Chapter 15

4K 168 12
                                    


Kanina pa ako palinga-linga dahil sa paghahanap kay Hell. Masyado ng madilim kaya medyo nahihirapan akong maghanap. Jusko! Ang sarap niyang tirisin.

“Pst.”

Tumingin ako sa malaking puno dahil parang doon nanggaling yung sitsit. Tanging baga ng sigarilyo ang naaaninag ko.


M-may kapre?

Pero maliit lang yung sigarilyo. 'Di kaya duwende? Pero may duwende bang naninigarilyo? Psh.

“Heaven!”

Mukhang alam ko na kung sino siya.

“Bakit ba may patakbo-takbo kapa? Ang choosy mo ah.” sambit ko nang tuluyan akong makalapit sa kaniya.

“Psh. Bakit sumunod kapa?” tanong niya. Masama bang sundan siya?

“Wala lang. May hinahanap kasi akong Unggoy. Akalain mo yun nasa harap ko na.”

Hindi man lang siya natawa sa Joke ko. Masyado niyang sineryoso sabagay truth hurts nga naman.

“Agree ka?”

“Nope. Si Heaven ako.”

“Ts. Agree ka sa pinaplano ng parents natin?”

Agree nga ba ako?

“Oo. Alam mo namang takot ako sa Mommy ko.”

Alam niya rin na isang salita lang si Mommy. Once na may maiplano siya, hindi na 'yon magbabago.

“Pakakasalanan mo 'ko dahil lang sa sinabi ng Mommy mo at ng Mom ko?” seryoso siya pero hindi ito yung oras na dapat matawa ako.


“Ofcourse. Wala akong gusto sa'yo and its just an order.” nakangiti kong sambit. Edi kapag kaya na naming tumayo sa sarili naming mga paa, pwede naman kaming mag divorse.

“Paano kung--”

“Paano kung?” bwisit. Nambibitin pa,

“Paano kung kailangan nating mag-sex?”

“Wha the fuck!”

Halos lumabas ang eyeballs ko dahil sa tanong niya.

“No I mean-- kapag gusto na nilang magka-apo. Aish!” napahilamos siya ng mukha, ang awkward kasi ng tanong niya.

“Ibibigay natin. Edi magse-sex tayo. Pero jusko Hell wag mo sanang pangarapin kahit na gusto mo akong tikman.”

“Well. Kailangan nating paghandaan 'yan.”

Hinampas ko siya sa braso dahil sa sinabi niya. Badtrip! Nakuha niya pang matawa sa kamanyakan niya.



Bumalik kami sa party at tila natahimik sila nang makita kami ni Hell na magkasama. Kahit yung mga nagsasayawan ay napahinto rin.


Lumapit kami kay Mom at Tita Joyce, nakipag-beso naman kami parehas sa kanila.



“Hello po sa mga umattend ngayong araw sa kaarawan ko.I was thankful because you are all here.” Iba talaga ang mayayaman. Nagpapalak-pakan at tila nakikinig sa nagsasalita.

“At sana sa kasal namin ng Future Misis ko ay nandoon din kayo.” inakbayan ako ni Hell. Pasalamat siya at kailangan naming magpa-impress sa parents namin kun'di kanina pa siya nakipag-face to face sa sahig.

Muli na namang pumalakpak ang mga tao except lang kay Mich at sa dalawa niya pang kasama. Well magtatakha paba 'ko eh hindi naman sila tao. Psh.



A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now