BiBi

278 1 2
                                    


Naalala mo pa ba noong sinabi mo sa akin na liligawan mo ako? Sobrang saya ko noon. Ako na siguro ang pinaka masayang babae sa buong mundo. Pano ba naman kasi, mahal na kita simula pa lang noong high school tayo, tapos bigla mong sasabihin sa akin na liligawan mo ako. Ang saya diba.

Pumunta ka pa sa bahay noon para ipaalam sa parents ko na liligawan mo ako. Sobrang sweet mo. Hatid sundo mo ako tapos lagi mo pa akong dinadalhan ng pagkain sa bahay, tapos lagi mo pa akong kinakantahan sa telepono pag magkausap tayo.

Pati kuya ko, naging close mo.

Isang buwan pa lang ng panliligaw mo noon ay sinagot na kita. Masyado kasi akong excited na maging tayo kaya sinagot kita agad.

Nang maging tayo ay mas lalong napadalas ang pagpunta mo sa bahay pero ayos lang naman kay mama at papa ko yun. Botong boto kasi sila sayo. Pano ba naman kasi ang gwapo mo tapos sobrang bait mo pa. Higit sa lahat, sobrang laki ng respeto mo sa akin. Ni ayaw mo ngang hawakan ang kamay ko.

Dumaan ang mga months at mas lalong naging komportable ka sa family ko. Tuwing monthsary natin ay nagsicelebrate tayo sa bahay. Minsan pa kahit wala ako dun ay pumupunta ka para tulungan si mama na magluto o kaya ay makipag laro ng basketball kay kuya.

Dumaan pa ang mga buwan at mas lalo kayong naging close ng papa at kuya ko. Parang ikaw na nga yung anak nila kaysa sakin e. Minsan pa sa bahay ka na natutulog at katabi mo si papa o kaya ay si kuya.

Masaya ako dahil ka close mo na ang family ko. Sinabi mo pa dati na pag kinasal na tayo, hindi ka na mahihirapang mag adjust sa family ko dahil ngayon pa lang ay close na kayo.

Pero anong nangyare? Kailan mo pa ako nagsimulang lokohin? Mula nung unang buwan natin? Mula nung 1st anniversary natin? Kailan pa?

Bakit nagsinungaling ka sakin? Bakit niloko mo 'ko? Bakit ipinagpalit mo ako sa iba? Pinaasa sa mga pangako mo, at dinurog mo na parang pamintang buo. Oo parang paminta!

Sa dinami dami ng babae sa mundo bakit kuya ko pa? Kuya ko pala talaga ang gusto mo! Ginamit mo lang ako para mapalapit sa kanya! Tapos makikita ko kayo sa kama na may karumal dumal na ginagawa? Ang tanga ko rin kasi, bakit hindi ko man lang napansin na napapadalas ang pagtulog mo sa kwarto ng kuya ko. Tapos ayaw mo pa akong katabi sa kama.

Kala ko pa naman malaki ang respeto mo sakin, yun pala allergic ka lang talaga sa mani!

P.S
Kuya, hindi ko alam na Bisexual ka pala.

Anonymous
09-14-17

UNIVERSITY SECRET FILESWhere stories live. Discover now