I

3.5K 96 4
                                    

"Hanggang sa muli.
Iingatan mo mabuti sarili mo.
Lahat ng mga nilikha may limitasyon.
Hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay.
Piliin mo ang laban mo.
Matuto kang tanggapin ang mga resulta ng ginawa mo.
Pahalagahan ang mga bagay na meron ka.
Ingatan ang biyayang pinagkaloob sayo at ito ay pagyamanin.
Pagyamanin ang biyaya at bahaginan ang kapwa.
Magpakumbaba.
Humayo ka na.
Bumalik ka kapag kaya mo na, kapag handa ka na."

....

"Rhiaaaan!!!!!"

Isang nakakarinding pag iingay na naman ang nagaganap!!!
Nakakairita!!! Sarap sarap ng tulog ko eh.
Sigaw ng isip ng dalaga.

"Hay nako!!!! Manahimik ka ngang bakla ka!!!
Ang aga aga eh makabulahaw ka! hobby mo na eh noh?!!!

"Hoy!!! Anong maaga? FYI alas dos na po ng hapon madam!!!
Ano? Alak pa more?" tawang tawa ang baklitang si Paul sa itsura ng kaibigan.

"Paula!!! Pakiusap tantanan!!! Sobrang sakit ng ulo ko!!! Ayaw ko na mag alak!!!! 😭😭😭..Ever!!!!"

"Yan tayo Angelita eh hahaha..SILA NA LANG HUWAG AKO!!!" Tawang tawa pa rin si Paul habang lumalagok ng kape
😂😂😂
Ang luma pa ng joke hahaha jusko Hahahaha."

"Ganyan ka sakin ah baklita 😑😩😒
Penge na nga lang ng kape mo para makatulong ka naman kahit papano hindi yang pang uurat na lang dinudulot mo sakin hahaha."

Siya si Paul Ramos, ang matalik kong kaibigan at parang tunay ko ng kapatid, kasangga..pamilya.
Magtatatlong taon na kaming magkakilala. Magtatalong taon na kami bilang pamilya. Magtatatlong taon na mula ng natagpuan nya ako.
Natagpuang naghihingalo.
Naghihingalo na animo'y malalagutan ng hininga.
Isang gabi na madilim at malamig.
Tila basag ang mundo. Durog ang puso. Malabo ang isip. Malabo ang paningin dahil sa walang humpay na buhos ng ulan.
Basang basa ang buong katawan ng pinaghalong tubig ulan at dugong umaagos galing sa aking bandang likuran.
Ramdam ko ang pagdaloy ng hapdi ng mga galos at sugat sa lahat halos ng parte ng aking katawan.
Nananaghoy ako ng ubod lakas ngunit walang humuhulagpos na salita sa aking mga labi.
Tahimik na pagtangis. Pagtangis na walang humpay hanggang sa mawalan na ako ng malay.
Magtatatlong taon na.

"Rhian Angela Ramos!!!
Nakanganga ka na naman dyan unti na lang talaga papasukan ka na ng bespren mo dyan sa bibig mo haha
loka! hahaha" Patuloy sa pang aalaska ni Paul.

"Hay nakooo Paul umayos ka dyan ah. Wala pa ko sa mood kaya shut up ka lang dyan.
Sobrang sakit ng ulo koooo...
Si hangover kinakarir na naman ako tsk."

"Seryoso Rhi, ano bang nangyare? ngayon lang kita nakitang naglasing ng ganun.
May problema ka bang di sinasabi sakin?
Ano lihiman na ba tayo?
Kailan at sino nagturo sayo maglasing ha?"

"Paul, ang O.A. mo rin talaga eh noh? hahaha
Wala namang dahilang malala..hmmm gusto ko lang maexperience malasing paminsan haha
itry ko lang ba kung ano pakiramdam mo madalas haha."

"Di nga? may di ka ba sinasabi sakin?
Nitong mga nakalipas na mga araw napapansin ko lagi ka na lang gumugora kung saan saan.
San ka ba nagpupunta?
Wag mong sabihing may dyowa ka na? uyyy ah ano pakilala naman oh! San kayo nagkakilala? Anong itsura? Anong name? taga san? kakilala ko ba?" Sunod sunod na banat ni Paul na tila pumupuso ang mata sa kilig.

"Baliw neto haha, alam mo namang wala akong interes makipagrelasyon noh..Hindi na maaari..
Mahirap na.
Ayokong mawili dito sa mundo nyo uli. Hindi na dapat.
Alam mo yan diba?
Andito lang ako bilang pagbabayad. At hindi na ko dito dapat nagtatagal. May misyon ako na kahit ako mismo hindi ko alam kung ano. Ang malinaw lang andito ako dahil may misyon ako at kasabay nun ay ang kaparusahan na rin.
Kaparusahan sa kasalanang hindi ko pa rin maalala at misyon na wala pa rin akong ideya kung ano.
So, I guess eto ang parusa. Parusa na alamin ang purpose ng pananatili ko sa ibang mundong ito. Mundo na hindi nga bago para sakin pero hindi ako para mamuhay dito. Haaayy...
Pero alam mo Paul, sobrang thankful pa rin ako na ikaw ang nakatagpo at kumupkop sakin. Kahit na mag isa lang ako rito at malayo sa kung ano talaga ko, laki pa rin ng pasasalamat ko sa Ating Panginoong Diyos na binigyan nya pa rin ako ng makakasama at gabay sa buhay dito.
Utang ko sayo ang buhay ko."

"Rhian, hindi mo lang siguro alam mas ako ang thankful na pinagkatiwala ka sakin. Ako ang hinayaang makatagpo sayo.
Alam mo isang kang blessing talaga na dumating sa buhay ko.
Seryoso yan Angelita :)
Alam mo minsan lang ako magseryoso.
Kahit na alam natin pareho na syempre pansamantala lang kung bakit ka andito walang magbabago, ikaw pa rin ang Angelita ng buhay ko na nagpakita sakin ng tuwid na daan hindi nga lang tuwid sa ibang bagay 😂😂😂
at alam mo na ibig sabihin nun hahaha."

"Hay nakooo Paula haha loko ka talaga hahaha.
Alam mo kahit kelan talaga di ka na tumino haha
kaya andito ako para talaga sayo eh para iwaksi ka na sa pagiging loko loko mo eh haha kaya magbago ka na oyyy hahaha"

...

"Mukhang maganda dito ah..Gusto ko dito accessible sa lahat.
Whew! New life, New hope! New year!!! hahaha
Salamat nga pala Solenn ah.
Kahit kelan ka talaga the best ka. Yaan mo babawi ako sayo "

"Sus nambola pa wag ka mag alala sanay naman ako sa mga pangako mong napapako haha.
For once magbago ka na Glaiza oyyy haha"

"Grabe ka sakin ah hahaha.
Ayaw mo nun sorpresa ang mga nakukuha mo sakin haha exciting talaga ko maging bestfriend diba? kaya nga kahit di tayo masyado nagkikita ako pa rin ang bestfriend mo doon, noon man o ngayon hahaha"

"Syempre naman Ms. De Castro, ako ang kaibigan mo na pagtitiyagaan mga katopakan at kaweirduhan mo sa buhay hahaha.
Ako na lang nagtitiyaga sayo eh hahaha.
You cant afford to lose me kaya please lang tumino ka dito haha.
Ayaw ko masira tiwala ni Tita sakin kaya please lang magbago ka na."

"Matino na ko way back pa kaya anong sinasabi mo dyan haha.
Kaya nga diba andito ako kasi matino na ko?
Hindi na tayo mga bata noh kaya wag mo na ko ituring na bata.
Ayan ka naman eh haha."

"Hay nakooo Glaiza Denise De Castro goodluck talaga hahaha.
Panindigan mo yang mga sinasabi mo ha.Wag mong sayangin yung sinasabi mong nagbago ka na matagal na.
This time malapit na ko sayo kaya wag ka mag atubili na ikonsulta ako sa mga kagagahang balak mo na namang gawin ha?
Lakad ka lang ilang steps abot kamay mo na ko haha."

"Ok po Madam Soledad Natalia noted!"
Hmmm pero Madam yung kagabi? Pakilala mo naman ako run oh? Close kayo diba?

"Jusko yan na nga ba sinasabi sayo Glaiza Denise!!! Umayos ka ha.
Kilala kita kaya tantanan mo yung kaibigan ko na yun. Magpahinga ka dyan ng umayos na uli utak mo.
Basta tawag ka lang kung may mga kailangan ka.
Mauna na ko."

"Ok..ok hahaha will you relax? haha O.A. mo rin talaga eh nagtatanong lang ng mga posibleng kaibiganin eh haha sungit mo talaga sakin haha.
Ok ingats.
Salamat."

——————————————————

A/N:

Avisala!!!
Maraming salamat sa magbabasa at nagbabasa?
Votes and comments po paexperience..
Salamat mga kapanalig!!!

Saving My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon