Chapter 13: Our very first mission part 1

1.6K 54 0
                                    

Ava's POV

Bago pa kami ma kapasok sa classroom, tinawag ang mga pangalan namin ng principal pati na rin. Ang nakakahiya lang ay dahil ang principal pa ang nagtawag, nako naman! Maybe i'm in big trouble! help me!

Sabay kaming pumunta sa principal's office, pagdating namin, nakaupo sina Kristoff, Jessica at Ben sa may couch.

"Good morning Ms. Aguilar" sabay naming bati ni Ariella tapos nagbow kami.

"Good morning, please sit beside them" sabi ng principal namin.

Umupo na kami at pagkatapos ay nagsalita na si Ms. Aguilar

"Alam niyo ba kung bakit ko kayo tinawag?" tanong niya sa amin

Tumingin kami sa isa't isa at nagvolunteer si Jessica na magsalita.

"Hindi po" sabi niya

"Good kasi di na ako magtatagal at sasabihin ko na sa inyo" sabi niya, tumayo siya sa kanyang inuopoan at pumunta sa harapan namin.

"Nanakawan ng mga files ang school natin, ngayon ko lang nalaman, importanteng-importante yon, kailangan ko iyon bago next month" sabi ni Ms. Aguilar na malungkot.

"Ano po ba ang ibig niyong sabihin Ms. Aguilar?" seryosong tanong ni Ben

"I need you guys to find the thief, may hula akong estudyante lang nagnakaw non pero di ako sure kung sino, at dahil kayong lima ang top 5 na magagaling dito sa Academy, kayo ang ipahahanap ko sa mga files, i know kailangan niyo rin ng training and opportunity niyo to para magamit ang inyong mga abilidad, I'm counting on you guys" sabi niya tapos ngumiti.

Pumunta siya sa desk niya at may kinuhang mga papel tapos pumunta sa aming harapan at inabot ang mga files. "Yan ang mga susupects ko sa nagnakaw, ibibigay ko rin sa inyo ang CCTV camera footage, sa video, puro itim ang suot at may takip na mask kaya hindi ko makita pero dahil nagdududa ako kung sino nga, naisipan kong gumawa ng listahan sa mga pwedeng magnakaw ng mga files, ingatan niyo yan and don't forget team work, kailangang-kailangan niyo yan" sabi ni Ms. Aguilar tapos umupo na sa desk.

Pinasa-pasa namin ang lisahan at nabasa ko na isa sa mga suspects ay estudyante sa Agent Intelligence Academy, ang number one na kalaban ng school namin.

"Bakit may nakasaling estudyante dito sa listahan na hindi taga dito?" tanong ko

"Its because yang estudyanteng yan ay isa sa mga magagaling at ginagamit ng eskwelahan nila para magsabotage or di kaya magnakaw sa ibang schools" sabi ni Ms. Aguilar

"May biography po ba siyang pwede naming tignan?" tanong ni Ariella na seryosong-seryoso, interisado din pala to akala ko ako lang sa aming dalawa.

"Yang mga yan ay trabaho niyo na" sabi ni Ms. Aguilar

"Pwede na po kaming lumabas Ms.?" tanong ni Kristoff

"Sure" sabi ni mam

Paglabas namin, pupunta na sana ako ng library para hanpin ang mga suspects at mga kaalamang tungkol sa kanila ng nagsalita si Ben

"Guys, mag meeting tayo mamaya sa private room, we have to make a plan kung paano natin to gagawin, remember kailangan natin ngayon ay team work, set aside our awkwardness for now kasi importante to sa school and this could be an opportunity for all of us" sabi ni Ben sa aming apat

"got it" sabi ni Kristoff

"copy that" sabi ni Jessica

Kami lang ni Ariella ang walang sinabi dahil hindi naman namin alam ang sasabihin, tumingin lang kami sa isa't isa.

"Do you copy Ava and Ariella?" tanong ni Ben sa amin

"Hindi paste" sabi ni Ariella, kahit kailan talaga, minsan pilosopo to.

"Wa'g kang magbiro sa di tamang oras" sabi ko sa kanya tapos tumingin ako kay Ben.

"Copy master" sabi ko at nagbow

"Ako rin na copy ko na, joke lang yun, sorry" sabi ni Ariella tapos nagbow

"Wa'g na kayong mailang or maging awkward mula ngayon, treat us na parang kaibigan niyo kami, okay lang sa akin na pilosopohan mo ako Ariella dahil sure ako na ganyan ka basta wa'g lang si Kristoff dahil baka mabasag ang mukha mo" sabi ni Ben pero alam naming biro lang niya yung mabasag ang mukha part.

Tumango lang si Ariella. "O sige, sabay na tayong pumunta sa classroom, tutal, we're in the same class" sabi ni Ben.

Sabay na kaming pumunta pero pagdating namin, hindi namin inaasahan ang nakita namin.

-----------------------------------------------------

Hay, matagal din bago ako naka UD, please continue on reading and please vote naman or comment lang :):):):)

Secret Agent Academy (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon