Chapter VII

22K 800 94
                                    

Chapter VII

"Sino 'yong naghatid sa'yo, Ara?" tanong sa kaniya ng Kuya niya nang mapasok siyang bahay.

Hindi alam ni Ara kung paano nalaman ng kapatid niya. Sa kanto lang nga siya bumaba kasi ayaw niyang ma-interogate siya ng kaniyang pamilya. Pero 'eto ang kapatid niya tinatanong siya.

"Kaibigan ko, Kuya," sagot niya.

"Maganda 'yong sasakyan. Babae o lalaki?" tanong pa nito kaya natawa siya.

"Si Kuya. You act as if I am still a high schooler," napapailing niyang sabi.

"I just want to know who you were going out with, Ara." Sabi nito kaya mas lalong natawa ang dalaga.

"Kuya, nag-magandang loob lang iyong tao na ihatid ako kasi na-flat-an ako ng gulong kanina," she explained.

"Na-flat-an ka? Why didn't you call me?"

"I did. But he offered me a ride kaya um-oo na lang ako. Wala namang masama—"

"Ah ha! Huli ka. You said he. It's a guy!" sabi nitong nakaturo pa sa kaniya. Para bang nahuli siyang gumawa ng masama.

"Kuya—"

"Siya 'yong crush mong sinasabi, 'no? Umamin ka, Ara." Sabi pa nito kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.

"I'm tired, Kuya," sabi niya sabay talikod.

"H-hoy! Ara—"

Agad na binuksan ni Ara ang pinto at isinara ito. Nakangiti lamang siya habang naririnig niya ang pagkatok ng kapatid niya.

She wanted to tease him kaya hindi muna siya magku-kuwento. And besides, wala pa naman dapat siyang i-kuwento. It's too early.

Nagbihis lamang siya bago nahiga. Maaga pa naman. Her mother will call her kapag kakain na ng dinner.

"T-thorn," she whispers as she felt her eyes closing, drifting herself to sleep.

***

"Mason, kakain na. Akin na muna si Euki, mauna ka ng kumain," Mason heard her grandmother said.

"And call you sister," dagdag ng kaniyang Ina.

Walang kibong sumunod si Mason at umakyat sa second floor ng kanilang bahay. He headed to Ara's room. He knocked three times before opening the doorknob.

"Ara? Kakain na," he said.

Naabutan niya ang kapatid na tulog. Ayaw niya sana itong gisingin but he knew she has to eat.

"Ara, wake up. Kakain na," mahinang sabi niya. Naupo pa siya sa gilid ng kama at marahang tinapik ang balikat nito.

"Ara...wake up sleepy head."

His forehead creased when there's no response from her. He eyed her breathing at parang hindi man lamang humihinga ang dalaga.

"Ara... Ara..." he started panicking. Itinapat niya ang daliri niya sa ilong nito at mas lalong kinabahan nang hindi niya maramdaman ang hininga nito.

"Ma! Pa!" mabilis siyang tumakbo palabas ng silid at pumunta sa hapagkainan. Nagtatakang tiningnan siya ng kaniyang magulang at Lola.

"Where's Ara? Kakain daw ba siya?" her mother asked.

"I-I think...I think, Ara is dead!"

***

Napabalikwas ang dalaga nang maramdaman niyang may nakapulupot na bisig sa bewang niya. Nanlalaki ang mga matang iginala niya ang mata.

INCUBUSWhere stories live. Discover now