IX

549 30 0
                                    

At the rooftop

Nafufrustrate na si Rhian.
Wala na syang maisip pa na pwdeng gawin para lumabas si Bianca..
Mag uumaga na pero wala pa rin.
Pasuko na sya at ready na umalis ng biglang may naramdaman syang kamay sa kanyang balikat.

Napigtad sya at dali daling napalingon.

"Bianca!"

"Alam ko kaninang kanina ka pa nandito.
Alam ko rin bakit gusto mo ko makausap."
Direct to the point na sabi ni Bianca.

"Saglit lang ako makakapagpakita sayo sa personal ng ganito.
Pero gaya ng sabi ko dati nandito lang ako kapag kailangan mo ko.
Naririnig at nakikita kita, sasagot at sasagot ako sayo.
Last time nagkita tayo sa panaginip mo diba?
Maraming ways for you to reach me.
Patawad na marami akong hindi pa masabi sayo.
Patawad na nadidisappoint kita sa mga expectations mo sakin."
May mga limitasyon ako pero gagawin ko ang aking buong kakayahan para matulungan ka."
Dahan dahang hinawakan ni Bianca ang mukha ni Rhian.

Habang hawak ni Bianca ang mukha ni Rhian ay biglang nagflash lahat ng mga eksenang hindi lubos na maintindihan ni Rhian.
Mga nakakasilaw na liwanag ang nakikita nya, nakikita nya ang sarili na kausap ang isang wangis lalaki at tila umiiyak sya habang naninikluhod na hapong hapo.
Malumanay syang inaalalayan nitong tumayo.
Nasa isang lugar sila na nakakasilaw ang liwanag at may mga nakapalibot na mga wangis tao na nakaputi.
Mabilis ang mga eksena at wala syang marinig na ingay kahit na tila pinapanuod ang mga ganap.
Mabibilis ang mga eksena sa pangitaing iyon. Nagpalit ng eksena.
Biglang dumilim at dumagundong, nakikita nya pa rin ang sarili nya na nakikipaglaban gamit ang espada at pananggalang sa isang nakaitim na nilalang.
Nasa isang lugar sila na nag aagaw ang dilim at liwanag.
May kidlat at kulog ngunit may sumisirit na liwanag mula sa likuran.
mabilis ang mga pangyayari.
Dumarami ang mga kalaban nahihirapan na sya.
Kailangan nya ng tulong dahil magagapi na sya.
Ilang tama na ang inabot nya at natumba ng makailang uli.
Kada tama sa kanya ay lumalamlam ang liwanag na taglay nya.
Tila umaalpas ang liwanag sa kabuuan nya tuwing sya ay natatamaan.
Ang dami na nyang tama ngunit sa pakiwari nya ay hindi sya tinatablan at walang kapaguran pa rin ang kanyang pakikipagtunggali sa nasabing nilalang.
Walang humihinto.
Walang titigil hanggat walang sumusuko, hanggat walang nalulugmok.

Kahit anong gawin nyang gilas sa pakikipagdigma sa mga nilalang ng dilim ay tinatakasan na sya ng lakas laban sa higit isang katunggali.
Natatalo man nya ang mga kakampi ng dilim sa bawat pagwasiwas ng kanyang armas ay animo walang katapusan ang pagsulpot ng mga ito.

Unti unti na nyang nararamdaman ang labis na pagkahapo na nawawalan na sya ng enerhiya para ipagpatuloy ang laban kahit gustong gusto pa ng isip nya ay siyang pagdating ng isang kapanalig.
Hindi man nya maaninag ng maayos ang mukha ng dumating ay gumaan at lumakas ang kanyang loob para mapagtagumpayan ang tunggaliang nasa kanyang harapan.

Dalawa laban sa hindi mabilang na kampo ng dilim ang pumapailanlang sa lugar kung saan ang liwanag at dilim ay tila nagsasabong.

Sa angking gilas ng sumaklolo kay Rhian at sa pusong hindi sumusuko ng dalaga ay napagtagumpayan nila ang labanan na parang wala ng pag asa kani kanina lang.
Naubos ang mga katunggali.
Nagtagumpay sila!
Nang nasigurado na ni Rhian ang naganap ay hinagilap ng kanyang mata ang tumulong sa kanya.

Nagtagumpay sila!Nang nasigurado na ni Rhian ang naganap ay hinagilap ng kanyang mata ang tumulong sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Saving My Guardian AngelWhere stories live. Discover now