CHAPTER XXIII

211 17 13
                                    

Bago tinapos ni Mr. Gonzales ang kanilang pag-uusap ay ipinaala-ala nito na hindi dapat na ipagsabi ang tungkol sa nalaman na sikreto at sistemang iyon ng eskwelahan. Anito kay Jake: "Inaasahan naming mananatiling sikreto ang tungkol sa sistemang ito. Sa ganitong paraan, magpapatuloy ang paghahanap at pagre-recruit ninyo ng iba pang estudyanteng karapat-dapat na maging bahagi o miembro ng Pursigidos."

------------------------------------------------

Pinulong ni Jake ang mga members ng RESPETADAS at PagbaBAGO nang hapong iyon upang sabihin sa mga ito ang magandang balita. Pangunahin na ang tungkol sa pagsagot ng school sa lahat ng gastusin sa kanilang pagsali sa Dance Contest AT ang nabanggit ng Principal tungkol sa meeting na kung saan ay pag-uusapan at bubuuin ang mga batas at alintuntuning makapagbibigay ng proteksiyon at bentaha para sa mga bading at mga baguhang estudyante.

Hindi  na nakasama sa pulong si Jorix dahil may ipinagawa sa kanila si Mr. Luis bago mag-uwian.

Gaya ng inaasahan ay tuwang-tuwa ang mga members nya nang marinig ang balita.

Napatili pa ang mga members ng Respetadas at napa-high-five naman sa isa't-isa ang mga nasa PagbaBAGO.

"Jake. Kailangan nating mag-celebrate!" saad ni Carlos habang naghihiyawan pa ang mga RESPETADAS at PagbaBAGO. "Bakit hindi tayo mag-picnic sa tabing ilog sa Sabado? Tapos, diretso swimming na rin!" anitong tila excited na.

"Oo nga, Jake! Kaunting kainan lang... tsaka kaunting tagay! Hahaha!" anang bagong member ng PagbaBAGO.

"Ops.. ops.. ops.. Magdadala kayo ng alak?" tanong niya. "Baka malasing kayo't mapaano habang naliligo! Delikado!" dugtong pa niya.

"Founder, apat na taong gulang pa lang lumalangoy na kami sa ilog na yun. Saka, isa o dalawang bote lang naman. Wala rin tayong pambili ng madami, Founder! Hahaha! Baka hindi pa nga tayo tamaan dun." sagot ng isang beki.

"O siya.. siya... sige picnic sa Sabado. Pero magpaalam kayo ng maayos sa mga magulang ninyo ahh! Sagot ko na ang isang putahe ng ulam." pagpayag niya.

"Yownnn!!!" hiwayan ng lahat. "Picnic! Picnic! Picnic!" sabay sabay nilang sigaw.

------------------------------------------------

Sina Jorix, Red at Liezle ang nagkasabay-sabay sa paglalakad pauwi.

Hindi nila maiwasang pag-usapan ang tungkol kay Jake.

"Nga pala, Red! Congrats! Mission accomplished ka na kay Jake! Samantalang yung binabantayan kong transferee sa Section 3 ay parang matatagalan pa para 'mapagtagumpayan'! Ang tigas ng ulo. Ipinipilit na matapos ang project nila!" si Liezle na ang tinutukoy ay isang baguhang estudyante na naka-toka sa kanya. "Ngayong Purisigidos na rin si Jake, matatapos na ba ang pagiging masungit mo sa kanya?" dugtong na tanong ni Liezle kay Red.

Imbes na sumagot si Red ay si Jorix ang nagsalita: "Naging masungit nga ba si Red kay Jake? Parang hindi naman eh!Parang nahahalata kong 'napapalapit' na ang loob nitong si Red kay Jake. Nagkakagusto na nga yata siya dito!" nakatawang pang-aasar ni Jorix kay Red.

"Huh! Ako ba talaga!? Baka ikaw ang nagkakagusto kay Jake, bro! Haha! Nakikita ko ang kumikinang na mga mata mo kapag kausap mo si Jake! Tila nag-eenjoy kang kausapin siya. At kapag inaasikaso ka niya, parang gustong-gusto mo yung pag-aasikaso niya sayo. Tapos, parang ang saya-saya mo kapag pinag-uusapan natin siya! Hahaha!" nakatawang sagot ni Jorix.

"Loko-loko! Eh sino ba namang hindi magugustuhan yong pakiramdam na inaasikaso at inaalagaan ka? Pero for sure bro, hinding-hindi ako mahuhulog dun! No way! Baka si Jake ang nahuhulog na sa akin, kasi gaya ng sinabi mo, panay ang pag-aasikaso niya saken. Alam nating lahat na ganun ang ginagawa ng mga bading sa mga nagugustuhan nila!" sagot ni Jorix na nagpapa-pogi-look na naman.

PICTURES OF THE PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon