OSS24: Masohista

45 4 20
                                    

"Bakit nga ba kasi, Kuya?" tanong ko sa kaibigan kong si Kuya Cain.

Siya lang naman ang kuya ng ultimate crush kong si Abel. Napag-usapan kasi namin ang naunsiyaming pagiging mag-siblings-in-law sana namin. Kung bakit hindi itinuloy ni Abel ang panliligaw sa akin.

Isa itong si Kuya Cain sa pasimuno na tuksuhin kami at i-match ng bunso niyang kapatid noong teenager pa lang kami.

"Kasi nga, nahihiya sa iyo nang sobra. Naka-graduate at naging teacher ka na pero siya hindi na nagtapos ng pag-aaral," sagot niya.

Idinaan ko na lang sa birong totoo ang sagot ko, "hindi lang niya ako talagang mahal." Saka ako tumawa nang malakas para pagtakpan ang kirot na nararamdaman.

Ano naman kung hindi siya nakapagtapos? May trabaho naman siya.

Ang masakit na katotohanan na titser din ang napangasawa niya. Elementary teacher sa probinsiya at ako kolehiyo ang tinuturuan ko.

Ang unfair lang dahil sa propesyon ko kaya ganoon? O dahil na rin taga-probinsiya siya at taga-Maynila ako?

"Pero nanghihinayang talaga ako sa inyo. Ikaw ang gusto kong maging hipag," sabi pa ulit ni Kuya.

Tumawa na naman ako. "Masaya naman siya sa asawa niya, 'di ba?"

Kita ko naman sa mga post nila sa FB. Ang sweet-sweet nila. Kahit nadudurog ang puso ko, ini-stalk ko pa rin siya.

"Oo. Mabait din naman ang napangasawa niya," tugon ni Kuya.

"Then, I'm happy for him. Mas mabuting magkaibigan lang kami." At muling tumawa na tila hindi apektado.

Tama. Magkaibigan pa rin kami. Mas nanaisin kopa iyon kaysa tuluyang kaming mawalan ng komunikasyon.

Idinadaan ko lang sa pagtawa ang lahat. Kahit durog ang puso ko.

Wala, eh. Masohista 'ata ako sa damdamin ko. Hindi seksuwal, ha.

🍁💨

29.Jan.20220
MASOHISTA
Eiramana325

The Stories In My Heartحيث تعيش القصص. اكتشف الآن