Chapter 13: Our very first mission part 2

1.8K 51 0
                                    

Ava's POV

Kaming lima na gulat sa nakita namin, sirang-sira na ang classroom namin at walang tao ni isa. Ang chairs ay wasak na wasak, ang mga papel ay nakakalat sa sahig pero ang nakakatakot ay yung nakasulat sa white board namin.

Na unang pumunta sa loob si Ben na parang malalim ang iniisip, sumunod naman sa kanya si Kristoff na kunot ang noo. Sumunod na din kaming tatlong mga babae at lahat kami nag iisip kung bakit nangyari toh.

"Beware SAA students, hindi niyo alam ang gagawin niyo at wa'g na wa'g kayong magpakita sa amin" sabi ni Ben habang binabasa ang nakasulat sa white board.

"Sa tingin ko ang nagsulat nito ay walang iba kundi-" sabi ni Kristoff pero hindi niya nasabi ang susunod na sasabihin dahil nagsalita na si Jessica.

"Agent Intelligence Academy, sila lang naman ang may kayang gumawa ng mga ganito, pero ang nakapagtataka ay kung paano sila nakapasok dito, doble naman ang security dito sa atin, pero bakit sila nakapasok?" sabi ni Jessica

"Hindi dapat natin Iunderestimate ang mga AIA students, base sa nabasa kong record noon sa agent academies dito sa pilipinas, lamang sila ng 5 percent sa atin at dahil don, masmagagaling sila sa atin" sabi ko, oo totoo ang sinasabi ko, lamang talaga sila at naging second lang ang school na ito kasi masgrabi ang kanilang facilities, gadgets and most importantly training.

"Kung ganon, kung tayo ang top 5, ibig mong sabihin wala lang tayo sa kanila?" tanong sa akin ni Ben na seryosong-seryoso.

"Hindi naman pero iba din kasi ang system base nila, kung dito sa atin iniiba ang mayayaman sa mga scholars, doon sa kanila mas grabi, iba pa ang scholars sa mayayaman, iba-iba pa ang mga levels sa kung ano kagaling ang isang agent student, for example tayo, doon sa kanila, level C or D lang tayo, ang pinaka low nila ay F at ang pinaka high ay ang S, before sa S ay ang A" sabi ko.

Kung bakit nga ba ang dami kong alam, iyon ay dahil sa parents ko, bata pa lang ako, noong buhay pa sila, nagtatanong na ako sa mga paaralan na magagaling at noon kasi, number one ang SAA, yun din ang pinili ko kasi top 1 eh, nagulat nga ako sa ranking ngayon eh kasi noon, 3rd rank lang naman ang AIA pero ngayon, number one na.

"Ba-bakit ang dami mong alam?" tanong ni Jessica sa akin.

"Oo nga Ava, may inililihim ka ba sa amin?" tanong ni Ariella. Baliw na ata toh eh, ako? may inililihim? no way, hindi naman ako traydor, love na love ko nga ang SAA eh.

"Hindi ah, sinabi lang yun ng mga magulang ko noong buhay pa sila, kaya nga pinili ko ang SAA eh kasi less OA, diba?" sabi ko sa kanila.

"Oo nga noh, nakalimutan ko agent pala mga magulang mo, magtatanong din ako mamaya pag uwi ko" sabi ni Ariella

"Ava, can you tell us more, pero doon tayo sa private room ,baka meron makakarinig sa atin" sabi ni Ben.

"Sure why not?" sabi ko sa kanya

"Guys, sabihin muna natin to sa principal, hindi pwedeng hindi natin ito sasabihin" sabi ni Kristoff

Nag nod lang kami tapos pumunta na sa labas, well para hindi kami magsisiksikan, nauna kami mga girls lumabas bago ang mga boys.

Pumunta kami sa principal pero habang naglalakd kami patungo doon, feeling ko may timutitig sa akin sa likuran pero pagtingin ko sa likod, wala naman, naks naman! baliw na ata ako.

Unknown's POV

Nakatitig lang ako ngayon sa kanya habang naglalakd siya papalayo kasama ang mga kaibigan niya. Napansin niya ata kaya mabilis akong nagtago bago pa man siya nakatingin sa likuran niya, kung nasaan ako.

Secret Agent Academy (under major editing)Where stories live. Discover now