Isa....Sampu

234 1 0
                                    


Isa.
Isang araw ganda mo'y aking nasilayan.

Dalawa.
Dalawang gabi na ikaw lang ang laman ng isipan.

Tatlo.
Tatlong sign ang hiningi ko bago kita ligawan.

Apat.
Apat na buwan ay sinagot mo na ako.

Lima.
Limang beses nagkatampuhan

Anim.
Anim na araw kitang sinuyo

Pito.
Pitong rosas ang binili ko nong anniversary natin. Tatlo para sayo. Apat para sa nanay mo.

Walo. Siyam. Sampu
Napakagago ko.

Masaya naman tayo e. Hindi tayo nagsasawa sa isa't isa kahit pa magkaklase tayo. Wala tayong pakialam sa ibang tao dahil may sarili tayong mundo. Mahal kita. Mahal na mahal. Kaso dumating ang araw na kinakatakot ko. Yung malayo ako sa piling mo.

OJT noon. Magkaiba tayo ng Agency na pinagapplayan para sa ojt natin. Sobrang layo natin sa isa't isa. Noong una, ayos pa naman. Tuwing break time ko or pagkatapos ng ojt, tinatawagan kita para mawala yung pagod ko. Lagi kitang namimiss noon. Makausap lang kita sa telepono ay nawawala lahat ng pagod ko. Marinig ko lang boses mo, solve na ako.

Pero dumating yung point na napagod ako sa set up natin. Napadalas ang pagaaway natin dahil wala na akong oras noon sayo. Ni magtext diko na magawa. Sa mga oras na nagaaway tayo, napalapit ako sa kapwa ko ojt. Napalapit ako kay Angela. Lagi kaming magkasama sa iisang office at hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kanya lalo na't malayo ka. Nasabi ko din sa sarili ko na, okay lang naman siguro. Pagkatapos nang ojt, tatapusin ko din naman 'to.

Ayon, dumating yung time na lagi ko na siyang nakakausap. Noong mga panahon na yon, nakalimutan kong may girlfriend pala ako. Nakalimutan ko yung apat na taon natin. Naging malapit kami sa isa't isa. Nagchachat kami tuwing gabi, minsan tinatawagan ko siya.

Hanggang sa dumating yung gabing kinakatakutan ko. Nagkaroon ng inuman noon. Birthday ng isa sa mga kasama kong ojt. Invited kaming lahat. Pati si Angela, sumama. Hindi ko alam kung anong nangyare. Ang alam ko na lang, paggising ko, hubo't hubad na ako sa loob ng isang kwarto. Na kasama siya. Tinignan ko siya. Walang bahid ng pagsisi sa kanyang mga mata. For Pete's sake, she was a virgin.

Ilang ulit akong humingi ng tawad sa kanya. She said it was okay. Kaya tuloy yung gabing 'yon, naulit pa ng ilang beses. Minsan yayayain niya ako sa kanila pag wala ang parents niya. O di kaya ay magbabayad kami ng hotel. Alam nyang may girlfriend ako. Pero hindi ko alam kung anong nasa utak niya para patulan ang kagaguhan ko. Maganda naman siya, mabait. Kaya hindi ko alam kung bakit pumayag siyang maging kami kahit pa alam nyang meron nang tayo.

Hindi mo pa alam noon na niloloko na pala kita. Kampante ako na hindi mo malalaman kasi malayo nga tayo sa isa't isa. Sabi ko sa sarili ko, after ng ojt, ititigil ko na din ang kagaguhan ko.

Tapos dumating yung araw na nagkasama tayo. Nakita mo at nabasa mo mismo yung mga usapan namin. Sinampal mo ako nang pagkalakas lakas. Pinagsusuntok mo ako. Pero tumayo lang ako at ni hindi ko ginawang salagin ang mga hampas mo dahil alam kong kasalanan ko. You broke up with me. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang bigkasin mo ang mga salitang 'yon. "Ayoko na. Tapos na tayo." Tinalikuran mo ako at naglakad ka palayo. Sa mga oras na 'yun, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Natapos ang ojt. Bumalik tayo sa school para sa mga graduation requirements. Ilang linggo na tayong hiwalay. Doon ko narealize na sobrang gago ko pala. Bumalik sa akin lahat. Akala ko ayos na. Yun pala, ikaw pa din talaga.

I tried to talk to you. Nagmakaawa ako sayo na balikan mo ako. Pero wala e. Ayaw mo na talaga. Pero hindi ako sumuko. Noong send off party natin, nilakasan ko yung loob ko at umakyat ako ng entablado.

"Please. Bumalik ka na sakin."
Yan ang korny na title ng spoken word poetry na binigkas ko para sayo.

"Unang una, gusto kong humingi ng tawad sa iyo. Hindi ko dapat ibinaling sa iba ang atensyon ko habang malayo tayo sa isa't isa. I'm so sorry. Mahal, bumalik ka na sakin."

Isa.
Isang araw ganda mo'y aking nasilayan.

Dalawa.
Dalawang gabi na ikaw lang ang laman ng isipan.

Tatlo.
Tatlong sign ang hiningi ko bago kita ligawan.

Apat.
Apat na buwan ay sinagot mo na ako.

Lima.
Limang beses nagkatampuhan

Anim.
Anim na araw kitang sinuyo

Pito.
Pitong rosas ang binili ko nong anniversary natin. Tatlo para sayo. Apat para sa nanay mo.

Walo. Siyam. Sampu
Napakagago ko...

Natapos ang spoken word poetry ko. Nilapitan kita noon. Nasa atin ang spotlight. Lahat ng atensyon nasa atin. But still, you said NO. Sa pangalawang pagkakataon, para akong sinampal ng mga pagkakamali ko. Gusto kong umiyak. Pero imbes na maiyak ay napangiti pa ako. Narealize ko sa mga oras na 'yun na, "Grabe 'tong babaeng 'to." Lalo kitang minahal dahil sa ginawa mo. You're indeed one of the bravest girl I've ever met.

Walo.
Walong buwan kong pinatunayan ulit na ikaw lang ang mahal ko.

Siyam.
Sa ika siyam ng June ikakasal na tayo.

Sampu
Sampong siglo man ang dumating sa buhay ko, sampong siglo din na ikaw at ikaw pa din ang mamahalin ko.

Joven
BSBA
2017

---
A/N: HAPPY NEW YEAR. LORD, SANA WALANG NAPUTUKAN KAGABI. HAHAHAHA

UNIVERSITY SECRET FILESWhere stories live. Discover now