KAHIT 'DI AKO ANG KAILANGAN MO

12 0 0
                                    

Mahal,  sa araw araw na ginawa ng Diyos
Sa bawat away at pagkaka-ayos
Sa lahat ng tawa kapag iyak at natatapos
Pangalan mo pa rin ang sa puso ko ay tumatagos

Naalala ko lang, alam ko at hindi ko nakakalimutan
ang mga pangako na ating binitawan,
Ang bawat salita na lumabas habang ang ang ngiti sayong mga labi ay aking nasisilayan,
At ang init ng bawat yakap, ang tamis ng ating pagmamahalan na minsan kong hiniling na sanay hindi mawakasan

Masaya. Masaya naman pero nung una lang.
Mahal. Mahal naman pero may kulang.
Habang ako ay nagkukulang ikaw naman ang nasosobrahan.
Nasosobrahan sa pagmamahal, tipong 'di ko na masuklian.

Ang pag-iisip ng pagkakaiba natin ay hindi ko maiwasan
Hindi ko alam kung paanong ang pangangailangan mo ay aking mapupunan.
Wala akong maisip na paraan para ang lahat ng ginagawa mo ay aking masuklian
Hindi ka naman naghahanap ng kapalit at hindi mo naman sinusumbatan
Pero ang sakit, ang sakit isiping yung pagmamahal na nararapat sa'yo ay hindi ko magampanan

Dahil Mahal.. Kailangan mo...

kailangan mo ng taong kabaliktaran ng isang AKO
Yung taong mas makapagbibigay sa'yo ng higit sa kaya ko
Yung kayang ibalik at suklian ang pagmamahal na ipinapakita mo
Yung taong nararapat para isang tulad mo.

Mahal ..

Ikaw yung minsang naging panalangin ko
Nung hiniling ko sa Panginoon na sana ay may magmahal sa akin ng totoo,
Ibinigay ka Niya..
Ibinigay ka Niya pero napabayaan kita.
Mahal, sorry na..mapatawad sana kahit alam kong hindi ka na babalik pa

Yung mga panahon na kasama ka ay isa sa pinakamagandang kabanata ng buhay ko
Hanggang sa dumating ang oras na nabaliktad ang lahat,  nagsawa ka na at nabaling sa iba ang pag-ibig mo
Mahal kita, minahal mo ako pero sinayang ko, at ito...
Ito na ata ang pinakamahirap na pagpapaalam sa mundo
Ang pagpapalaya dahil ngayon may iba nang nagmamay-ari sa'yo.

Kailangan kong maging masaya dahil sa wakas, may magpupuno na ng pagkukulang ko
makukuha mo na ang kailangan mo, may magsusukli na sa bawat sobrang ibibigay mo
May magbibigay na ng pagmamahal na nararapat sayo..
magiging masaya ako kahit ang taong iyon...Ay hindi na ako.

-

A challenge.
Nov.5, 2o2o
Use the Song: I Love You, Goodbye

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RANDOM THOUGHTS - POEMSWhere stories live. Discover now