IV

910 48 0
                                    

1 New Message

Napangiti ng pagkalawak lawak si Glaiza pagkakita kung kanino galing ang message na nabungaran nya pagkagising.
Good vibes na hindi matatawaran ang hatid sa kanyang pagmulat.
Buo na ang araw nya ilang minuto palang ang lumilipas sa panibagong araw na ito.

"Good Morning My Beautiful Angel Girl Friend 😊😊😊
Sorry nga pala kagabi kung naflood kita ng messages and missed calls ah? I was trying to ask you out and ayun nga walang may alam kung nasan ka.
Sorry talaga kung nalowbat ko phone mo and sorry kung nakulitan ka.
Nag alala lang din kasi ako eh basta sorry talaga kung ang O.A. lang ng reaksyon ko, naistorbo pa ata kita nun"
-Reply ni Glaiza sa nabungarang mensahe.

"No prob, ok lang noh, Pasensya rin kasi hindi ko na napansin yung oras and yung phone ko nun.
Well salamat sa concern. Ok naman ako sadyang busy lang talaga that time.
Don't worry we'll hangout sooner 😙
Have a good day 😄."
-Reply ulit ni Rhian.

"Thank you.Have a good day too. See you soon 😞
Take care."

Message sent to Rhian.

Napangiti ng ubod ng tamis si Glaiza pagkatapos masend ang message.
Mamaya magsisimula na naman syang magstalk ng pasimple.
Kung kelangan kulitin nya si Solenn para mapalapit sa dalagang may mala Anghel na dating para sa kanya gagawin nya sa lalong madaling panahon.
Matagal tagal na rin nung huling nagkasigla ang puso nya.
Yung sigla na nagpapabilis sa tibok ng puso nya sa tuwing may maiisip sya na isang espesyal na tao.
Si Rhian, si Rhian at ang mala anghel na dating nito sa kanya.
Sa mga magagandang mata nito na may kakaibang timpla ng kalungkutan at tila bato balani kapag tinitingnan nya.
May hinuhugot sa puso nya ang bawat paghagod ng tingin nito sa kanya.
Kalungkutan.
Kalungkutan na pamilyar sa kanya.
Mga matang gustong gusto nya titigan.
Kaya sa ano mang paraan sa ngayon na maaari nyang gawin gagawin nya para lang makita ng madalas ang dalaga.
Para makita ang dalaga at magpasakop sa kung ano mang kapangyarihan ang meron ang mga mata nito.

.

.

.

.

"Solenn!!! Wala bang ganap mayang gabi? Sama naman ako oh? Ibelong nyo na ko officially sa circle of friends nyo tutal ikaw lang naman ang kaclose ko dito. Sige na please!!! I want to know Rhian more!!!! ikaw ang pinakamabisang susi para makafirst base hahaha." Himig pagmamakaawang pagpapacute ni Glaiza sa kanyang BFF.

Saving My Guardian AngelWhere stories live. Discover now