Anonymous, 12-15-14

703 7 0
                                    

Isa akong nursing student sa isang kilalang unibersidad sa Maynila. Matalino, mabait at maganda ayon sa mga nakakakilala sakin. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, isa akong kaladkaring babae. Nagsimula lang naman ang lahat nang mawalan ako ng scholarship dahil sa 3.0 kong grade sa Human Anatomy. Hindi ko sinabi sa magulang ko ang nangyare kaya naman mula noon ay Kinailangan kong maghanap ng salapi para matustusan ang aking pagaaral. Ayokong biguin ang aking mga magulang sa probinsya na umaasa sa akin. Isang maliit na flyer ang nagudyok sakin na pasukin ang ganoong klaseng trabaho. Gabi gabi akong umiiyak noon dahil sa kalupitan ng mundo sa akin. Hindi ko ginusto ang bagay na ito ngunit wala akong magagawa. Labag man sa kalooban ko ay ginagawa ko ito. Kailangan ko ng malaking pera dahil mahal ang tuition sa unibersidad na pinapasukan ko. Malaki naman ang kita sa pinapasukan ko at sapat para tustusan ang pagaaral ko. Mula noong pinasok ko ang trabahong ito ay iniwasan ko nang ma involve sa kung sino mang tao. Maski pagkakaibigan ay ipinagkait ko sa aking sarili. Mabuti na rin 'yun, nang walang makaalam sa trabaho ko.

Isang gabi habang naglalakad ako papuntang trabaho, sinigurado ko munang walang nakakita sa akin bago ako pumasok sa loob.

Mabilis ang dagsa ng mga costomer sa akin. Bukod kasi sa hindi maitatagong ganda ay perpekto din ang aking hubog. Makalipas ang ilang costomer ay nagayos muna ako. Pinahid ko ang mga luhang walang tigil na binabaybay ang pisngi ko. Habang nagaayos ako sa locker room ay pinatawag ako ni Madam, ang may ari ng bar na ito. Pinapunta niya ako sa isang kwarto dahil may isang costomer daw doon na nagrequest pa para sa akin at magbabayad daw ng malaki. Maaaring isa na naman ito sa mga matatandang pulutiko na kailangan kong patusin. Nang makarating ako sa kwarto ay tumambad sa akin ang anyo ng isang pamilyar na lalaki. Isa ito sa mga classmate ko sa university. Hindi bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat na tila matagal na niyang alam ang kalagayan ko. Pero ako, nilamon na ng lupa sa sobrang kahihiyan. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa, binalot niya ng kumot ang halos walang saplot kong katawan at saka ako niyakap ng mahigpit at paulit ulit na ibinubulong sa tenga ko na magiging maayos din ang lahat.

Mula nang gabing yun, itinigil ko na ang pagbebenta ng laman. Nakapagtapos ako ng pagaaral sa tulong ni Michael at walang nakaalam ng madilim kong nakaraan.

P.S

Tinanggap niya ako ng buong buo at minahal ng sobra. Ngayon ay pareho na kaming nagtatrabaho sa isang malaking ospital sa Maynila bilang nurse.

Anonymous, 12-15-14

-----

A/N: XD

UNIVERSITY SECRET FILESTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang