Chapter 3: The past

2.6K 76 2
                                    

Kristoff's POV

I'm glad naging kaibigan ko na sila. I have a new plan, sirain sila isa2x, kasalan kasi ng babaeng yan kung bakit namatay ang kapatid ko and I want revenge.

FLASHBACK

Noong bata pa ako, ni hire ng papa ko ang mga magulang niya para bantayan ang kapatid ko. Lagi siyang sunud-sunod sa kanyang mga magulang kaya kasama siya sa pagbantay. Ang daming kalaban ng magulang ko noon kaya kaylangan may bantay kami lalo na ang kapatid ko dahil 3 years old pa lang siya at may sakit pa.

Kung bakit namatay siya, ito yung nangyari. Naging hostage ang kapatid ko, kaylangan daw magbayad ang mga magulang ko ng buhay nila pero yan kasing babaeng yan, Pa hero2x, sinamahan ang kanyang mga magulang sa misyon ng walang paalam at dahil dun nakita siya ng mga gustong pumatay sa mga magulang ko, pinapili ang kanyang mga magulang kung siya ba or ang kapatid ko pero ang pinili nila ay siya, ang masakit pa don, nakita ko kung paano nila binaril ang kapatid ko, sinabi kasi sa kanila na kaylangan sila ang pumatay sa kapatid ko para makuha nila siya, silang dalawa naman, uto-oto kaya binaril nila ang kapatid ko. Kung bakit alam ko ang lahat, iyon ay dahil sinundan ko sila, one of my special abilities is hiding, magaling akong magtago, kahit malaki pa yang bagay ang gusto kong itago, matatago ko.

END OF FLASHBACK

"Oy Kristoff, halika na, ma le-late na tayo, naghihintay na din sila" sabi ni Jessica sa akin tapos sabay kaming pumunta sa classroom nila.

"Hi guys!" sigaw ni Ariella

"Hello" sabi ni Jessica tapos umupo siya sa tabi ni Ben, ako naman kay Ava

"Hi" sabi ni Ava sa akin pagkaupo ko

"Hello" tipid kong sinabi tapos lumingon sa kabila ko, bago na kasi ang seat plan kaya bago ang katabi ko, dapat daw kasi namin maghihiwalay pero bakit ako lang nakahiwalay sa kanila?

"Kamusta?" tanong niya

Lumingon ako sa kanya, "Okay lang" sabi ko at lumingon ulit sa kabila ko

Ava's POV

Grabi naman ito si Kristoff, talaga bang ganyan siya sa mga friends niya, isnabero at lalong-lalo na masungit, alam ko hindi niya ako gusto dahil sa ginagawa niya ngayon, fine para quits ayaw ko din sayo pero.....

CRUSH PA RIN KITA!!!

BAKIT BA ANG GWAPO2x MO!!!

BAKIT BA ANG SUNGIT2x MO!!!

DI MO BA NAPAPANSIN BEAUTY KO?!!!

OKAY LANG KASI CRUSH KITA!!!

"Oy Ava, bakit emot ka?" biglang dumating si Ariella sa harapan ko

"Ha? ano?" tanong ko na parang bingi

"Ang sabi ko ba't ang bingi2x mo!!!" sigaw ni Ariella

"Class pleas sit down, Ariella you better get out before I get mad!" sigaw ng teacher namin na masungit

"Po? mam wala naman po akong ginagawa" sabi ni Ariella

"Get out! wa'g kanang mag explain dahil kitang-kita ko na!" sigaw ni Ms. Masungit

"Eh mam--" hindi na explain ni Ariella dahil nagsalita na si Ben

"Excuse me mam pero ako pong nagsabi na puntahan niya si Ava, pasyensya na po" sabi ni Ben

"I-it's okay, Ariella pleas sit down, forget what I said" sabi ni Ms. Masungit at umupo na si Ariella

teka2x I smell something fishy between those two (Ariella and Ben)

Discuss lang ng discuss si mam hanggang sa natapos na ang aming leksyon at time na rin para magpaalam.

"Hay salamat" sabi ng isa sa mga classmate namin tapos umalis

"Hay, as usual" sabi naman ng isa

Tumayo na ako para ligpitin ang gamit ko ng nahulog isa sa mga ito, nagulat ako ng pinulot ni Kristoff ang nahulog kong gamit at binigay sa akin

"salamat" sabi ko

"Walang ano man" sabi niya na nakangiti bigla

"Oy Ava, uwi na tayo, naghihintay na si mama, sige guys uwi na kami" sabi ni Ariella

Pumunta na ako sa kanya at sabay kaming pumunta sa bahay ni Ariella.

-------------------------------------

Yah! so short, sorry, wala kasi akong maisip eh, alam ko matagala na akong hindi nag UD pero kasi this part is still the boring part you know, mamaya na ang fun part, ganyan ako minsan, minsan naman dire-diretso lang, it depends on my mood kasi, ngayon I feel bored in writing this pero exoited na ako sa part kung saan......secret:P

MAGHINTAY KAYO!!!!

Secret Agent Academy (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon