OSS 21: Their Fate

79 10 80
                                    

"We are just meant to meet but not destined for each other."

(Pinagtagpo ngunit 'di itinadhana)

5/366
💙

🍁💨🍁💨

"Miss, why are you crying?" tanong sa kanya ng isang batang lalaki na sa tantiya niya ay nasa walong taong gulang lamang.

Sa inosenteng mga mata nito'y mababanaag ang pag-aalala. Hindi niya akalaing may nagagawi sa parteng iyon ng parke na di-kalayuan sa kanilang tahanan. Agad niyang pinunasaan ang sariling mga mata't isang pilit na ngiti ang itinugon niya sa bata.

"Is it because the world is unfair? Why do people need to meet but never destined to be together?" tanong ulit ng ingliserong bata na nagpatulala sa kanya.

"Just like us. Are we destined with each other because we meet today? You see, I'm still a kid. I just turned 10 and you're probably 17 or 18. Why are you crying while staring blankly on your phone? Did your boyfriend cheat on you?" Seryosong nakatitig sa kanyang mga mata ang batang may ibang lahi dahil kulay bughaw ang malalalim nitong mga mata.

"Ang bata-bata mo pa, ang dami mong alam. Wala pa akong boyfriend, uy. Naiyak lang ako sa binabasa ko," pagsisinungaling niya rito.

Hindi naman kailangang malaman nito ang tunay na dahilan. Tama ang hinala nito na may ibang babaeng kahalikan nga ang kanyang nobyo. May nagsabi na sa kanya dati na may iba itong idine-date pero hindi siya agad naniwala. Ora-mismo'y hiniwalayan niya ito. Ni hindi siya hinabol para pabulaan man lamang ang kanyang nasaksihan. Hindi nga lamang siya agad umuwi sa kanilang bahay dahil ayaw niyang makita siya ng kanyang magulang na umiiyak dahil pati sila'y hindi boto sa nobyo. Nasa itsura raw nito ang pagiging pelikero, dahil sa gandang lalaki nito.

Nasilaw nga lang ba sa kaguwapuhan nito? Totoo palang hindi lahat ng kumikinang ay ginto. Nasilaw lamang siya sa manining nitong anyo na hindi umabot sa puso. Bakit nga ba kailangang magkatagpo sila gayong hindi naman sila nakatadhana? Iyon ba'y para masaktan lamang ang mura niyang puso? Iyon ba'y para magbigay aral lamang sa kanya?

"That's great then. So, smile. You look ugly when you're crying." Kumurba sa mapupula nitong mga labi ang isang pilyong ngisi. "I'm Aeron, by the way. And you are?" pagpapakilala nito at inilahad ang kamay.

Tinanggap niya iyon. Kahit mainit ang palad nito'y nagbigay iyon sa kanya ng kakaibang kilabot, literal na nagpanginig sa kanya na tila ba nakuryente siya. "Ate Aira. Ang pogi-pogi mong tiyanak ka." Hindi niya napigilang pisilin ang magkabilang mapula-pula nitong mga pisngi at hindi rin niya napigilang bigyan ito ng matamis na ngiti.

"I know, I'm pretty handsome. But what's tiyanak?" Bakas sa guwapo nitong mukha na hindi talaga nito alam ibig sabihin ng tiyanak. Magha-Halloween na kaya siguro iyon ang naitawag niya rito. Bago pa siya nakasagot ay may dumating na aleng tila hinabol ng asong ulol.

"Oh, there you are!" Nakaturo ito sa bata habang hinihingal na tila isang kabayo. "You sneak out again, Aeron. If your daddy finds out, he will be mad with me," sabi ng ale.

"Gonna go back now, yaya. But wait," sagot nito sa kanyang yaya at muling humarap sa kanya, "Aira, wait for me to grow up. I won't make you cry. I'll gonna marry you soon. Remember that!" Pinabaunan siya nito ng isang kindat habang tumatakbong palayo na may ngiti sa kanyang mga labi.

"Asus, kabata-bata pa'y magaling nang mambola. Nasa itsura ng alaga ko ang pagiging babaero. Pasensiya ka na ineng." Natawa pa ang ale sa sariling kumento.

Another womanizer?

15 Years Later

Aeron couldn't suppress his tears. It's their wedding day. The day he will fulfill his promise to Aira.

Isang buwan pa lamang mula nang makabalik ang pamilya niya sa Pilipinas mula sa United States noong magkakilala sila ni Aira. Isa siyang half-Filipino, Amerikano ang kanyang ama't Filipina ang ina. Nakauunawa siya ng Tagalog ngunit hirap siyang magsalita nito. Nakikita niyang dumaraan sa harap ng kanilang bahay si Aira dahil halos magkapit-bahay lamang sila. May crush siya sa dalaga kahit pa walong taon ang tanda nito sa kanya.

Naging magkaibigan sila mula noong nagkakilala sila. Lagi niyang itong binibirong intayin siya't pakakasalan niya ito balang-araw. Tinatawan lamang siya't nakababatang kapatid daw ang turing nito sa kanya.

"I'm already 18. Can I formally court you to prove my love for you?" pagtatapat niya nang muli itong umiyak sa kanya dahil sa pagkabigo na naman sa pag-ibig.

Dalawang taon siyang nanligaw bago niya tuluyang naging kasintahan ang dalaga. Naging isyu rin kasi ang agwat ng kanilang edad. Lalo na't isa nang ganap na nars si Aira at siya'y nag-aaral pa lamang ng kolehiyo. Limang taon silang mag-nobyo nang magpasyang magpakasal na.

Ito na nga ang araw na kanyang pinakahihintay. Ang katuparan ng kanyang pangako sa babaing minamahal mula pagkabata. Papatunayan niyang pinagtagpo sila noon dahil sila ang nakatadhana sa isa't isa ngayon. Nakatadhanang magsama't magmahalan habang buhay. Nakatadhanang bumuo ng kanilang sariling pamilya.

Maaga siyang pumunta sa simbahan dahil ayaw niyang mahuli sa kanilang kasal. Ayaw niyang maunahan siya ng kanyang bride roon. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso. Sobra siyang nanabik na makita ang babaing ilang oras na lang ay magiging Mrs. Aira Katie Santos-Tyler.

Noong makalawa pa sila huling nagkita dahil sa sobrang daming pamahiin dito sa Pilipinas. Sigurado siyang nagpakaganda ang kanyang bride sa suot nitong puting damit pangkasal na hindi nga niya nasilayan kung anong istilo dahil bawal daw makita ng groom at hindi matutuloy ang kasal. Hindi man sila naniniwala sa pamahiin ay sumunod na lamang sila. Ayaw rin naman nilang maantala pa ang kanilang kasal. Nananabik na rin naman siya sa unang gabi nila mamaya. Sa limang taon nilang pagiging mag-nobyo'y hindi pumayag si Aira na isuko nito ang kanyang bandila habang hindi pa sila kasal. Nirespeto niya ang kagustuhan nito kaya't lalo rin niyang minahal ang nobya.

Bumakas na ang pinto ng simbahan. Pumailanlang na ang awiting pangkasal na Beautiful in White, sa saliw ng piyano. Ngunit agad rin napahinto ang tumutugtog at umaawit. Binalot nang nakabibinging katahimikan ang buong simbahan. Ang mga ngiti sa labi ng kanilang mga bisita'y biglang napawi't napalitan ng matinding pagkagulat.

Sa may pintuan ng simbaha'y iniluwa ang ama ng dalaga habang kalong nito ang anak na nakasuot ng puting damit pangkasal na nabuhusan ng pulang likido mula sa sarili nitong dugo.

Isa ang dalaga sa natamaan ng ligaw na bala ng mga kawatang naghabula't nagbarilan malapit sa may simbahan.

Aira died on the spot.

Date written: January 8, 2020 | No. of words: 1,059 words

THEIR FATE
Eiramana325
Copyrighted © 2020
All Rights Reserved.

The Stories In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon