BARBIE? - IMPROMPTU

50 2 0
                                    

Matagal-tagal na rin ang ating pinagsamahan
nandito na ang away, sisihan at ang sumbatan
alam ko ang pagkukulang at aking kamalian
ngunit bakit nagkaganito, ano nga ba ang dahilan?

'Di kalaunan ay naramdaman, nakakasawa ang alitan
naging araw-araw na nga at hindi ko maintindihan,
sabihin mo ang totoo kung ako ba'y mahal mo pa
mananatili pa ba ako at sa iyo'y kakapit pa?


Ramdam ko ang pagbabago malayo sa unang tayo
kapag kasama mo ako, tila peke ang ngiti mo
sa mga sinasabi ko'y hindi ka na interesado
tila ayos sa iyo kahit pa mawala na ako


Kinausap ka ng maayos ngunit luha ko ay bumuhos
mas ginusto mong magkawalay at hindi tayo naayos
Ang sabi mo ay tama na, lumayo at may iba ka na
Ginawa ko ang gusto mo dahil doon ka liligaya


Pinaniwala ang sariling kailangan mo ng espasyo
naguguluhan ka lang at nais mong lumayo ako
sinunod ko ang gusto mo kahit totoo'y umaasa ako
baka sakaling babalik ka at magkaka-ayos tayo


Ngunit ang aking nalaman ay malayo sa inasahan
para akong kandila, nauupos ng dahan-dahan
mayroon ka nang iba, bago pa ang hiwalayan
noong natapos tayo, kayo pala'y ilan nang buwan


Sana hindi na pinatagal na ako ay iyong saktan
sana sinabi mo na agad na wala nang nararamdaman
hindi kailangan patagalin, umabot pa ng ilang buwan
masaya ka ba sa ginawa mo, ako ay pinaglaruan


Hindi ko maiintindihan anuman magiging dahilan
kung bakit 'di sinabi agad at ikaw ay natagalan
masaya ba sa pakiramdam na kami ay dalawa
mas nakaka-lalaki ba kung hihigit sa isa?


Ganoon ba kahirap umamin kung makasasakit
hindi ba't kapag naglihim, ang sakit ay hihigit
napaisip tuloy kung ikaw nga ba ay lalaki
bakit tila ikaw ay naglalaro din ng barbie

--
from a given topic :)

post: magbigay ng nakalulungkot na pangyayari, gagawan ko ng tula.

- matagal nang magkasintahan at nakipaghiwalay ang lalaki dahil hindi na daw mahal. Napag-alaman ng babae na mayroon na palang bagong kasintahan ang lalaking ito ilang buwan bago pa man sila maghiwalay. In short, TIMER. 

RANDOM THOUGHTS - POEMSजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें