Mission 9

4.6K 91 7
                                    

Mission 9

Yuri's POV


"Yuri, wala pa ba? tagal eh." Louis asked na mukhang naiinip na talaga. But I can't blame him.

Kanina pa nga rin nagmamaktol yan. Pano, gutom na daw siya. Pero kasi 3pm ang usapan. 5 na wala pa rin si suzy. Di kaya may emergency? So mauna na Lang kaya kami? 

"Sige . Mauna na Lang Tayo." I declared.

"Okay, let's go." sabi naman ni Aaron. I sighed. Galit kaya sila? 

"Hayyyy! At last!" tugon naman ni Louis na parang nabunutan ng tinik.

So, nag drive na nga si Aaron papunta sa bahay nila Sedrick. Nag aalala talaga ako dito kay Suzy eh. Ano kaya nangyari doon? Wala man lang texts or calls. 

After 30 minutes nakarating na rin kami sa Bahay nila Sedrick. In fairness, ang laki at ang ganda. Well, what do we expect? So nag door bell na nga kami at isang babae ang nag bukas ng pinto. Ohh, kala ko ba woman hater to? Eh bakit may kasama siyang babae? Hmm.

"Oh? Aaron. Kayo pala, late na kayo ha." She said. Oops. They know each other?

"Uy Kate! Bat nandito ka sa bahay ni Sed?" Aaron asked na parang nagtataka. Napataas na rin ang kilay ko. Okay... bitch mode on? 

"Ahh. Mahabang kwento baka gusto niyong pumasok muna?" she offered and I sighed because at last napansin niyang nakatunganga lang kami sa labas. Kaya naman pumasok na kami. Nakaka mangha talaga yung bahay nila, maraming paintings. As in napapaligiran yung sala nila.

"Ah. Kate... Bakit ka nga nandito?" muling tanong ni Aaron dun sa Kate.

"Ehh. Nakikitira ako ngayon kela Sed." sagot nito.

"Oh. So speaking of Sedrick. Nasan na siya?" He asked.

"Ang alam ko natulog siya eh. So punta tayo sa room niya." she said and then we all nodded.


At last! makakagawa na rin kami ng mga dapat gawin! Pero, wala pa rin si Suzy! Ughh.


Suzy's POV

Hmmmmm. Sarap matulooog.  Lalo na kapag may kayakap.  Hinigpitan ko pa lalo yung yakap ko sa mahabang unan. Ang lamig kasi eh tapos ang bango pa ng unan na to. Kaya naman masarap yakapin. Kaso, pansin ko, nung hinigpitan ko siya, biglang gumalaw. Damn! What the...

Halaaaa. Bat ganun. Kinapa kapa ko yung unan habang nakapikit pa rin. Shoot. Bakit may buhok to? Ano ba to!

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" I almost scream in surprise! Buti na lang di masyado napalakas dahil sa kakagising ko lang rin. And because I am freaking out, nasipa ko siya. Yes nasipa ko siya and when I was just declaring my victory, agad namang nawala ang presensya ko sa kama, because here I am at the top of this freak!

"Arg!!"I heard him growled. Geez, bakit niya kasi hinila yung laylayan ng shirt ko! Tss.

"Ah, Sedrick. Kwarto mo pala to? Hehe. Ano so---" pero bago ko matuloy yung sasabihin ko bigla na kang bumukas yung pintuan sa kwarto niya.


DAMN! WHAT NOW!


Aaron's POV


Nakarating na kami sa harap ng kwarto niya nang may marinig kaming kalampag. Agad kaming napatingin sa isa't isa with a big question in our eyes. Ano kaya yun?

Mission Impossible: Seduce The Woman-Hater (UNEDITED)Where stories live. Discover now