XII

733 30 0
                                    


Nasa isang bahagi ng coffee shop si Rhian, as usual nag iisa.
May sariling mundo na tutok na tutok sa kanyang cellphone.
Hindi alintana ng dalaga ang mga labas masok na manaka naka sa nasabing lugar.

Napapakunot noo pa si Rhian at ilang saglit ay mag iiba na naman ang ekspresyon ng mukha.
Medyo masama ang pakiramdam ng dalaga pero napagpasyahan nya pa rin ang lumabas.
It is the weekend anyway at mamaya ay may night out sila na pinakaaantay antay nilang magkakaibigan..lalo na nya.

Kahit medyo masama ang pakiramdam nya ay pinili nya pa ring lumabas kesa sa manatili sa bahay.
Feeling nya lalo lang sasama pakiramdam nya kapag nagmuni muni lang sya sa bahay lalo na makikita nya si Glaiza maya maya at hindi nya pa sigurado sa sarili nya masyado kung paano ito haharapin.
Makikita na nya uli ang babae sa kanyang nakaraan.
Unti unti, pinapangako nya sa sarili nya na gagawin nya ang lahat para makipaglapit pa lalo kay Glaiza.
Baka sakali na habang kausap at kasama nya ito ay sumulpot at mas malinaw na magsilitawan ang mga bagay bagay na kailangan nyang malaman.

Kahit may sense or urgency syang plano sa isip nya ay gagawin nya ito sa kalmado at mahinahong paraan.
Kahit may mga naiisip na ay hindi nya pa rin alam kung maisasakatuparan nya talaga ng maayos ito sa harap ng dalaga.

Mukhang hindi nakakatulong kay Rhian ang masyadong pag iisip.

Unti unting gumagapang ang init sa katawan nya.

Kanina paggising nya,may sinat sya.
Pinakiramdaman ang sarili at napagpasyahan na lumabas pa rin.

Pagkatapos nya maligo kanina ay gumaan kahit papaano ang pakiramdam nya kaysa nung paggising nya.

Ang pagsakit ng ulo, dibdib, at bandang likuran nya ay sinusumpong na naman.

Dumadalas ang mga pagkirot.
Kapag sinusumpong ng sakit sa tatlong bahagi na iyon ay patindi ng patindi ang sakit na parang sinisilaban ng mapanirang apoy ang kanyang kabuuan.

Pinakiramdam muli ni Rhian sarili.
Pagkalipas ng ilang minuto ay napagpasyahan na lang nya umuwi.
May animo maliit na boses na nagsasabing umuwi na sya bago pa may hindi inaasahang bagay.

Dumaan muna sa bilihan ng cake ang dalaga bago umuwi.
Nagsisimula ng lumipad ang isip nya.
ngunit sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay biglang may kakaibang pakiramdam sya.
Yung init na nararamdaman nya sa katawan ay tila nagpupunta sa bandang likuran nya.
Hindi kaya...

Kailangan na nyang magmadali umuwi.
Masama ang kutob ni Rhian.

Agad agad na nagmadali pumunta sa kanyang kotse.

Pagkapasok na pagkapasok ni Rhian sa kotse ay halos mapatili sya sa kirot na naramdaman.
Kinilabutan sya.
Naglagatok ang mga buto buto nya.
Tunog nagkakrak na buto.
Nahintakutan si Rhian
Napapasigaw sya ng mahihina at napapamura pa ng paulit ulit.

"Fvck!'

"Rhian.."

Pumailanlang ang isang malamyos na tinig.

"Bianca?..
Nasan ka?
Oh shit!
Aaaaahhhhhhhh!!!!!!!!!
Fvck! Fvck! Fvck!"

Hanggang sa abot ng makakaya ni Rhian ay pinipigilan nya na mapasigaw ng malakas para iwas iskandalo.
Nasa parking lot pa rin sya sa labas ng pinagbilhan nya ng cake.

"Bianca..pwde ka bang magpakita? Parang awa mo na.
Please?"

Sunod sunod na buntong hininga ang pinakawalan ng dalaga.

Biglang dumilim ang paligid.

...

Sumisirit ang sakit sa kaibuturan.
Napabalikwas si Rhian sa higaan.

Saving My Guardian AngelWhere stories live. Discover now