OSS 5: Hiwaga Ng Pasko

343 66 451
                                    

December 9, 1945

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


December 9, 1945

Para kong lumulutang sa kanyang paghagikgik habang masaya siyang tumatakbo paikot sa ilalim ng puno ng Balite.

"Habulin mo ko Fredo, kung maabutan mo ko." Sa isang pitik ng aking hintuturo at hinlalaki ay nasa harapan na niya ako. Dahilan para magulat siya at mawalan nang balanse ngunit bago tuluyan lumagapak sa lupa ay muli kong pinitik ang aking daliri at naging dahan-dahan ang kanyang paglapag.

Nilabian niya ko at sinimangutan sa halip na pasalamatan dahil hindi siya tuluyang sumubsob sa lupa. Tiyak na pisat ang ilong niyang may katangusan pa naman.

Hay! Hirap talagang maunawaan ang mga babae.

Humiga siya nang patagilid at ipinatong ang kanyang ulo sa kanang kamay habang ang kanyang braso ang sumusuporta dito. Lumapit naman ako sa harap ng kanyang napakaamong mukha kahit pa nakaismid pa rin siya.

"Ang daya-daya mong duwende ka! Sabi ng walang gamitan ng kapangyarihan eh! Pitikin ko kaya tenga mo?" Iniamba niya ang kaliwang kamay niya ngunit sa halip na pitikin ako ay kinurot niya ang matulis kong kanang tenga. "Nakakatuwa ang iyong mga tenga! Bakit kaya ang tutulis nila?" nanggigigil niyang sabi at kinurot na naman nang may kariinan.

"Panggigilan ba naman ang tenga ko! Eh, bakit ang mga labi mo ang pupula? Halikan kaya kita d'yan?" Biro ko naman sa kanya ngunit hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya bago pa siya nakasagot ay inilapat ko na ang aking mga labi sa mapula at malambot niyang mga labi.

Nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat at saka ako itinulak palayo. "Ba't mo ko hinalikan? Hindi mo naman ako mapapakasalan." At may pumatak na luha sa kanyang mga mata.

"Patawarin mo ko, Anata. Hindi ba't iniibig naman natin ang isa't-isa? Sumama ka sa kaharian namin at doon ay pakakasalan kita." Walong taong gulang pa lamang si Anata nang una akong magpakita sa kanya. Napakaganda niya kasing bata, makinis at maputi ang kanyang kutis.

Dahil wala naman siyang kalaro dito sa kabukiran kaya naging magkaibigan kami. Madalas kaming mag-usap at ang akala ng kanyang mga magulang na kinakausap niya ang kanilang mga alagang hayop dito sa bukid.

Nang tumuntong siya sa gulang na labing-lima ay nagtapat na ko ng pag-ibig ko sa kanya. At sinuklian niya ang tamis ng aking pagsuyo. Kahit magkaiba kami ng uri ay hindi naging hadlang iyon upang maging masaya kami. Dito sa ilalim ng puno ng Balite kami madalas magtagpo. Nasa di kalayuan lamang ang kanilang tahanan.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi naman ako kakasya d'yan sa napakaliit na daan na 'yan. At alam ba ng ama mong hari na umiibig ka sa isang taong katulad ko?" Malungkot niyang tanong sa 'kin. Ang totoo ay walang nakakaalam ng aming suyuan. Mahigpit na ipinagbabawal sa aming kaharian ang magpakita sa mga tao lalung-lalo na ang umibig sa kanila.  May katapat na kaparusahan ang sinuman mahuhuli.

The Stories In My HeartWhere stories live. Discover now