Chapter 1: The scholar

6.8K 164 6
                                    

"Ava! Ava! halika ka na baka ma late tayo!" sabi ni Ariella, best friend ko at ang tanging nakakahanap ng mga nawawalang bagay dito sa school, ako naman, ang special ability ko ay, pagpapacute sa mga boys, joke lang.

Ang special ability ko ay ang pagiging madali makahanap sa magnanankaw o killer, simple lang naman kasi, tignan mo lang ang mga mukha nila at kung paano sila kumilos, kahit nga mga taong nagpapa innocente kahit hindi alam ko.

Kung nagtataka kayo kung bakit ako magaling eh kasi nagmana ako sa tatay at nanay ko, silang dalawa ay mga secret agents pero ng dahil sa isang mission nila,nawala silang dalawa, ako naman, kinupkop ng tita Andrea ko, kapatid siya ni dad at ang bait niya sa akin. Simula pagkabata, top one ako sa klase, iyon ay dahil gusto ko maging kagaya ng mga magulang ko.

Nang tumungtung na ako sa high school, nakapag aral ako sa isang prestigious school na kung saan nag-aaral ang gusto maging secret agent, napag desisyunan kong doon nalang mag-aral. Dahil hindi kaya ng tita ko ang halaga ng pagpaparal sa akin doon, naging scholar ako pero okay lang naman kasi hindi naman mahirap ang pinapagawa nila sa mga scholar.

Ang uniform ng mga scholar ay iba sa mga nagbabayad, mas especial ang uniform nila kaysa sa amin. Minsan, yung mga nagbabayad, binubully kami mga scholar dahil daw mahirap kami at buti pa hindi nalang kami mag-aral. Hindi nila alam na kaya naging scholar kami dahil may special ability kami, lalo na kaming dalawa ni Ariella, scholar din siya at secret agent din ang mga magulang niya noon pero nag retire na ngayon.

Sa klase namin, puro scholars lang ang meron, iba kasi ang method sa pagturo sa mga nagbabayad pero pareho lang naman ang tinuturo nila sa amin, ang difference lang ay mas advance kami kaysa sa kanila.

Second year high school na nga pala ako at currently in top 1 kasi binubuti ko ang pag-aaral ko, top 2 naman si Ariella. Konte lang sa amin ang nagkakaroon ng kaibigan na hindi scholar dahil ang dami sa kanila na ayaw sa amin, isa na doon si Kristoff Jones, crush ko since first year, palagi niya minamaliit ang mga scholar pero ewan ko kung bakit crush ko siya.

Nagtataka din ako kasi yung dalwang kaibigan niya, si Jessica Waz, ang tanging babaeng parati niyang kasama at si Ben Hollow, ang pinaka best friend niya na mabait sa amin. Always silang kasama tatlo sa cafeteria, at sila din ang Top 3 sa klase nila, siya ay top 1, si ben ang top 2 at si Jessica naman ay top 3, ang galing nila noh.

"Oy Ava, bakit ba tulala ka, iniisip mo naman siya no?" tanong ni Ariella tapos ngumisi pa na parang baliw.

"Hindi ah, di ko na siya crush" sabi ko naman.

"Asus, hoy! alam mong alam ko kung nagsisinungaling ang isang tao, tinuro mo kaya sa akin iyon tapos sasabihin mo pang hindi!" Sigaw ni Ariella sa akin, marunong din po akong manghula kung nagsisinungaling ang tao o hindi, ako pa nga ang nagturo sa kanya noon.

"okay fine, crush ko pa rin siya, and so?" sabi ko sa kanya.

Tumawa lang siya

"Alam mo, nakakatawa ka, pati na yang expression mo nakakatawa" sabi niya.

"Tara na nga, baka gusto mo iiwanan kita" sabi ko at tumakbo na papunta sa classroom.

Pagdating namin doon, umupo na silang lahat at si Sir Ronald, ang adviser namin ay nag introduce ng 2 lalaki at isang babae, teka... sina Kristoff, Ben at Jessica yan ha! bakit sila nangndito?!

Pupunta na sana kami sa seat namin kaso nakita kami ni sir.

"Ehem! Ms. Ava Maria Kristina C. Block at Ms. Ariella ganda Ellyzza B. Gil, saan kayo pupunta!"

Tumingin ako kay sir at sinabi ko lang "ah sir, sorry po ah na late kami, dinamay kasi ako nitong si Ariella"

Sinabi naman ni Ariella, "Anong ako, ako yung dinamay mo, sir siya po ang nagdamay, nag i-imagine pa kasi siya sa crush niya, diba Ava?"

Sabi naman ni Sir, "Tumahimik nga kayong dalawa! Wala akong pakialam kung ano ang dahilan kung bakit na late kayo, ang gusto kong ipaliwanag niyo ay kung bakit kayo pumasok lang ng diretso dito sa loob"

"eh sir, baka po pagalitan niyo po kami dahil late kami" sabi ni Ariella.

"Opo sir, sino ba naman po ang may lakas na loob na pumasok sa klase niyo eh lahat takot saiyo, diba mga classmates?!"

Sumigaw naman sila ng oo kaya sa huli pinaupo nalang kami ni sir kasi may point din naman kami. Pagkatapos, nagpatuloy na siya sa pag introduce kina Kristoff, Ben, at Jessica.

"Class, again, nangdito sila dahil for one month, magiging classmate niyo silang tatlo, I'm sure kilala niyo na sila"

Sinabi naman namin lahat oo kasi kilalang-kilala naman talaga sila dito, nakalimutan ko palang masabi, sila ang pinakamahusay na estudyante sa non-scholars at kami naman sa mga scholars.

Pinaupo na sila ni sir. Ang tanging tatlong bakanteng upuan ay nasa tabi ko kaya doon sila umupo, ayaw tumabi ni Kristoff sa akin kaya si Jessica ang tumabi, si Kristoff naman ay nasa gitna nilang dalawa kasi ang arte... sa tingin ko.

Lumingon ako kay Jessica at nagsmile siya sa akin, ako naman nagsmile din, ang bait talaga niya, bakit nga ba kaibigan niya tong si Kristoff.

Mga ilang minuto na pagturo ni sir, biglang nag ring yung bell, sa wakas recess na! Ang tanging favorite sublect ko, joke!!! ang favorite subject ko ay math at hindi naman subject yung recess. Lumabas na kami ni Ariella pero biglang may nagatawag sa pangalang.

"Ava! Ava! Ava! sandali, sabay na tayong magsnack" sabi ni Jessica,

"Wa'g na Jessica, nangdito naman kami" biglang sabi ni Kristoff.

Ako naman dahil nahihiya, sabi ko nalang, "Tama siya Jessica, nangdiyan naman sila, wa'g na"

"Hay nako Ava, wa'g mo nang pansinin si Kris dahil may crush yan sayo" sabi ni Jessica.

Medyo nagblush si Kristoff at sinabing, "anong ako, si Ben kaya ang may crush sa kanya, alam mo naman ang mga type ko" tapos lumabas na siya sa room.

"Wa'g mo nangpansinin si Kris, ganoon lang talaga siya, sabay na tayo, please" sabi niya tapos nagpa cute, di ko alam, ang isang dakilang babae makakagawa ng ganyan, iba sa character na pinapakita niya sa iba tuwing silang tatlo ang magkasama.

"O sige na nga" sabi ko at kaming tatlo este apat, nakalimutan ko si Ben ay lumabas na sa room at pumunta na sa cafeteria. Si Ben ay tahimik ng lang pala, walang arte pero nakakataka dahil lagi siyang lumilingon kay Ariella.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagustuhan niyo ba? sana ay oo dahil hindi na ito one shot pero short story parin, magiging bagal nga pala ang pag u-update dahil ang bagal ko din mag-isip tapos busy din ako sa school, i hope nagustuhan niyo ito dahil ginamit ko pa ang google translate para magawa ako ng kwentong ito, mas magaling pa kasi ako sa english kaysa sa tagalog, pasensya na:):):):0:0:0<3<3<3

Kung nagustuhan niyo itong storya, paki vote naman po, malaking pasalamat talaga ang ibibigay ko sa inyo kung nagvote kayo

Okay lang din po kung may nagcomment pero sana, tungkol sa storya ang comment hindi sa akin dahil again, hindi niyo ako kilala.

Secret Agent Academy (under major editing)Where stories live. Discover now