I'm A GAY

253 1 0
                                    

I'm a gay. Oo bakla ako. Baklang-bakla. Kaya nabwe-bwesit ako sa mga babaeng kung makatili tuwing naglalaro ako ng volleyball na akala mo ay papatulan ko sila.

Mga teh bakla ako. Pogi ako pero pogi din hanap ko.

Hindi ko alam kung talagang may sapak ba sa utak ang mga babaeng bigay ng bigay ng chocolates sakin na para bang gusto nilang magka-diabetes ako. Mga malanjutay.

Pero mayroong isang babae na nakakuha ng atensiyon ko. Pakiramdam ko nati-tibo ako kapag nakikita ko siya.

Angel ang pangalan niya. Kasing anghel ng mukha niya. Ang simple ng ganda niya , ang ganda ng ngiti niya pati ng mata niya ,matangos na ilong at maninipis na labi at ang kinis pa ng balat.

'Yong kahit araw-araw ko siyang nakikita pakiramdam ko araw-araw gumaganda siya. Crush ko siguro si ateng.

Habang tumatagal napapalapit ako sakanya dahil sa palagi niyang binibigay na chocolate sakin. Madalas din siya sa court dahil player din siya. Hindi ko alam pero kilig na kilig ang lola niyo kapag nakikita ko siya. Parang PBB teens.

Hindi nagtagal. Naging girlfriend ko siya. Oo GIRLFRIEND. Niligawan ko siya kahit minsan mas matigas pa siyang gumalaw sakin. Wala akong pakialam kahit anong sabihin ng iba. Sakanya ko lang naranasan na ang sarap pala ng pakiramdam na may nagmamahal sayo. Yung may magpupunas ng pawis mo pagkatapos mo maglaro. Ipagluluto ka ng pagkain. Aalagaan ka kapag may sakit. Siya ang nagparamdam sakin na ang sarap palang mahalin. Na ang sarap ng may nag-aalaga.

Pero Angel, bakit? Bakit kung kailan lalaki na ako, bakit kung kailan mahal na mahal na kita na pakiramdam ko hindi ko na kayang mawala ka saka mo ako iniwan.. Dalawang taon . Dalawang taon ang panlolokong ginawa mo sakin.

Tapos ngayon buntis kana.

Nakakaiyak. Oo bakla ako noon. Bakla ako hanggang ngayon dahil iiyakan kita. Dahil nagpabuntis ka.

Ang saya ko pa noong una akala ko satin yan.

Ginamit mo lang pala ako.

Ginamit mo lang ako para galawin ka ni Henry. Nagpagalaw ka sakin sa kadahilanang ayaw ni Henry ng Virgin.

Ang galing mo isa kang alamat. Sana panagutan ka ni Henry.

Mahal na mahal pa rin kita kahit bakla na ulit ako.

P.S. Virgin siya at ako ang nauna.

V
10/14/17
----

A/N: Saya saya, dalawa nagsend sakin ng story ngayong araw. Nyahahaha

UNIVERSITY SECRET FILESWhere stories live. Discover now