MOTHER'S DAY - IMPROMPTU

41 2 0
                                    

Kung wala ka'y wala ako, malaking katotohanan ito
nalalapit na ang araw ng mga dakilang tulad mo
hayaan mong ialay sa'yo ang mga salitang ito
munting regalong hindi papalit sa mga sakripisyo mo


Ilang buwan sa tiyan mo ang aking itinagal
nasa tiyan mo pa lamang ay dama na ang pagmamahal
bigat ko ay dinala mo kahit hirap kang maglakad
maayos na kalagayan ko, iyon lang ang iyong hangad


Nang ako ay inilabas hirap na walang katumbas
nang matapos ang ilang oras, naubusan ka ng lakas
ngunit hindi naging hadlang upang ako ay iyong tignan
bago ka magpahinga ako muna'y sinulyapan


Nabubuhay na ako ng ilang taon ngayon
pagmamahal mo ay hindi nagbago magmula pa man noon
walang mas makalalampas sa iyong pagmamahal
patawad sa pagkukulang ko at ako'y naging hangal


Hindi ako pinagsawaan kahit na ako'y sutil
patuloy pa ring minahal kahit anak ay suwail
walang sawang nag-alaga, ikaw ay hindi nagsawa
maraming salamat sa iyo, aking inang dakila


Ikaw ang aking bayani, wala kang kasing tatag
salamat sa hindi pagsuko sa pag-aalaga magdamag
ako ay iyong pinalaki, hindi ka nag atubili
paano pa kaya ako makapgbibigay ng sukli


Lahat ng hirap at pasakit ay napunta sa iyo
iyan lang ang mga bagay na tanging ipinagdamot mo
gustuhin ko man ina, ngunit kailan makakabawi
kailan muling masisilayan ang iyong mga ngiti


Hindi Mo man lang binigyan ng pagkakataong bumawi
hindi Ka man lang nag-babala bago Mo siya binawi
O, Diyos, pakiusap, ipakita mong muli
nais ko lamang masilayan ang kanyang mga ngiti


Ina, hindi na masusukat ating distansya at pagitan
ngunit ngayo'y tila mas gusto ko pa na ako ay pagalitan
hindi na ako magrereklamo kahit araw-araw pa iyan
kaysa ngayong hindi ka marinig at hindi ka masilayan


Ako'y nangungulila sa iyong pagkawala
alalahanin ka palagi, iyon na lang ang magagawa
kahit lumuha ng isang balde, hindi ka na magbabalik
hindi ko na mararamdaman sa pisngi ko ang iyong halik


Pupunasan ko ang luha sapagkat iyon ang turo mo
'maging matatag ka, paano 'pag wala na ako?'
ang hirap 'pag wala ka 'nay dahil kulang na kulang ako
pipilitin kong matatag at sundin ang pangaral mo


Ngayon linggo ay daraan araw ng 'sang tulad mo
iba'y babati sa personal, ngunit hindi ako
gayunpaman ipagmamalaki ko kahit wala ka sa piling ko
"Maligayang Araw ng Mga Ina" sa dakilang Nanay ko

----

from a given topic

post: magbigay ng nakakalungkot na pangyayari at gagawan ko ng tula

from the comment: "namatay ang nanay ko"

RANDOM THOUGHTS - POEMSWhere stories live. Discover now