Mission 17

3.5K 79 2
  • इन्हें समर्पित: Kateee11
                                    

Mission 17


Suzy's POV

Dumating na yung van na sinasabi ni Kate. Well, kasya naman siguro kami dito, malaki naman eh. Kaya pumasok na kami sa loob, sa may shot gun seat ay si Baekhyun kasi siya Lang mag isa. Si Yuri, Aaron, Bom and Kris ay dun sa likod Nung driver seat. Kaya ako dun na Lang sa pinaka likod Dahil wala ng available tapos pwede pa ko humigaaaaa. Weeeee. Tutulog nga muna ako.

Madilim pa kaya naman wala rin akong masyadong makita dito sa loob ng van. So pinatong ko na lang yung paa ko dun sa isang seat kasi mag kaharap yung dalawang seats para makahiga ako. Tapos may malaking unan pa! Dun ako pmwesto. Haayyyy, tulugan na!


Sedrick's POV

Nagising ako dahil may nararamdaman akong nakadagan sakin. Ang bigat eh. Kaya naman Minulat ko muna ang mga mata ko...











Damn! Not again!

May nakapatong sa balikat ko na ulo. At eto pa, di lang basta bastang ulo. Ulo ng babae! At hindi lang basta babae. Si Suzy to? Nakaka bad vibes ng umaga. Tumingin ako sa Labas, 7 am na. Ang haba pala ng byahe. Ang tagal ko ding nakatulog. Yan tuloy nagawa pa kong unan ng babaeng to. Psh.  Dahil sa Inis ko, niyugyog ko siya para magising.

"Hey, wake up. Wag kang dumikit sakin!"

Nagising naman siya doon tapos parang nagulat pa siya. Wow ha, siya pa may ganang magulat eh? 

"Bakit ka nandito?" she asked.

"Aba, ako ata ang may karapatang magtanong niyan. Bakit ginawa mo kong unan ha?"

"OMG. Ikaw pala yung unan? Sorry akala ko kasi unan eh, kaya pala nakakapagtaka at sobrang laki nung unan." sagot niya. How stupid can she get?

"Tch. " yan na Lang nasabi ko sa nonsense niyang dahilan. Ang galing talaga ng babaeng to magdahilan psh.


Suzy's POV

"Guys, be ready nandito na tayo. " sabi ni Baekhyun kaya naman nag simula na kong ayusin ang sarili ko at ang mga gamit ko. Napatingin naman ako kay Sedrick na kasalukuyang nagsusuklay ng buhok. Then napatingin siya sakin, kaya naman nagkatinginan kami. Walang umiiwas samin...

Habang tinititigan ko siya, napansin ko kung gaano ka perpekto na ng lalaking to. Gwapo na, matalino pa, mayaman, magaling sumayaw, marunong kumanta. Parang whole package na sana eh. Kundi lang sana siya galit sa mga babae. Ok na sana. Wala ng problema.

"What are you looking at?" he asked at bigla akong napaiwas ng tingin sa kanya dun. Nakaka ilang tuloy. Bakit ba ko naging ganito. Di ako marunong mahiya ah, pero minsan kapag kasama ko tong lalaking to, di ko kapigilang maramdamang yung pakiramdam na yun.

"Huh? Wala. May naalala Lang ako." I reasoned out.

"Pwede ba wag mo kong titigan ng ganyan? Nakakailang eh. Sa iba ka na Lang tumingin pwede?"

Then umalis na Siya . Nakakainis talaga ugali niya. Pero patience... Konti pa... Kelangan kong pagpasensyahan ang ugali niya para maging successful ang plano.

Mission Impossible: Seduce The Woman-Hater (UNEDITED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें