Nagmahal/Naghintay

1.2K 5 0
                                    


Noong senior high school ako, meron akong nakilalang babae. Maganda siya, maputi, mahaba ang buhok pero hindi katangkaran. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakasabayan ko siya sa bus. Siksikan ang bus noon at ang karamihan ay nakatayo na. At dahil nakaupo ako at siya naman ay nakatayo, binigay ko nalang sa kanya ang upuan ko. Nagpakagentleman ako, kahit hindi naman ako natural na ganon. Ngumiti siya sakin at saka nagpasalamat. Nginitian ko din sya kahit medyo nahihiya ako. Pasulyap sulyap ako sa kanya hanggang sa mahuli niya akong nakatitig sa kanya. Ngumiti lang siya sakin bilang ganti kaya naman nakakuha ako ng lakas ng loob para magpakilala sa kanya. Pinakilala ko ang aking sarili, ganon din siya. Mula noong araw nayun, ay nagkaroon na ako ng hindi maipaliwanag na pagkagusto sa kanya. Noong sumunod na araw ay nakita ko siya sa school. Kinuha ko ang number niya at naging magtextmate kami. Hindi nagtagal ay may nabuong pagkakaibigan sa pagitan naming dalawa. Second year high school siya noon. Pagkalipas ng ilang buwan, kinailangan ko siyang iwan dahil nagtapos na ako ng high school at kailangan ko nang pumasok ng college. Bago ako umalis noon ay nakipagkita muna ako sa kanya, inamin ko sa kanya ang nararamdaman kong mahigit kumulang dalawang taon kong tinago sa kanya. Sinabi ko sa kanya na liligawan ko siya. Pero nagulat ako sa ginawa niya. Hinalikan niya ako sa labi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko noon. Pagkatapos niya akong halikan ay sinabi niya na pagkagraduate niya ay akin na siya.

P.S

Happy 2 years and 4 months baby

Alexander,01-22- 11

UNIVERSITY SECRET FILESWhere stories live. Discover now