NASAAN ANG SIMULA?

39 2 0
                                    


Hayaan mo akong mag-umpisa,
ang umpisa na hindi natin inabot na dalawa
buti pa 'tong sinulat ko, kahit paano may simula na
hindi tulad natin, wala pa nga, ay natapos na

Uunahin ko ang salitang "AKO"
'yong mag-isa man ay tuloy ang buhay ko
'yong tahimik lang at walang nanggugulo
mga oras na 'di nagtatalo ang puso't isip ko

Ako, ito na ako noong nakilala mo
kung anong pagkatao ko iyon lang ang nakita mo
katulad ng iba ay hindi ako perpekto
maraming mali at 'di kagusto-gusto

Noong wala ka pa, ang araw-araw ko ay normal
sa buong maghapon ko ay walang sumasagabal
at nang may ikaw na, hangi'y nagbago na ang ihip
isip ay iyong ginugulo, kahit sa aking panaginip


Isusunod ko ang salitang "Ikaw"
ang nangyari sa akin na maasim pa sa manggang hilaw,
ang dilim na hindi napaliwanag ng kahit anong fluorescent na ilaw,
ang pagkawala mong bigla na mabilis pa sa bulalakaw

"Ikaw", ikaw ay may sinabi sa unang araw pa lamang
alam ko na ang hanap mo ay isang kaibigan lang
tayo nga'y nagkakwentuhan ng ating nakaraan
noon pa lang alam ko na dapat ang aking lulugaran

Noong nandiyan ka na, nagbigay ka ng sigla
sa araw-araw ay nagagalak na makausap ka
naiinip sa kakaisip kung kailan muling makakasama
paggising ay may hiling, isang mensahe man lang sana

Hindi ako nabigo sa aking mga nakikita
noon lang ako nasabik na magmulat ng mata
dahil sa bawat mensahe mo, ang araw ko ay buo na
ayos lang na kausap ka, kahit hindi na iyong iba

Akala ko'y masaya lang dahil tinuring kitang kaibigan
ngunit lahat ng pinakita mo, ako ay nagulumihanan
hanggang sa nahulog na ko dahil sa ating mga asaran
nahihihrapan magtago ng aking nararamdaman

Hindi ko maamin sapagkat takot ako
takot na lumayo ka sa oras na malaman mo
paano sisisihin ang sarili sa pagkakahulog sayo
bumase lang naman ako sa mga pinakita mo

Ihuhuli ko ang salitang "TALO"
may letrang L pagka't walang TAYO
hindi pinagsama ang ikaw at ako
hindi ipinagkaloob kahit anong pagsusumamo

Hanggang sa dumating ang kinatatakutan ko,
'di ko man inamin pero naramdaman mo
inaasahan ko naman, dahil hirap na nga ako
hirap at talo dahil nahulog ako sayo

Gumising ako at muling nsasabik,
ngunit wala ka nang mensahe, ako'y di nakaimik
noong araw na iyon almusal ko ay hibik
hanggang tumulo ang luha sa aking mga pilik

Hindi ko napigilang tanungin ang sarili
kanino ba dapat ibigay lahat ng sisi?
ang sikip sa dibdib hindi alam pano mapawi
nagtatalo puso at isip, parang gyera sa Marawi

Kasalanan ko ba, o kasalanan mo ?
paasa ka ba o marupok lang ako?
ako ba'y aasa sa ako at ikaw?
ang salitang TAYO ba ay mabibigyang linaw?

Pagkakamali ko nga siguro kaya nagkaganito ako
labas ka na nga siguro sa kinahinatnan ko
nong dumating ka, nagkakulay ang buhay ko
kaya aaminin ko na lang, oo, naging marupok ako

Pero hindi ka dapat sisihin sa nangyayari sa akin
binigyan mo lang naman ako ng oras, at pinaligaya ang damdamin
inaaw-araw mo lang naman ang pang-aasar mo sa akin
ako naman ang pumili na ikaw ay seryosohin

Kinulayan mo, at dinala sa alapaap
sayo lang naramdaman ang sayang aking hinahanap
para akong lumilipad at may malaking pakpak
pero nahulog ako sayo, malakas na lagapak

Pero ngayon wala ka na, tinapos mo na
tinapos ang bagay na hindi nag-umpisa
kung maririnig mo ito, ay huwag kang mag-alala
ako ang dapat sisihin, ako lang walang iba

Dahil mapagpatol ako, sa salita mo ay umasa
"Sasaluhin kita, mafall tayo sa isa't-isa"
nakalimutan kong magkaiba ang seryoso sa biro pa
kaya ngayon eto ako, luluha ng mag-isa

Dahil wala ka na sa piling ko, at may tanong sa isip ko,
ang nasaktan ay puso ko, buong sistema apektado
nagmahal ako at di nasuklian, umibig ako sa makapagyarihan
may kakayahang wakasan ang di man lang nasisimulan

RANDOM THOUGHTS - POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon