Chapter 11: Friends

1.7K 60 0
                                    

Ava's POV

Paggising ko, tinignan ko celphone ko, hala ka! 20 missed calls at lahat galing sa kanya, importante ba talaga to'ng sasabihin niya? ah bahala na, kung away man, prepared ako, kung iask man niya ako sa date, bahala na si batman or si Superman or di kaya si Wonderwoman, sila na ang bahala kung ano ang gagawin ko.

Biglang naka receive ako ng message

From: Ben

Nevermind nalang ang pagpunta mo sa school, ako nalang mismo ang pupunta diyan

Nako naman! bakit dito ba sa bahay namin! ah bahala na nga. Dali-dali akong pumunta sa cr para maligo, buti nalang may cr sa kwarto ko, sana naman hindi ko siya maabutan, plano ko kasing iwan siya, pupunta ako sa bahay nilang Ava.

After kong maligo, dali-dali akong nagbihis at pumunta sa baba, hindi na ako kakain, doon nalang sa bahay nila, bahala kung matawag akong thick-skinned, kaylangan eh.

Pagbaba ko, bigla akong tinawag ni mama. "Anak, may bisita ka, classmate mo daw"

Nako naman, I'm sure siya to' lord patawad, ahuhuhuhuhu, nako naman! bakit ko nga ba siya naabutan, sa lahat siya pa, ay oo nga noh, siya lang kasi ang kukuha sa akin dito.

"Wow, dali mo naman nakabihis, pero teka, may shampoo ka pa oh" sabi niya at tinuro ang kaliwang side ng buhok

Naks naman! bakit nga ba hindi ko ito nakita. "Hahahaha" tawa niya tapos lumakad patungo sa akin

"Halika na" sabi niya at kinuha ang dala-dala kong bag

"Oy si ate may bf niya, kuya alagaan mo siya ha" sabi ng maganda kong pinsan na sarap itapon sa kalye.

Sinipatan ko lang ang pinsan ko at lumakad kasama niya, may dala pala siyang kotse, pinaupo niya ako sa tabi niya habang nagmamaneho, wala lang kaming imikan, sana naman hindi 'to matagalan.

Mga ilang minuto, huminto na ang kotse tapos lumabas siya at pumunta sa door ng side ko, binuksan niya ito at pinababa ako pero hand gesture lang.

"Saan ba'to?" tanong ko ng nakababa na, nangdito kami sa may beach

"Dito ako pumupunta kung ako lang mag-isa" Sabi ni Ben

"Ben, may tanong ako" sabi ko sa kanya

Ngumiti siya. "Ano?" tanong niya

"May crush ka ba sa akin?" tanong ko, wala ako sa pag-iisip ngayon, bahala na kung nakakahiya, kinilig naman ako.

"What?" seryosong tanong niya

"Ah wala sabi ko ang dami na ng tutuli mo" sabi ko

"Hahahahaha, nakatawa ka" tawa niya

"Tch, bahala ka" sabi ko at lumakad kung saan-saan, iniwan ko na siya

"Oy teka lang, ito naman siya oh, PMS" sabi niya habang humahabol

"Whaetever at wala akong dalaw ngayon, ano ba kasing sasbihin mo? ano? away? sure why not?" sabi ko ng bilis-bilisan

"hahahaha, baliw ka na ata" sabi niya

"Whatever" sabi ko at sinipatan siya

"Actually gusto ko lang magsorry" sabi niya masin-sinan

"Para saan? kung tungkol sa away na nangayari sa school, wala lang yun, nananalo naman kami" sabi ko

"No, hindi yan ang rason kung bakit ako nagso-sorry" sabi niya

"Eh ano naman ba?" tanong ko. Naglalakad nga pala kami ngayon nga nakapaa lang

"i judged you before" sabi niya

"Huh? di ko get? pakiexplain" sabi ko

"Lab Youuuuuuuuuuuu" sabi niya

"Huh?" tanong niya

"Diba yun kasunod sa pakiexlain" sabi niya, ay oo nga noh, axiumin much

"Ay oo nga noh" sabi ko ng palusot

"Tanong ko sayo Ariella, forgiven na ba ako?" tanong niya

"Para saan?" tanong ko, may masama ba siyang ginawa

"For judging you" sabi niya, sincere ang pagkasabi

"Ah wala lang yun, ganyan naman talaga ang mga tao eh" sabi ko, wala lang naman talaga sa akin kung i-misjudged ako ng tao dahil kahit anong sabihin nila sa akin, may nagmamahal pa rin sa akin

"So I guess pwede na tayong maging magkaibigan, balik sa dati?" tanong niya

"Anong dati?" tanong ko, hindi ko naintindihan kung ano yung dating sinasabi niya

"Duh, we were classmates for like 1 or 2 days I guess pero bumalik kami dahil we heard what you two talk about" sabi niya

"Ay oo nga noh" sabi ko, naalala ko lang bigla, patay! narinig niyang gusto ko siya, naks naman, kung bakit lang talaga ang daldal ko minsan.

"Just want to clarify you, hindi ko girlfriend si Jessica, we're just close" sabi niya habang tumitingin sa mata ko

Nailang ako bigla. "Ano.....ano.....eh hindi ko naman.....di naman ako nagtanong eh" sabi ko

"Yeah I know but I also know that you like me" sabi niya. Bigla akong natulala, nako naman bakit niya naman nalaman, baka mailang siya sa akin pero teka, hindi naman siya naiilang ngayon ah pero baka nasanay na siya, ang gwapo niya kaya at friendly pa kaya sure akong sanay na siya na may kausap siyang alam niyang may crush sa kanya

"Yuho....Ariella" sabi niya habang ni we-wave ang kamay ni sa harap ng mukha ko. "Ay sorry naalala ko lang kapatid ko, nalunod at namatay" palusot ko

"Weh? di nga?" asar niyang tanong

"Hehehe joke lang" sabi ko

"Tch, ikaw talaga mapagbiro" sabi niya

"Ben may tanong din ako" sabi ko

"Ano?" tanong niya

"Bakit ang bait mo ngayon kumpara kahapon" sabi ko

"Kasi kahapon ko lang narinig ang sinabi mo" sabi niya

"And then?"

"Naiinis ako"

Di ko gets. "Huh? bakit naman?" tanong ko

"Kasi nga ni misjudged kita diba so I don't really like you before" sabi niya

Naintindihan ko siya, iba kasi ang ugali ko sa kanila, mga MAYAYAMAN. "ah ganon ba" sabi ko

Tinignan niya bigla ang wristwatch niya. "Ariella, halika na" sabi niya

"O sige" sabi ko at pumunta na kami sa kotse niya.

----------------------------------------------------------------------

Please comment and vote:):):)

Secret Agent Academy (under major editing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang