Chapter 32

3.4K 132 26
                                    

Iminulat ko ang mga mata ko. Lahat sila ay nakapalibot sakin. Hinawakan ko ang tiyan ko at napangiti naman ako nang wala na akong maramdaman na sakit.

“Ayos naba ang pakiramdam mo?” tanong ni Kuya. Tumango naman ako bago rin magtanong.

“Nakausap niyo naba yung Doctor?” tanong ko pa, gusto ko kasing malaman kung dahil nga ba sa Kape at mangga kaya sumakit ang tiyan ko.

Nagkatinginan silang lahat kaya napakunot ang noo ko. “May sakit ba 'ko? Mamatay na ba 'ko?” naiiyak kong tanong.

“W-wala kang sakit Heaven. Huwag kang umiyak.” tumabi sakin si Kuya at niyakap ako. “Matigas kasi yung ulo mo. Alam mo bang pinagbabawal sa buntis ang kape?”

Bumitaw ako sa yakap niya at takhang tumingin sa kaniya. Bawal sakin? Ako buntis?

“Ang galing mo magbiro Kuya.” nakangiti kong wika kahit na patuloy na umaagos pababa ang mga luha ko.

“Hindi ako nagbibiro Heaven totoong buntis ka.” aniya pa. Napatingin kami sa pinto nang may pumasok.

“Heaven, anak...” lumapit sa akin si Mommy kasama si Mommy Joyce. “Masaya ako para sa'yo, masaya kami para sa'yo.” niyakap niya ako. Hindi pa rin ako makapaniwala.

“Heaven, susunduin lang namin si Mae sa Camp John Hay ah.” paalam ni Janelle. Ngumiti naman ako at tumango.

Ang saya-saya ko. Sobrang saya pero ganoon din kaya si Hell?

Muli akong napatingin sa pintuan nang pumasok si Hell na may dalang prutas at gatas.

“Para sa mag-ina ko.” inilapag niya muna sa side table ang mga dala niya bago lumapit sakin.

“Salamat at walang nangyari sa inyo ni Angelo.” niyakap niya ako ng sobrang higpit. Pero...

“Angelo?” tanong ko pa, paano niya naman nalaman na lalaki ang magiging anak namin?

“Lalabas muna kami nang makapag-usap kayo ng maayos.”

Sinundan namin sila ni Hell ng tingin hanggang sa makalabas sila.

“Paano mo nalaman na lalaki ang magiging anak natin?” takhang tanong ko.

“Ts. Ako ang bumuntis sayo kaya alam ko.”

“Hell 'yang bibig mo, tatahiin ko 'yan!”

“Haha... Basta lalaki ang anak natin.” natatawa nalang ako pero wala namang problema sakin kung lalaki man o babae ang magiging anak namin.

“Angelo ang gusto kong pangalan.”

“Gusto kong i-second name lang ang Angelo.” saad ko. “Heavell Angelo.” lumawak ang ngiti ko. Feeling ko ang taba ng utak ko.

“Pwede rin,”

Nasa kalagitnaan kami ng kasiyahan pero hindi ko manlang nabigyan ng pansin na may mas higit na masasaktan.

Ang anak nila ni Mich.

“Paano yung anak niyo ni Mich?”

“Huwag mong isipin 'yon. Ako nang bahala doon.”

“Okay,”

***

Isang buwan na rin ang nakalipas magmula ng malaman namin na buntis ako.

Busy ako sa pagda-drive nang biglang magring ang phone ko.

“Yes, Hello?”

[Nasaan ka?]

“Miss mo na agad ako?”

[Baka ikaw ang nakakamiss sakin.]

Minsan may saltik din 'tong asawa ko. Bakit ngayon ko lang na-realize na mahal ko pala 'tong lalaking ito.

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon