Chapter 7: Short fight

1.7K 52 0
                                    

Ava POV

Paglingong ko, nakita ko silang tatlo na nakatingin sa aming dalawa, yumuko si Ariella ng nalaman niya, ako naman gulat na gulat.

Pumunta silang tatlo sa amin at kinausap kami

"Can we talk to you guys, after this we will not bother you anymore, babalik na tayo sa dati" sabi ni Ben

"Ano yun?' tanong ko

"Follow us" sabi ni Kristoff tapos sumunod kami

Dinala nila kami sa isa sa mga prviate place ng school kung saan authorize person lang ang makakapunta

"Anong gagawin natin dito?" seryosong tanong ko

"2 vs. 2 fight, you two versus Jessica and Airena" sabi ni Kristoff

Nagulat ako sa sinabi niya, 2 vs. 2 fight, naks naman, okay lang sana kung mapaaway kami sa iba wa'g lang sa kanilang dalawa, baka maexpell kami.

"Hindi kami papayag, ayaw namin silang saktan" sabi ni Ariella seryosong-seryoso

"Really? don't you think this is an oppurtunity to impress me" sabi ni Ben sa kanya

"Assuming mo naman para magsabi ng ganyan, the feeling is gone already so you better shut your mouth" sabi ni Ariella sa kanya

"teka2x anong pina-uusapan ninyong dalawa, Ariella ha naglilihim ka na sa akin, isusumbong kita ni tita" sabi ko sa kanya, to be honeest, hindi ko talaga alam kung ano ang pinag-uusapan nila

'Tumahimik ka nalang Ava, talagang wala ka talagang maiintindihan dahil wala kang alam" sabi ni Kristoff sa akin

"Whatever!" sigaw ko sa kanya

"Well sa ginagawa niyo sa amin, fine papayag na ako" sabi ni Ariella

"Wa'g Ariella, we're going to be in trouble kung masasaktan natin sila" sabi ko, mga mukha nilang tatlo parang walang alam sa sinasabi namin

"Wala akong pakialam, bahala na" sabi ni ariella tapos ngumiti sa kanila

"Asan na ba ang dakilang Airena, kulang ata tayo" sabi ni Ariella

"Well hindi naman si Airena ang makakalaban mo, ako naman" sabi ni Jessica na mataray

"Okay" sabi ni Ariella tapos naging silent na siya, nako naman Jessica talaga, bakit mo naman pinainis si Ariella, hindi mo ba alam na nag-iba na ang aura niya, nako masasaktan ka talaga.

Umatake na si Jessica kay Ariella pero naiwasan niya ito at ginamit niya ang isa sa mga abilities, ang mabilis na pagtakbo at tago.

Bigla nalang nawala si Ariella, pero alam ko kung nasaan siya, I know all her moves at kung saan siya pumupunta kung magtatago, I can also sense kung saan na siya nakapunta

Hey bitch!" sigaw sa akin bigla ni Airena

"Oy redhead, nangdito ka na pala, sige na start na tayo, ang bagal-bagal mo" sabi ko sa kanya, nagsmirk lang siya at bigla nagtapon ng ninja blades, ahh so this is her specialty, hay nako so easy

"Ito pala specialty mo ah, fine, I will show you mine" sabi ko at mabilis akong tumakbo sa kanya, ginawa ko ang ginawa ni Ariella at mabilis akong nakapunta sa likod niya, kinuha ko ng mabilis ang kutsilyo sa paa ko at tinakot siya habang hinahawakan ang buhok niya

"Try mo lang gumalaw, at mapapatay kita" sabi ko sa kanya

"Enough already, nakita na namin kung sino ang masmalakas" sabi ni Ben

"Jessica and Airena, halika ka na" sabi ni Kristoff

Pinakawalan ko na si Airena at dali-dali siyang tumakbo kay Ben at Kristoff, si Jessica naman pumunta sa kanila pero bago pa man, hinarangan na siya ni Ariella.

"Sasusunod, alamin mo muna kung sino ang kinakalaban mo" sabi ni Ariella tapos pinadaan na siya

"Galing mo ah" sabi ko kay Ariella tapos nag-apir, tumingin silang tatlo sa amin pero hindi na namin pinansin.

"Oo nga eh, ikaw rin noh, buti nalang hindi natin nakalimutan ang tinuro ni mama" sabi ni Ariella

"Oo nga, kundi nako talo talaga ako, ang hirap pa naman iwasan ang ninja blades sa umpisa" sabi ko

"Oo nga, sa akin easy lang pero kailangan ko pang maging masmabilis para talaga akon nawala bigla" sabi ni Ariella

Napansin namin na pumunta silang tatlo sa amin habang si Airena ay umalis na

"Guys, nagpaparinig ba kayo?" seryosong tanong ni ben

"Bakit? may nasabi ba kaming hindi maganda? we're just complimenting each other" sabi ni Ariella na mataray

"Talaga lang ha? you better get out of this place already" sabi ni Ben

"Aalis naman talaga kami" sabi ni Ariella tapos naglakad na sa exit gate, sumunod na ako sa kanya at hindi na ako lumingon pa

---------------------------------------------

Bitin masyado noh? well ayaw ko kasing magaway sila kasi sa totoong kalaban lang ang gusto kong maging bongga. Ngayon, mga abilidad lang nilang dalawa ang dinitalye ko kasi para malaman niyo kung ano sila at para naman malaman nilang apat kung sino talaga silang dalawa at ano-ano ang mga abilidad nila:):):)

Secret Agent Academy (under major editing)Where stories live. Discover now