HINDI NAMAN SIGURO

150 39 0
                                    


Hindi naman siguro masamang masaktan.
Hindi naman siguro masamang mapagod.
Hindi naman siguro masamang magpahinga.
Hindi naman siguro masamang magpatuloy.
Hindi naman siguro masamang magtiis.
Hindi naman siguro masamang lumaban.

Hindi naman siguro masamang mapagod ulit.
Hindi naman siguro masamang puro pahinga lang siya ulit.
Hindi naman siguro masamang ikaw ang magpatuloy ulit.
Hindi naman siguro masamang magtiis ulit.
Hindi naman siguro masamang mag-isang lumaban ulit.

Hindi nga siguro masamang magpaulit-ulit, pero hindi din naman siguro masamang tumigil kapag paulit-ulit na ikaw lang ang nasasaktan pero akala mo'y siya pang pagod na pagod;
Ang umiyak habang nagpapahinga kahit di niya magawang magpatuloy;
Ang magdusa habang nagtitiis ka habang siya mismo ay hindi lumalaban.
Hindi naman siguro masama ang matauhan sa kapaguran at mamanhid sa sakit na paulit-ulit mong nararanasan.

Masama bang isipin mo naman ang sarili mo at paglaanan ng kaunting natitira pang pagmamahal?
Hindi naman siguro.

RANDOM THOUGHTS - POEMSWhere stories live. Discover now