HIWALAYAN

80 31 2
                                    

/HIWALAYAN/

Ikaw at ako, noo'y masaya tayo
ngunit bakit ganito, bigla na lang nagbago,
sabi mo'y mahal ako, iba'ng ipinapakita mo,
nararamdaman kong wala lang ako sa'yo

Mahal kita, ito ay totoo
nasasaktan ako sa naging pagbabago mo
ang tanong sa sarili, mahal mo pa ba ako,
masaya ka pa ba sa kung ano ang meron tayo?

Tayo ay walang linaw 'pagkat nagbago na ikaw
pangalan mo'y unang sigaw ng puso kong sayo'y uhaw
sinta, paliwanagan mo ang puso kong nalilito
nasa'n na ang pangako mo, bakit biglang nagkaganito?

Ako ay tao lamang, mayroong pangangailangan
gusto kong maramdaman ang aking kahalagahan
walang tao ang may gusto na siya'y bale-walain
gusto ko lang sanang malaman kung ako'y mahal pa rin

Heto nga at dumating ang sayo'y aking hinanap
kaibigan na 'pag kasama, aking saya'y lumalaganap
ayaw ko man sanang aminin ngunit ito'y ginusto rin
nagdudulot ito ng kung ano sa damdamin

Hindi sinadayang ang iba'y matagpuan
tadhana ay alam aking nararamdaman
hindi sinasadya, tila ako ay nauntog
binubuo nito ang puso kong sayo'y durog

Sa iyo'y nakarating ang aking mga gawain
nang malaman mo ito, ikaw ay nagulantang din
ramdam ko ang panibugho kasabay ng iyong pag-amin
hanggang sa lalong lumala itong problema natin

Napagdesisyunan, ating napag-usapan
ano nga ba ang iyong plano sa ating nasimulan?
at ako nga ay nahilo sa iyong kasagutan
hanggang parehas na piniling relasyon ay wakasan

Ang tula kong ito, ang paksa ay tayo
saloobing ito'y nais ipaalam sa'yo
nakalulungkot man itong kinahinatnan
ating nakaraan, dagling binalikan

walang magagawa, ito ang ating tadhana
minahal man ang isa't-isa, ngunit tila 'di na tama
laging nagkakasakitan, 'di nagkakaintindihan
umabot na sa punto ng ating hiwalayan

sana'y ipagpatawad mo ang naging kahinaan ko
patawad,naging malubay ang pagkapit ko sa'yo
ang kaligayahan mo'y patuloy ipagdarasal
alaala'y mananatili dito sa puso ko, mahal

------

>made as requested
~3.11.19

RANDOM THOUGHTS - POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon