CHAPTER V

23.7K 788 86
                                    

CHAPTER V

Ara opened her eyes only to find herself alone inside the dark familiar room. Nakaupo siya sa gitna ng kama. She was only wearing her white nighties.

Compared to her dream before, medyo naaninag niya ang nasa paligid niya. The room looks vintage. May bintana sa gilid at kahit may kurtina ay alam niyang madilim pa rin.

This was not her room. Pero may ideya na siya kung saan ito.

Tumayo siya at bumaba sa kama. Halos mapaigtad siya nang maramdaman niya ang lamig ng sahig lalo na’t nakapaa siya.

She went to the window and look outside.
Walang katapusang kadiliman. That’s how she describes what’s outside. It was as if she was looking into nothing.

From the side of her, mayroong stand kung saan may nakasabit na roba. Agad niya itong kinuha at ibinalot sa katawan.

‘I need to get out of here,’ she thought.

Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto. Paghawak pa lang niya ng door knob ay naramdaman niya ang init nito. Mainit…ngunit hindi nakakapaso.

Halos manlaki ang mga mata ni Ara nang buksan niya ang pinto. She was greeted by a large foyer. Vintage but dark looking foyer.

Sobrang tahimik at parang sariling paghinga niya ay naririnig na niya. nagpalinga-linga siya para makita kung may tao pero wala. The room was isolated.

“Ara…”

Napalingon siya pero walang tao. The voice seems distant.

“Ara…Ara…”

Napalingon uli siya but there’s none.

“Ara…”

This time ay medyo lumakas ang boses. Naramdaman niya rin na parang may nakahawak sa braso niya.

“Ara, wake up!”

Napabalikwas siya. Pinagpapawisan ang noo niya at nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Mason.

“Are you okay? Have you had a nightmare?” he asked, concern.

“N-no,” halos namamalat niyang sagot. “Why are you here?” she asked instead.

“Euki keeps on crying and I was curious why she hasn’t stop. Iyon pala kasi ang lalim ng tulog mo,” seryoso sabi nito.

“Si Euki. Where’s Euki?” tila kinabahan niyang tanong. Bakit ba hindi niya narinig ang iyak ng pamangkin? Baka nahulog na ito sa kama o nadaganan na niya.

“She’s fine. How about you?”

“Okay naman ako,” she took a glance at the clock on the side of her bed at it was just three AM.

“Mmm, matulog ka na ulit. Kukunin ko na lang muna si Euki sa'yo para matigil na sa pag-iyak,”

“Sorry, Kuya.” Nahihiya niyang sabi.

“Okay lang. Alam ko naman kasing pagod ka pinilit pa kitang tumabi sa'yo si Euki. Go back to sleep. And don’t forget to pray, okay?”

“Okay, Kuya. Good night uli,”

Muling nahiga si Ara sa kama nang makalabas ang kapatid niya. She stared at the ceiling. Para bang nawala ang antok niya. But she has to sleep kundi ay aantukin siya sa simbahan bukas.

***

Tanghali na nang magising si Ara. Nang lumabas siya ng silid ay nadatnan niya ang kaniyang pamilya na kararating lang galing simbahan.

INCUBUSWhere stories live. Discover now