VII

602 42 6
                                    


"Nakatakda ang nakatakda"
.
.
.
.
.

"Hanggang sa muli.
Iingatan mo mabuti sarili mo.
Lahat ng mga nilikha may limitasyon.
Hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay.
Piliin mo ang laban mo.
Matuto kang tanggapin ang mga resulta ng ginawa mo.
Pahalagahan ang mga bagay na meron ka.
Ingatan ang biyayang pinagkaloob sayo at ito ay pagyamanin.
Pagyamanin ang biyaya at bahaginan ang kapwa.
Magpakumbaba.
Humayo ka na.
Bumalik ka kapag kaya mo na, kapag handa ka na."

.
.
.
.

Lumalakas ang buhos ng ulan na tila lumuluha ang langit.
Lumalalim na ang gabi.
Kalat ang kadiliman at walang maaninag halos na liwanag.

Hungkag

Mahinang panaghoy ang bumabasag sa malalim na katahimikan ng gabi.

Maaaninag ang isang nilalang na tila wala ng buhay.
Nakadapa at lugmok sa isang sulok ng kalsada.
Ang mga impit na pagtangis ay nagmumula sa nasabing katawan.

Sa biglang tanaw ay tila patay na ang nakahandusay na katawan sa gilid ng madilim na daan.
Tila nakikisabay ang pagbuhos ng ulan sa pagtangis at panaghoy ng abang nilalang.
Naghihingalo, nag aagaw buhay.
Karimarimarim na tagpo.

Kaalinsabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pag agos ng dugo na nagmumula sa nakahandusay.
Humahalo ang dugo sa daloy ng tubig ulan na tila luha ng hinagpis na nakikisimpatyang langit sa nasasaksihang tagpo.

.
.
.
.
.
.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Saving My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon