I'm too late

276 1 0
                                    

Siya ang pinakauna kong naging bestfriend na lalaki doon sa school. Itago na lang natin siya sa pangalang Harrison.

Aminado akong gwapo si Harrison. Mabait din siya at saka habulin ng babae. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nadevelop siya sakin. Hindi ko alam kung ano ba ang nakita niya sa akin kung bakit baliw na baliw siya sa akin.

Tapos ayun, nagsimula na siyang asarin ng mga kaibigan niya at mga kaibigan ko. Lagi nila kaming inaasar, Perfect couple daw kami. Pero kahit gaano siya ka gwapo. Never akong nagkagusto sa kanya. He's not my type. At isa pa, brokenhearted pa din ako sa ex kong gago. Hindi ko nakita lahat ng efforts nya. 'Yung mga binibigay niyang chocolates, pati mga panlilibre nya sakin, hindi ko 'yun nakita. I was too broken to notice his efforts.

Then next school year, nalaman kong nagkagusto ang bestfriend kong si Dana kay Harrison.

Si Dana 'yung tipo ng babae na sobrang ganda. Makinis ang balat, mahaba at tuwid ang buhok, at maganda ang mata. Basta maganda siya. Hindi ko nga lang alam kung bakit hindi siya habulin ng mga lalaki.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, mas madami pang nanliligaw at nagkakagusto sa akin kaysa sa kanya.

Kung tutuusin nga, nagmumuka akong alalay kapag katabi ko siya. Kaya minsan, ayaw kong ipakita 'yung muka ko kapag kasama ko siya. Lagi akong naikukumpara sa kanya.

Sa school year na yun, hindi pa din ako tinitigilan ni Harrison. Malinaw naman sa kanya na hindi ko talaga siya gusto. Kaya ang ginawa ko, pinagtulakan ko siya kay Dana. I even told him that my bestfriend likes him. Pero sabi niya, ako daw talaga ang gusto niya. Pero ayaw ko talaga. Kaya ginawa ko ang lahat para layuan nya ako. Ginawa ko lahat at pinagtulakan ko siya kay Dana. Niset-up ko pa sila sa isang date.

Hindi nagtagal nafall din si Harrison kay Dana. Bukod naman kasi sa ganda, mabait din at approachable din and bestfriend ko.

Then, dumating sa point na, nandun ako every monthsary nila. Oo lagi nila akong niyayaya. Ako naman si tanga. Sumasama din. Baka kasi sabihan akong bitter or what. Mag iisang taon na sila ngayon at nakikita ko na ngayon kung paano mageffort si Harrison. 'Yung effort niya na hindi ko nakikita dati, ngayon nakikita ko na. 'Yung pagmamahal niya na hindi ko makita, nakikita ko na ngayon. 'Yung pagkatao niya na hindi ko man lang nakilala nang lubusan noon, ngayon nakikita ko na.

Habang lumilipas ang panahon, narerealize ko na ang gaga ko pala. Ang tanga ko pala. Pinakawalan ko siya. I took him for granted and now, I'm on my greatest regrets.

I'm too late. Too late to realize everything. Too late to realize that I love him, now that he's already someone else's King.

Ganon pa man, sino ba naman ako para manira ng relasyon diba? Susubukan ko na lang maging masaya para sa kanila. Kahit mahirap. Kakayanin.

-Gaga
2017

---
A/N: Ate, thanks for sharing your story. Gusto kitang i mention kaso wag na. Hahaha. Baka pagalitan mo ako. 😊

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNIVERSITY SECRET FILESWhere stories live. Discover now