Chapter 11

4.1K 183 8
                                    


Akala ko nasa New york siya at doon na siya magii-stay for good, pero anong ginagawa niya rito?

"Uh Hell, nice to see you here." Nakangiti niyang sambit, "And Heaven, Dito pala kayo nag-aaral."

Tumango kami ni Hell at parehas na nakangiti, kay Hell ngiting fantastic, sakin ngiting plastik!

Alam kong hindi maganda ang ugali niya kaya ayoko sa kanya.

"Ang ganda ko ba? Bakit kayo nakatitig sakin?"

La? Yung iba nga tinatanong kung may dumi sila sa mukha pero ikaw tinatanong mo kung maganda ka? Ano pakapalan ng mukha?

"No!"

Parehas silang tumingin sakin,

"I mean nakatitig kami kasi hindi kami makapaniwala na nandito ka." Medyo mataray kong sambit,

Anong akala niya magye-yes ako na maganda siya? ASA!

"So, Do you have a girlfriend Hell?" Tanong niya, tapos ano? Aasa na naman si Hell.

Dati kasi crush na crush siya ni Hell since highschool then akala namin M.U na sila. tapos noong time na manliligaw na si Hell bigla siyang nagsabi na aalis na siya at titira sa ibang bansa.

Ang kinaiinis ko pa dahil sa kaniya nalayo ang loob namin ni Hell sa isa't isa.

"Wal---

"Meron!"

Pinutol ko ang sasabihin ni Hell, alam ko yung pakiramdam na pinaglalaruan ng isang tao.

"Dito kana ba mag-aaral?" Tanong ko para ma-iba ang topic.

"Hmm..." Ts. Nag-isip 'kala mo meron talaga non e, pero sana please wag.

"Pinag-iisipan ko pa,"

"May isip ka? Good for you." Pinanliitan niya ako ng mata pero kinindatan ko lang siya.

"Ah, mauna na kami ha? Btw, I'm happy to see you here. "

Tinakpan ni Hell ang bibig ko tiyaka ako hinatak papasok nang canteen.

"Bakit ba nagmama-taray ka don?"Sambit niya, ramdam ko na naiinis siya.

"I just want to,"

Nagkibit-balikat ako at tiyaka naghanap ng mauupuan.

Nang makaupo ako, umupo na rin siya sa harap ko.

Hindi ko siya tinitingnan bagkus pinakikiramdaman ko lang siya. Napakagat nalang ako ng aking labi habang nakatingin sa lamesa. Alam kong seryoso siyang nakatingin sakin.

Nakakainis! Palibhasa dumating lang yung letseng crush niya e,

"Mas gumanda siya lalo" Sambit niya,

Sus, mas maganda ako don

"Sumexy"

Mas sexy ako

"Pumuti"

Maputi rin naman ako

"Pero marami ng nagbago, hindi na siya yung gusto ko."

Napatingin ako sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko, bahagya akong napalunok dahil gusto ko siyang suntukin.

"T-teka oorder lang ako."Inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Fvck shit!"

Napamura ako nang hatakin niya ako na naging dahilan para mapa-upo ako sa kaniya.

Shit talaga! Feeling ko pulang-pula na yung pisngi ko, isabay mo pa yung mga studyanteng kinikilig samin. Waah! Mali sila ng iniisip.

"H-hell" pinipilit kong tumayo pero hawak-hawak niya yung bewang ko.

"Sorry" binitawan niya 'ko kaya agad akong tumayo.

"Ahh---" nagkamot ako ng ulo dahil sa naiilang ako, "H-hindi na pala ako nagugutom, sige alis na 'ko." Nag-iwas ako ng tingin bago tumungo paalis.

Grabe parang sasabog na yung mukha ko sa kahihiyan. No Heaven! Hindi pwedeng bumalik yung nararamdama mo sa kanya!


Naglibot-libot nalang ako hanggang sa makarating ako sa Gym. May nagbabasket-ball


tutal marami namang nanunood, makikinood nalang din ako.

Umupo ako sa may bakanteng upuan pero feeling ko sinusunog ako ng matatalim na tingin.


"Fvck!"

Napamura ako dahil kamuntik ng tumaob ang inuupuan ko.

"Ano bang problema mo Mich!" @#$%& babangasan ko mukha nito eh!


"Oops, sorry ha, nasagi ko lang yung upuan mo." Sambit niya na sinamahan ng nakakairitang ngiti.


Tumayo ako at malakas na binangga siya. Nakita ko na nag-hugis 'O' yung bibig niya.

"Fvck you!" Bulyaw niya,

"Fvck you too." My middle finger salute her, Kinindatan ko rin siya bago ako umupo.


Kahit na nagu-umpisa na ang laro, nakikita ko siya na tumitingin sakin. Ang pinagka-iba lang, mas nauuna ako tarayan siya.


Nakiki-cheer nalang ako kahit hindi ko kilala yung mga naglalaro. Kapag sumisigaw sila ng Kevin sinisigaw ko rin.


Nasa kalagitnaan palang ng laro, lumabas na ako ng Gym at dumiretsong rest room.


Nag-hugas lang ako ng kamay at inayos ko lang ang sarili ko.

"Kahit anong tingin mo dyan, hindi kana gaganda."

Hindi ko lang pinansin si Mich at tinuloy ko lang ang pag-suot ko ng lens.


Siguro akala niya ako parin yung dating Heaven na weak. Ts, hindi na ako tanga, gaya niya na since birth.


"Pangit mo naman, nakakatakot 'yan pagmumukha mo." Pang-iinis niya na sinuklian ko lang nang ngiti.


"Try mong tumingin sa salamin, dobleng takot yung mararamdaman mo."Sambit ko at ngumiti lang bago siya tingnan.


"Tanggapin mo nalang na ako parin yung gusto ni Hell."


"Tanggap ko naman eh, napag-alaman ko na gustong gusto ni Hell ang mga unggoy. Kaya hindi na 'ko magtatakha kung gusto ka niya."



Kinuha ko nalang ang bag ko at akmang aalis na nang bigla niya hatakin ang buhok ko sa likod. Pagka-harap ko, isang malutong na sampal ang inabot ko.



Gusto kong umiyak pero naisip ko na hindi ko siya ka-level. Mas mataas ako sa kaniya.


Ibinaba ko ang bag ko at buong pwersa ko siyang sinabunutan. Parang naaalalako yung mga ginagawa nila sakin ng mga alipores niya noon.



Aaminin ko malakas siya kumapara sakin pero hindi ko hahayaan na matalo ako sa kaniya.


Pinipilit niya akong iuntog sa sahig pero mas nilalakasan ko pa para siya ang mauntog.

Pansin ko na gumagaan ang pakiramdam ko.


"Ako nang bahala dito."


"Support ka namin Janelle."


Napangiti nalang ako ng makita kong walang laban si Mich kay Janelle.


Hanggang sa may lumapit at inawat sila.






A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon