Chapter 38

2.9K 134 56
                                    

Nakatingin lang ako sa malayo habang nakikinig sa sinasabi ni Kuya, parang ayoko na, parang gusto ko nang sumuko.

“Let him go. Sundin mo nalang yung gusto ni Dad.” nanlaki ang aking mga mata nang lumuhod siya sa harapan ko habang hawak-hawak ang mga kamay ko.“Ayokong mangyari ulit yung nangyari kanina...please Heaven makinig ka sakin.” nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya kaya biglang nanamlay ang mga tuhod ko.

Lumuhod din ako gaya niya,“Kuya... Huwag kang umiyak.” pinunasan ko ang luha niya.“Patawad. Hindi ko kaya... Ayokong maging duwag.” ngumiti akong pilit tiyaka muling tumayo. “Alam kong hindi gugustuhin ni Hell na iwan at layuan ko siya.”

“Hindi kana niya maalala Heaven, ikaw lang ang hindi niya naaalala. Siguro sinadya narin ng tadhana ang lahat ng ito. Hindi siguro kayo para sa isa't-isa.” gusto kong takpan ang mga tainga ko pero hindi ko magawa. Pagsubok lang 'to.

“Hindi ko hahayaang si tadhana ang magdikta sa'ming dalawa.” ngumiti ako, “Mahal ako ni Hell kaya wala dapat akong ikabahala.”

Iniwan ko siyang nakaluhod sa hallway at agad akong umakyat pabalik sa kung saan nakaroom si Hell pero bago 'yon, nakita ko pa ang may sapi kong ama na nakangiting mag-isa. Parang baliw lang.

Inayos ko muna ang sarili ko sa tapat ng room niya at tiyaka binuksan ang pinto.

Isinara kong muli ang pinto nang makapasok ako. Si Tita lang ang naabutan ko habang sinusubuan niya si Hell.

“T-tita...”Hindi niya ako pinansin pero patuloy lang siya sa pagpapakain kay Hell. “P-patawad po...”hindi ko maiwasang hindi umiyak at humikbi, Nakita kong bumuntong hininga siya nang yakapin ko siya. “Hindi ko po ginusto yung nangyari.”

“Kung kayang ibalik ng sorry mo ang memorya ng anak ko.” hindi ako sanay na ganito siya kaseryoso, alam kong galit siya sakin.

Tumingin ako kay Hell pero umiwas siya nang tingin. “Sino siya?” kumunot ang noo niya habang nagtatanong kay Tita. “Parang nakita kona siya dati pero hindi ko matandaan kung saan.” naguguluhan niya pang sambit.

“Huwag mo siyang isipin anak. Ikaw nga hindi manlang niya naisip eh.” parang tinusok ang puso ko dahil sa sinabi ni Tita Joyce. Galit nga talaga siya sakin.

“Ako yung babaeng mahal na---”

“Magpahinga kana anak.” napatikom ang bibig ko nang putulin ni Tita ang sasabihin ko.

“I'm here Tita---Heaven?” Pumasok si Mich na may dalang mga prutas. “Anong ginagawa mo sa room ng Boyfriend ko?” napakuyom ang mga  kamao ko dahil sa sinabi ni Mich. Demonyo ka Mich! Hindi ko makakalimutan lahat ng kasalanan mo sakin at sa anak namin ni Hell!

Susugurin ko na sana siya nang biglang lumapit sa kaniya si Tita at kinuha ang mga dala niya.

“Hindi kana asawa ng anak ko. Umalis kana.” mahinang sambit ni Tita. Umiling ako tiyaka mabilis na niyakap si Hell.

“No...”

“Miss... Hindi kita kilala, lumayo ka sakin.” bahagya niya akong tinulak sapat na para mahiwalay ako sa kaniya.

“Huwag mo namang gawin sakin 'to!” hindi ko mapigilang sumigaw at umiyak sa harap niya. “Mahal mo 'ko diba? Kaya hindi ako naniniwala na kaya mo 'kong saktan ng ganito. Sobrang sakit Hell! Nawala na sakin si Angelo pati ba naman ikaw?” humikbi ako ng humikbi hanggang sa maramdaman ko nalang na may yumakap sakin. Umangat ang tingin ko at muli nanaman akong napaiyak. Pinaghahampas-hampas ko siya. “Tangina mo talaga!”

“Hindi ko kayang saktan ka. Kahit pangit ka, hindi kita kayang matiis.” tumawa siya pero ako nanatili paring umiiyak. Pakyu ka talaga Hell! “Please Heaven, huwag kamg umiyak. Gagawa pa tayo ng Angel mamaya.” niyakap ko siya sabay hinalikan. Humiwalay naman siya tiyaka ngumuso sa likod ko.

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon