Chapter 42

2.6K 80 10
                                    


Heaven

Narito ako sa hospital para bisitahin si Dad. Kasama ko si Mommy at Kuya Skie. Stroke si Daddy kaya hindi siya makausap ng maayos. Hirap na rin siyang makatayo. Gustong-gusto ko siyang kausapin kung bakit nagawa niya akong pahirapan, kami ni Hell. Alam kong may pinaplano siya.

“Mommy, mauna na po ako. Magpapacheck-up pa kasi ako.” tumayo ako at nagbeso sa kaniya.

“Gusto mo samahan na kita?” alok ni Kuya pero umiling ako.

“Kasama ko si Hell kaya dito ka nalang samahan mo si Mommy.” sambit ko pa bago tuluyang lumabas. Napangiti ako nang makita ko si Hell na nakasandal sa gilid ng pinto.

“Let's go?” tanong niya kaya kumapit ako sa braso niya. “Let's go.”

Sa lahat ng sinabi ng Doctor, isa lang ang talagang pumasok sa isipan ko,“Healthy ang baby niyo kaya ipagpatuloy mo lang ang pag-inom ng vitamins na binibigay sa'yo.” mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Hell dahil sa saya ko. Ang sarap sa feeling nang malaman kong healthy ang baby namin.

“Salamat po Doc.” wika ko

“Bumalik ka bukas para sa ultra-sound mo.” aniya kaya tumango ako at muling nagpasalamat.

lumabas kami ni Hell ng clinic habang hinihimas-himas ko ang tiyan ko. Pinahinto ako ni Hell tiyaka niya pinantay ang mukha niya sa tiyan ko.

“7 months ka ng nasa tiyan ng Mommy mo, malalaman na namin bukas ang gender mo anak.” hinimas  at hinalikan niya ito. Naramdaman ko naman ang paggalaw ng Baby sa tiyan ko. Ang sarap lalo sa feeling na nararamdaman ko siya sa loob ko.

Tumayo si Hell at ako naman ang hinalikan pero mabilis lang naman. Tsansing din talaga 'to minsan eh.

Dumiretso kaming uwi dahil kailangan na niyang pumunta sa trabaho. Noong grumaduate siya 6 months ago,agad siyang naghanap ng trabaho. Which is sa company pa ni Daddy siya natanggap.

“Kapag nanganak ako tatapusin ko nalang 'yong subj. na hindi ko natapos.” sambit ko, “Para matulungan kita sa pagtatrabaho.” dagdag ko pa.

“Tss, mas okay lang sakin na ako nalang ang magtrabaho. Gagawa pa tayo ng maraming anak kaya sila ang magiging trabaho mo.”

“Wow ha! Kung pwede lang talaga na ikaw ang manganganak bakit hindi diba?” tiyaka sa ayaw at gusto niya, magtatrabaho ako para matulungan ko siya. Parehas kasi naming ayaw na umasa sa parents namin.

“Alis na 'ko ha?”

“Mag-iingat ka. Umuwi ka agad ha?” hinalikan ko siya sa labi bago siya umalis.

----

Janelle

Almost 6 months mula nang sinagot ko si Skie. At alam niyo ba, bago palang kami pero may nilalandi na siyang babae.

Sa kaniya pinagkatiwala ng Dad niya 'yong kompanya nila katabi lang ng kompanya na pinamahala sakin ng magulang ko. Meron akong kinausap na nagtatrabaho sa kompanya nila para bantayan si Skie at aba! nalaman ko na close pala sila ng secretary niya. Ang nakakainis pa hindi niya nababanggit 'yon sakin.

“Babe!” tawag niya sakin pero inirapan ko lang siya. “Sobra mo 'kong napasaya kagabi.” aniya pa. Kaya nahihiya na naman ako.

May nangyari kasi samin. Alam niyo na, mahal ko kasi kaya 'yon.

“Ayokong pag-usapan!” nahihiya kasi ako kapag naaalala ko yung nangyari. Nakita na niya lahat. Nahawakan at nagalaw niya pa nga eh. “Bumalik kana sa secretary mo.” inis kong baling at itinuloy nalang ang ginagawa ko. Nandito kami sa office ko medyo hussle nga kasi maraming pinapagawa sakin.

“Huh?”

“Sabi ko, doon ka na lang sa secretary mo.”

“Nagseselos kaba?” hindi ko na sinagot ang tanong niya. Sana naman dumistansya na siya r'on. “Ikaw lang naman Janelle eh. Tiyaka pinsan ko yung secretary ko. Siya nga yung pinili ko para maiwasan yung ganito. Yung mararamdaman mo katulad ngayon na nagseselos ka.” pinisil niya ang ilong ko. “Wala ka dapat ikaselos. Liligawan ba kita kung hindi kita mahal.” hinalikan niya ako sa labi kaya napangiti ako. Para akong binunutan ng tinik sa dibdib.

“Bumalik kana nga sa work mo. Mamaya nalang natin ituloy 'to.” sambit ko.

“Nagustuhan mo talaga yung nangyari kagabi 'no?” binato ko siya ng mga papel kaya nagmadali siyang lumabas.


----*

Mae

Binilisan ko ang paglalakad para hindi ako maabutan ni Demo. Nakita ko lang naman siya na may kalandian sa loob ng kotse niya. Muntik pa nga niya akong mabangga dahil sa paghaharutan nilang dalawa.

“Mae magpapaliwanag ako...”

“Doon ka sa prisinto magpaliwanag!” nililigawan niya palang ako pero gumagawa na siya nang kalokohan.


Naglakad ako ulit pero hinarangan niya 'ko. “Hindi kita hahayaang makaalis hangga't hindi mo pakikinggan ang paliwanag ko.” sambit niya. Nagbuntong hininga nalang ako dahil mukhang wala rin akong magagawa.


“Pwede ba Demo pabayaan mo na ako! Nasaktan mo na ako tapos uulitin mo na naman?” hinawakan niya ang braso ko pero tinanggal ko 'yon agad. “Parang hindi naman tayo tatagal kaya huwag mo nang ituloy ang panliligaw m----” nanlaki ang mga mata ko nang higitin at halikan niya ako.


“Bawat salita mo hahalikan kita. Kapag ako nainis hindi lang halik ang gagawin ko sa'yo.” Banta niya kaya napahawak ako sa bibig ko kahit gustong-gusto ko na siyang sigawan. “Si Ate Jean 'yon. Ate namin ni Demi kay Daddy. Sobra niya lang akong namiss kaya sobra rin siya kung maglambing sakin. Galing siyang Australia dahil doon nakatira ang Mommy niya.” napakagat ako sa labi nang malaman kong kapatid niya pala 'yon. Nakakahiya 'yong inasal ko kanina sa harap ng Ate niya. Inaway ko kasi si Demo at sinabihan ng kung anu-ano.

“S-sorry...” muli na naman niya akong hinalikan kaya mahina ko siyang hinampas sa dibdib.“Bakit mo 'ko hinalikan?!” inis kong tanong kahit na ang totoo kinikilig talaga 'ko.

“Hindi ba't sinabi ko na kapag nagsalita ka, hahalikan kita.” ngumisi siya at muli na naman akong hinalikan. Pero ngayon, sinusuklian ko na ang mga halik na binibigay niya sakin. Ang sarap sa feeling. Ang sarap niyang humalik. Napakalambot ng labi niya.


“Mahal na mahal kita” bulong niya,

“Mahal na mahal din kita.” ngumiti ako tiyaka dumukot sa bulsa. “Gusto mo ba akong maging girlfriend?” tanong ko.

“Yes. Will you be my girlfriend? Pangako, hinding-hindi na kita sasaktan at paiiyakin.”

Ipinakita ko ang papel na dinukot ko sa bulsa tiyaka ko binuklat at pinabasa sa kaniya.



“OO, sinasagot na kita! :) ”


-----*


2-3 chapters left! <3

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now