SANA

270 2 0
                                    


Mahal, asan na ang pangako mong dadalhin mo ako sa harap ng altar, at sabay tayong manunumpa sa Diyos ng pagibig nating panghabang buhay?

Asan na ang pangako mong sabay tayong bubuo ng isang palasyo, na ikaw ang hari at ako naman ang  reyna mo?

Asan na ang pangako mong sabay nating haharapin ang bukas, kahit maraming balakid sa daan na gusto nating lakaran?

Asan na ang pangako mo na lilibutin natin ang buong mundo nang magkasama at magkahawak ang mga kamay?

Ang mga pangako mo ay bigla na lang naglaho nang parang bula Mahal.

Sana masaya ka ngayon sa piling niya.

Sana inaalagaan ka niya gaya ng pagaalaga ko sayo noong tayo pa.

Sana kinakantahan ka din niya para makatulog ka.

Sana hindi niya hinahayaang magutom ka.

Sana hindi niya hinahayaan na matuyuan ka nang pawis sa likod tuwing naglalaro ka ng basketball.

Sana ako na lang yung namatay at hindi ikaw.

Kamusta ka na ba dyan sa Langit mahal ko? Sana masaya ka pa rin kahit wala ako sa tabi mo. Sana inaalagaan ka ng Diyos gaya ng pag aalaga ko sayo. Miss na miss na kita. Sana mahintay mo ako at sabay nating tuparin lahat ng pangarap at pangakong binitawan natin sa isa't isa.

Kaye,
12-15-17

UNIVERSITY SECRET FILESWhere stories live. Discover now