KAIBIGAN, KUMUSTA? - Impromptu

45 2 0
                                    


Kaibigan, ano na
Mangangamusta lang sana
Ikaw ba ay maayos pa,
Ano bang lagay mo na

Nais ko lang alalahanin ang ating nakaraan
noong ikaw at ako ay may angking kabaliwan
ang mga panahon na tayo'y nagkasama
mga araw na sumasakit ang tiyan sa kakatawa

iyo bang naalala sa t'wing ako ay lumuluha,
sa halip bigyang-pangaral ay tinatawanan pa
ang aking naging hitsura noong ako'y umiiyak
sabi mo'y 'di maipinta, tawa mo'y humagalpak

'ikaw ay umayos' iyan ang iyong utos
sa t'wing ako ay napapagod at tila ba humahangos
palagi kang nariyan lumuha o tumawa man
ikaw and depinisyon ng tunay na kaibigan

ikaw ay naiiba, 'di mang-iiwan tulad nila
malayo sa mga lalaking 'di kalauna'y nawawala
iyan ang inisip ko, na ika'y magtatagal
sa piling ko'y mananatili ngunit tadhana ay hangal

kaibigan, anong nangyari, tila ika'y biglang binawi
ang 'yong ngiti kapag kasama ako ay tila ba napapawi
nariyan nga't may dumating, ngiti mo ay biglang gumuhit
sino siya, bakit sa kanya ay mabilisan kang lumapit

at biglang dumating ang araw kong kinatatakutan
hindi ko na maramdaman na ako'y iyo pang kaibigan
nais ko mang magalit at ikaw ay tanungin
ngunit hindi ko magawa, baka iba ang iyong isipin

ano ang nangyari sa ating dating samahan,
nagkaroon ka ng bago at ako ay pinalitan
akala ko pa naman lalaki lang ang may alam,
ang kayang magbigay ng ganitong pakiramdam

ako nga'y nanibugho, hindi tayo nagkasundo
nangulila lang naman, pagkakaibigan ay gumuho
nagkamali sa inakalang sa kanila ay iba ka
nasasaktan ako, ngunit may magagawa pa ba?

ikaw ay masaya sa piling ng iba
wala akong karapatan para pigilan ka
ako ay kaibigan lamang, binigyan ka ng halaga
ngunit hindi tayo pareho, ako'y pinalitan mo na

huwag mo sanang kalimutan na mayroong isang ako
walang ibang hinahangad kundi kaligayahan mo
mangyari mang masaktan ka ng kaibigang pinili mo
'wag mag atubiling lumapit, naririto pa rin ako

--

from a given topic

post: magbigay ng nakalulungkot na pangyayari, gagawan ko ng tula.

- dating matalik na magkaibigan at ngayon daw ay hindi na nag-uusap dahil 'di umano sa bago nitong kaibigan. 

RANDOM THOUGHTS - POEMSWhere stories live. Discover now