anak ko ang kailangan ko... Parang awa niyo na... Yung anak ko...”

Hindi ko mapigilang hindi ngumawa rito sa loob. Ang sakit! Hindi ko matanggap!

“Wala na tayong magagawa Heaven, nangyari na.”

“HellNo! Anak ko 'yon. Kasalanan ko ito. Pabaya ako.” sinubsob ko ang mukha ko sa balikat ni Hell.

“Don't blame yourself. Walang may gusto sa nangyari.”

“Tangina naman Hell! Yung anak ko... Ayoko... Hindi siya mawawala.” habang buhay ko itong dadalhin. Naaawa ako sa anak ko.

Hindi pa siya lumalaki sa tiyan ko. Binawi na agad siya sakin.

Hinding-hindi ko mapapatawad yung bitch na 'yon. Alam kong sinadya niyang mawala ang anak ko.

---

Nandito ako sa kwarto ko sa totoong bahay namin. Kasama ko si Mommy. Gaya ko isa rin siya sa sobrang naapektuhan sa pagkawala ni Heavell Angelo.

“Wala na tayong reason para hindi sumunod sa gusto ng Dad mo.” matutuloy na ang divorse namin ni Hell. Dadalhin na ako ni Dad sa ibang bansa after namin grumaduate.

Doon marami na akong makikilalang ibang tao. Doon na rin ako bubuo ng pamilya kasama ang taong hindi ko naman mahal.

Oo, hindi ito tanggap ni Hell. Pero wala na kaming magagawa. Ayokong may gawin si Daddy na hindi maganda sa kaniya.

“Papayag na ako Mommy sa gusto ni Dad.”

May nilabas siyang mga papel.
Divorse papers.

“Pirmahan mo na anak.” agad kong kinuha ang ballpen at pinirmahan ang mga papel. Baka kapag pinatagal ko pa, magbago pa ang desisyon ko.

“Pirma nalang ni Hell ang kailangan.” alam kong hindi siya papayag.

“Babalitaan kita agad mamaya anak. Mauna na ako.” bumeso lang ako sa kaniya bago siya lumabas.

Kinuha ko ang cellphone ko. Tinawagan ko si Hell. Nanginginig pa ako habang dinadial ang number niya.

[Heaven... Miss na kita. Isang linggo na tayong hindi nagkikita. Umuwi kana rito please.]

Kinagat ko ang ibaba ng aking labi. Pinipigilan kong hindi humikbi. Iiwan ko ba talaga siya? Alam kong may mas hihigit pa sa akin. Yung mas deserve yung pagmamahal niya. Wala akong kwenta, naging pabaya ako.

“I'm sorry. Pumirma na ako sa Divorse paper. Sana pumirma kana rin.”

[No, H'wag mo namang gawin sakin 'to. Mahal na mahal kita Heaven.]

Mahal na mahal din kita Hell, Pero masyado ng komplikado.

“Pumirma kana please. Palayain mo na ako. Marami akong gustong tuparin. Hindi ko magagawa iyon kung nakatali na ako sayo!”

Narinig ko ang paghikbi niya. Nararamdaman ko ang pagkasabik niyang makita at makasama ako. Alam ko na sobra siyang nasasaktan dahil kahit ako sa sarili ko. Ang sakit-sakit.

[Pipirma ako Heaven, pero hihintayin kita.]

Huwag. Huwag mo na akong hintayin. Maghanap ka ng babaeng sobra mong mamahalin at bumuo ka ng sarili mong pamilya. Magiging masaya ako para sa 'yo.”

...






(A/N: karugtong lang po talaga ito ng chapter 33 hahaha wag naman kayong magcomment ng bitin huhu... 😭😭 huwag na kayong umasa na happy ending 'to. Bwahahahaha 😂😂 thanks for reading 😘)

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon