CHAPTER I

1.3K 20 2
                                    

"Wala naman po talagang masama kung tawagin ninyong 'bakla' ang isang bakla. Pero kung tinatawag po ninyo silang bakla para ‘maliitin’, 'laitin' at ‘matahin’ -- nararamdaman po nila iyon...

Nararamdaman po nila iyon kasi tao din po sila. Alam nila kung kelan sila inaalipusta at dinidiskrimina. At natural sa mga ‘inaalipusta’ ang magalit. Natural sa mga ‘minamaliit’, ‘minamata’ at ‘nilalait’ ang magalit."

- Jake Perez
(main character)

"Hindi naman siguro matatawag na 'bakla' ang isang nagmahal ng 'bakla'. Hindi naman kase katawan o pagkatao ang basehan kapag nagmamahal ka. Puso. Maraming katangian ang mga bakla na maaaring mahalin ng ibang tao. Yung pagiging masayahin nila. Yung pagiging mapag-bigay at maasikaso nila. Yung pagiging family oriented nila. Kung yung mga katangian bang yun ang mamahalin mo sa kanila, mag-iiba ba ang pagkatao mo? Yung sekswalidad mo? Hindi naman siguro. Ang totoo niyan, may mga babaeng nagmamahal din sa mga bading dahil sa mga katangian nila, ibig bang sabihin nun, bading din ang mga babaeng yun?"

- Liezle
(Jake's girl admirer)

-----------------------------------------------------------------

CHAPTER I

Buwan ng June. Isang araw ng Lunes. Alas sais ng umaga.

Umpisa na ang pasukan. Mag-gi-grade 9 na si Jake.

Panay na ang busina ng school bus/service sa tapat ng bahay nila. Sinusundo na siya. Kaso, kakatapos lang niyang maligo nang mga oras na yun. Wala pa siyang inaalmusal na kahit na ano. Maski kape lang. Balak pa sana niyang sumubo man lang ng sinangag, kaso, nakakahiya kung paghihintayin pa niya ng mas matagal ang naghihintay na sasakyan.

"Hoy! Jake! Bilisan mong kumilos! Andyan na ang service mo!" sigaw ng Tita Dolly niya.

Lalo tuloy siyang nataranta. Mabilis siyang nagsuot ng pantalon, sapatos, nag-suklay ng buhok. Hindi na nga siya nakapili ng pang-itaas na damit. (Wala pa kase silang uniform -- ngayon palang idi-distribute ng school para sa mga bago nilang studyante).

Transferee siya sa school na yun. Kaya wala pa siyang kahit na anong bagay na galing sa school na papasukan.

Ang hindi niya alam, ang polo-shirt na nahablot niya mula sa closet ay may butas/tastas sa kili-kili. Hindi na niya iyon napansin sa pagmamadali.

Pagkatapos niyang maisuot ang polo-shirt ay patakbo na siyang lumabas ng bahay upang dumiretso sa school bus na naghihintay sa kanya.

"Auntie, alis na po ako!" paalam niya sa kanyang tita habang binubuksan ang gate.

Narinig pa niya ang pagsigaw ng Tita niya. "Hoy! Mag-almusal ka na muna.Kahit isang pirasong tinapay lang!" Na sinagot na lang niya ng "Sa school na lang po ako mag-aalmusal!" habang tumatakbong kumakaway para magpaalam.

Pagkapasok niya sa bus ay humingi siya ng pasensya sa driver. Tumango lang ito at isinenyas na pumasok na siya.

Sa bandang dulong upuan siya umupo. Agad niyang tiningnan ang oras sa cellphone niya. 6:19am na. 7am ang unang subject niya. Medyo malayo ang school sa bahay nila. Malamang ay ma-late sya sa kanyang unang subject. Maliban tuloy sa kaba na nararamdaman niya, nangangamba din siyang mahuli sa unang klase nya. Awkward para sa isang transferee sa unang araw ng klase na ma-late.

Ilang mga studyante pa ang dinaanan at sinundo ng school service. Kaya hindi na nakakapagtaka na pasado alas siyete na nakarating sa harapan ng school ang school service.

Patay! Late nga.

Pagkababa niya mula sa school service ay dumiretsto siyang pumasok sa gate. Kinuha niya mula sa bag ang registration slip para tingnan at malaman kung saang room ang unang klase niya. Nagtanong siya sa isa sa mga guardyang nagbabantay sa gate kung nasaan ang room 202.

PICTURES OF THE PASTWhere stories live. Discover now