CHAPTER XIV

242 14 6
                                    

Inuga-uga ni Ariel ang belt at bewang ng pantalon ni Jake para mas lumuwag ito at mas madaling maisiksik ang nakalabas pang laylayan ng sando ng huli.

Dahil sa pagkakayugyog nito sa bewang ay tila umindayog naman ang katawan ni Jake.

Na siya namang nasaksihan ni Red. Kaya dali-dali itong nagpunta sa kinaroroonan ng dalawa pagkatapos na sumigaw.

-----------------------------------------------------

"Oh! Red! Gising ka na pala!' bati sa kanya ng tatay niya.

Hindi siya sumagot. Bagkus ay papalit-palit ang tingin niya sa dalawa. Tila naroon pa rin sa mukha niya ang expression ng tanong kanina. Ang tanong na "Anong ginagawa niyo???".

"Maayos ba yung pagkaka-tuck-in ng sando mo sa pantalon? Yung kay Jake, may nakalabas na laylayan pa kanina. Inayos ko. Ayan OK na." turan ng tatay niya.

Saka tiningnan ng tatay niya ang suot niya. "Ayan! Hindi rin maayos ang pagkaka-tuck-in ng sando mo! May nakalabas ding laylayan! Parehong-pareho talaga kayo ni Jake! Hahaha!" nakatawang saad nito.

Muling nagsalita ang kanyang ama, "Halika nga rito, Red. Aayusin ko yang pagkaka-tuck-in ng sando mo." anito at hinila siya papalapit. At gaya ng pag-indayog ng katawan kanina ni Jake ay nayugyog din ang kanyang katawan ng paluwagin ng kanyang ama ang belt at habang iniaayos nito ang suot niya.

Habang nasa ganoong ayos sila ng kanyang ama ay nagkakatinginan sila ni Jake.

"Ayan ayos na!" nang sa wakas ay bulalas ni Ariel.

"Tara po. Kain na tayo. Umupo ka na Red!" yaya ni Jake sa hapag.

Tahimik lang siyang umupo at sumalo sa pagkain.

Nagkamali na naman siya inakala… Nahihiya tuloy siya sa dalawa. Alam kaya ni Jake at ng tatay niya ang nasa isipan niya kanina? "Sana hindi. Pero imposible. Arrrrggghhh.." aniya sa isip. Pero habang pinapanuod niyang kumain ang dalawa ay tila wala naman sa mga ito ang nangyari. Normal naman ang kilos ng dalawa. Siya nga lamang yata ang naglilikot ang isipan -- hanggang ngayon!

Iniiling-iling na lamang niya ang ulo para maaalis sa isip niya ang nangyari kanina at para tumigil siya sa kakaisip ng kung anu-ano!

-----------------------------------------------------

Pagkatapos nilang mag-almusal ay nagpaalam na sila sa kanyang ama.

"Aalis na po kami." ani Jake at nagmano. Bagay na hindi ginagawa ni Red.

Aktong maglalakad na siya nang pigilan siya ni Jake.

"Hoy! Ano ka ba!?? Magmano ka bago umalis!" anito na inginunguso pa ang direksyon ng tatay niya.

"Hah??!" aniya. Hindi kase siya sanay gawin iyon sa tatay niya.

"Mano. Ganito…" ani Jake na iminuwestra pa kung paano gawin ang pagmamano. "Nakalimutan mo ba kung paano gawin?" tanong pa nito sa huli.

"Alam ko kung paano gawin!" animo'y iritable niyang sagot. Napilitan siyang gawin ang pagmamano sa ama.

Maluwag ang pagkakangiti ni Ariel nang makapagmano ang dalawa. Unang beses niya kasing gawin iyon.

"Oh ito, baon niyo!" maya-maya'y turan ni Ariel. Noo'y iniaabot sa magkabilang kamay at nakatapat sa kanilang dalawa ang perang baon nila.

"Huh? Pati ako po, meron?" tanong ni Jake na nakatitig sa kamay ni Ariel na nakatapat sa dito.

"Oo naman." nakangiting tugon ni Ariel.

"Naku, wag na po. May iniwan pa po si ate na pambudget ko sa school. Kasya pa po yun!" sagot ni Jake.

PICTURES OF THE PASTOnde histórias criam vida. Descubra agora