CHAPTER XII

16.8K 641 79
                                    

CHAPTER XII

"Are you hungry?"

"M-medyo,"

"Saan mo gustong kumain?"

"Kahit saan. Hindi naman ako mapili."

Matapos makaalis si Ara at Thorn sa funerary chapel ay tumigil sila sandali sa gilid ng national hi-way kung saan ay tanaw na tanaw nila ang Mayon Volcano.

"Tell me a specific place, Araceli. Dahil baka abusuhin ko ang 'kahit saan' mo at dalhin kita sa iba at—"

"Legazpi Boulevard! Do'n na lang!" mabilis niyang sabi at narinig niya ang mahinang tawa nito.

"Good girl." He said as he started driving.

The Legazpi Boulevard is a coastal road grid connecting the business district and port area. It is also lined with several eateries, cafes, and restaurants kaya ro'n niya naisip pumunta kung saan ay madalas nilang pasyalan ni Jecca no'ng college pa lang siya.

Nag-park sila malapit sa seaside ng boulevard kung saan kaunti lamang ang sasakyan at mga tao dahil tanghali pa lang naman.

Naunang bumaba ang binata sa sasakyan na sinundan naman ni Ara. He secured the door lock bago sila naglakad papuntang boulevard. Bahagya pa siyang nagulat nang hawakan nito ang siko niya at inalalayan siyang maglakad.

Lihim niya itong tiningala habang nasa unahan lamang ito nakatingin. She tried to suppress her smile as she can't believe that this handsome guy has his eyes on her.

Hindi man niya gustong lagyan ng kahulugan ang mga ginagawa nito hindi niya rin maikakaila na umaasa siya. She's just like anybody else na mahilig mag-assume.

Itinuro ni Ara ang isang eatery na maraming estudyante at turistang kumakain. Hindi kalakihan ang eatery kaya pati sa labas nito ay may mga monoblock chairs at table. Tanging ang hangin sa sea side ang nagbibigay ventilation sa loob dahil wala man lang electricfan dito.

"Are you sure...you want to eat here, Ara?" Thorn asked her at hindi nakaligtas sa kaniya ang pag-ngiwi nito.

"Ano kasi...masarap dito at mura pa. Pero kung ayaw mo puwede naman tayong kumain sa mas magiging kumportable ka at—"

"Okay na 'to. Let's find our seats." Sabi nito at nauna itong pumasok sa loob.

Halos mapahinto ang dalaga na makitang sobrang dami sa loob. Hindi pa man tapos kumain ang iba ay may nakabantay ng mga kakain din.

"Ahm, Thorn...wala na palang upuan at mesa. Sa iba na lang tayo..." sabi niya rito.

"But you want to eat here," sabi pa nito.

"Sa iba na lang. Okay lang sa akin," she assured him at tumango naman ang lalaki.

Lumabas silang eatery and as if on cue, biglang kumulimlim ang panahon na para bang anytime ay bubuhos ang malakas na ulan.

Sa katabi ng eatery ay may Chinese restaurant kung saan sila nag takeout para sa sasakyan na lang kumain.

Pareho silang tahimik na kumakain nang biglang bumuhos ang ulan. Thorn automatically closed the open window para hindi sila mabasa.

Nakita ni Ara ang ibang tumatambay sa boulevard na parang walang pakialam sa ulan. Lalo na ang mga bata. They are enjoying the rain while playing.

"Do you believe that rain is not a blessing?" tanong sa kaniya ng binata.

"I like raining. It feels cozy," sagot niya.

"I'm sure you do," he commented.

Tumagilid ang dalaga para harapn ang binata. Bakit ba ang guwapo nito sa paningin niya kahit naka-sideview lang? There was something in him that makes her drawn to him. Nakaka-akit, nakaka-halina, at napa-misteryo. Mga bagay na mas lalong gusto niya itong kilalanin.

INCUBUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon