CHAPTER XL

170 11 3
                                    

KINAUMAGAHAN...

Pagkamulat ni Red ng mga mata ay tila iba ang pakiramdam niya ngayong araw.

Agad ding pumasok sa isipan niya ang mga nangyari kagabi. Maging ang naging usapan nila ni Jorix.

Nangako siya kay Jorix kagabi na babawi siya sa Tatay Ariel niya. Ipinangako niyang ipaparamdam niya sa kinilalang ama ang pagiging isang anak - bagay na hindi niya nagawa noon -bilang pagtanaw ng utang na loob at pagpapasalamat.

Ngayon lamang niya pinagmasdan ang kabuuan ng kanyang kwarto. Sa tinagal-tagal ng panahon na dito siya nagpapahinga at nananatili ay ngayon lamang niya napag-isip -isip ang tungkol sa mga alaalang naipon sa kwartong iyon. Tila sarap na sarap siyang pagmasdan ang buong kwartong iyon ngayon.

Nang magawi ang kanyang paningin sa sahig kung saan madalas na ilatag ni Jake ang higaan nito ay malinis na ito. Nakatiklop na ang kutson. Wala na si Jake doon.

Tumingin kaagad siya sa cabinet kung saan madalas na isabit ni Jake ang bagong plantsang uniform.

Nangiti siya nang may makitang plantsadong uniform at ang bagong linis na pares ng black shoes sa ilalim nito.

Bumangon siya at kaagad na naligo.

Pagkaligo at pagkalabas niya ng kwarto ay pinagmasdan din niya ang kabuuan ng loob ng bahay. Gaya ng ginawa at naramdaman niya kanina ay tila nasa isang bagong bahay siya. Feeling niya'y bagong lipat sila sa isang bagong bahay.

Bago tuluyang makababa ng hagdan ay binalak niya munang sumilip sa  kwarto ng Tatay Ariel niya. Pero naka-lock na ang pinto - malamang ay nakaalis na ito't nagtungo sa talyer.

Pagkarating sa kusina ay inasahan niyang makikita doon si Jake - pero wala siyang nadatnan doon. Tanging ang nakahandang almusal, pinggan at kubyertos ang nakita niya sa lamesa.

Nagpasya siyang kumain na - ika niya'y baka nauna na si Jake sa school.

Bago pa man siya nakaupo ay naulinigan niya ang tunog ng isang motor. At hindi siya maaaring magkamali, motor ni Jorix ang paparating.

"Good Morning kuya!" pambungad na bati ni Jorix pagkarating na pagkarating sa kusina.

"At talagang ipinamumukha mong mas matanda ako sayo noh!?" natatawang sagot niya.

Nagtawanan lang sila.

"Kumain ka na rito. Mali-late na tayo sa school." yaya niya kay Jorix.

"Yownn!!! In-expect ko talaga na may inihandang almusal si Jake eh. Kaya hindi ako nag-almusal sa bahay! Haha!" natatawa pa ring sabi ni Jorix na noo'y umupo na rin at humarap sa hapag. "Teka.. asan nga pala si Jake?" tanong nito habang kumukuha ng sinangag.

"Aywan.. paggising ko kase... wala na siya sa higaan eh. Wala na rin yung black shoes niya at bag. Baka nauna na sa school." sagot niya.

Natigilan si Jorix.

"Sigurado ka bang nasa school na siya ngayon? Hindi ba siya naglayas?" nag-aalalang tanong ni Jorix.

Kumunot ang noo niya sa naging tugon ni Jorix.

"Aww. Hindi ko pa pala nasasabi sayo kuya!" animo'y sumasakit ang ulo ni Jorix sa pagsasalita na waring may biglang naalala.

"Hindi pa nasasabi ang alin?" nagtataka pa rin niyang tanong.

Tumigil sa pagkuha ng pagkain si Jorix at saka sumeryoso ang mukhang nagsalita.

"Nalaman na ni Jake ang tungkol sa pang-iimbestiga natin sa kanya. Alam na ni Jake na pinagpu-pustahan natin siya!" ani Jorix.

PICTURES OF THE PASTWhere stories live. Discover now