21: "Pagkahumaling"

131 13 2
                                    

Naalala mo pa ba ang larawang ito, RJ? Katulad ng mga ngiti natin dito umaasa akong tayo ay magiging masaya habang buhay.

Naalala mo ba ba ang sinabi mo nung araw na ito? Sinabi mo sa akin na ito na ang magiging simula ng pagtahak natin sa kaligayahang walang wakas, pag-ibig na wagas iyan ang naging pangako natin sa isa't isa.

Naalala ko pa ang ngiti mo habang tinitingnan mo ako ng puno ng pagmamahal. Ang aking puso ay tumatalon sa ligaya na walang humpay. Naalala ko kung paano mo hinaplos ang aking mukha na katumbas ng pag iingat mo sa isang iniingatang kayamanan na para sa iyo lamang.

Oo, ako ay para sa iyo lamang.

May mga bagay na hindi lubusang maintindihan ng mga taong nakapaligid satin. Bakit hindi nila matanggap ang ating pagmamahalan, RJ? Hindi ba nila makita na tayo ay para sa isa't isa? Hindi ba nila mawari na ikaw lang ang tanging makakapagpaligaya sa akin, na ako lamang ang makakapaglagay ng ngiti sa iyong mga labi?

Lahat sila ay ninanais na tayo'y magkahiwalay, na dapat ay layuan mo ako na parang ako ang magiging dahilan ng iyong pagkabagsak; na ang lahat ng ito ay isang panaginip na hindi dapat mangyari sa totoong buhay.

Ngunit ikaw lang ang sinisigaw ng aking puso, mahal. Ikaw lang ang kayang magpatibok ng puso kong nalulumbay, ikaw lang ang isinisigaw nito.

Sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata, ikaw ang nakikita nito, kahit saan man ako magpunta ikaw lang ang laman ng puso't isipan ko. Bakit hindi nila maintindihan ang mga bagay na simple lamang? Bakit hindi nila mawari ang ligaya na naibibigay natin sa isa't-isa.

Ngumiti ako at napagbuntong hininga sa pag-unawang ito ang ating kapalaran, na sa mundong ito may mga taong hahadlang sa ating pagmamahalan. Hindi naman sila mahalaga di ba? Ang mahalaga ay ang damdamin natin para sa isa't isa. Ang mahalaga ay kung saan tayo maligaya.

Ibinaba ko ang paborito kong larawan natin at tumayo papalapit sa'yo. Nilapitan kita habang nakangiti sa kama kung saan mahimbing kang natutulog. Umupo ako sa tabi mo at ikaw ay aking minamasdan. Ang sarap mong pagmasdan mahal ko, ito ang tanging nakakapagpaligaya sakin: ang iyong mukha.

Aking masuyong hinawakan ang iyong buhok at naalala ang mga panahong pinagtawanan pa kita noon nung ikaw ay nagpagupit. Naalala mo bang nagtampo ka pa sakin noon nang hindi ko mapigilan ang aking tawa noon? Niyakap kita ng mahigpit huwag ka lang magalit sa akin noon. RJ, nais kong malaman mo na kahit ano pa man ang maging itsura mo ikaw pa rin naman ang itinitibok ng puso kong ito.

Hinawakan ko ang iyong mga mata at ako'y napangiti. Alam mo naman na gustong-gusto ko kapag ikaw ay nakatingin sakin di ba? Sa tuwing ika'y nakatingin sakin, nararamdaman nong nakikita mo ang aking saloobin, nakikita mo ang buong pagkatao ko; na tila ay wala akong maililihim sa'yo.

Ang iyong dimple na lubos na nagpapangiti sa akin sa tuwing nagtatampo sa'yo. Marahil ay ito ay isa sa mga dahilan kung bakit mahal kita. Hindi ko kayang magalit sa'yo, mahal ko. Isang ngiti mo lang, kaya na niyang pawiin ang lumbay o galit ng puso kong ito.

Habang hinahawakan ko ang iyong mga kamay, isang bagay ang sumagi sa aking isipan: kung gaano ako kasaya na mahawakan ang pag-ibig na ito. Na sa bawat problema sa landas na ating tatahakin, kaya natin ito dahil hawak natin ang kamay nag isa't isa.

At RJ, habang masuyong madampihan ko ang iyong mga labi nais kong malaman mo na lahit anong mangyari; kahit anong sabihin ng iba upang tayo ay magkahiwalay ikaw pa rin ang laman ng puso kong ito. Ikaw pa rin ang itinitibok nito. Ikaw pa rin ang aking pipiliin hanggang sa huli dahil ikaw lamang maaaring magpaligaya sa akin ng ganito.

Bumukas ang iyong mga mata at tiningnan mo ako ng mariin.

"Nasaan ako" ito ang una mong sinambit ng bumukas ang iyong nga mata.

"Nandito ka sa piling ko, mahal ko." Sinabi ko habang nakangiti sa'yo.

"Maine?"

"Ako nga ito...nahihirapan ka ba? Gusto mo bang umupo?"

"Nasaan ako?" Iyong sinambit sa akin.

Tinignan mo ang mga kamay mong naka gapos at tumingin sakin na may takot. Huwag mo akong tingnan ng ganyan, RJ. Hindi kaya ng puso ko kapag ako'y tinitigan ng ganyan.

"NASAAN AKO?" Muli mong tinanong at ako'y napangiti lamang.

"Nandirito ka sa aking tahanan, RJ. Hindi mo ba maalala kung saan ako tumitira? Nakalimutan mo na ba ang mga araw ng ating pagsasama?"

Tumingin ka sa paligid mo at pinipilit na pumiglas sa posisyon mo. Hindi mo ba nakikita ang aking pagmamahal, RJ? Tiningnan ko ang mga larawan na naka paskil sa dingding, puro mukha mo ang nandito katulad ng mukha mong nakaukit na sa aking puso.

"Maine, bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?"

"Hindi mo ba nakikita ang pagmamahal ko, RJ? Bakit mo ako sinasaktan ng paulit-ulit...paulit-ulit na lamang"

"Maine. Hindi naging tayo. Tagahanga lang kita. Bakit mo ginawa to? Tanggalin mo ako sa aking pagkagapos at hindi kita isusumbong sa mga pulis....MAINE!"

Tumawa ako ng pagkarinig kong tagahanga lang ang tingin mo sa akin. Bakit hindi mo makita na ako lamang ang maaaring magmahal sa'yo ng ganito?

"Hindi mo ba ako maaaring mahalin?"

Tiningnan mo ako "Maine, ikakasal na ako. Sa iba mo na ibaling ang pagmamahal mo. Hindi naging tayo, Maine. Tagahanga lang kita. Kailanman hindi naging tayo. Magising ka na sa katotohanan na..."

"HINDI! HINDI!!!!" Binato ko ang larawan sa'yo. "Kung hindi ka mapapasa akin, walang pwedeng lumigaya...wala!"

Lumaki ang iyong mata ng mariin kong isinaksak ang hawak kong kutsilyo sa leeg mo.

Oo, RJ. Ikaw ay sa akin lamang.

Tinignan mo ako, nanglalaki ang iyong mga mata habang ang huling hininga ay lumabas sa iyong katawan at ikaw ay naliligo sa sarili mong dugo. Ngumiti ako at dahan dahang hinawakan ang iyong mukha. Mariin na sinaksak ko din ang aking sarili at niyakap ka ng mahigpit.

Ako lang ang dapat mong mahalin, RJ. Ako lang.

AMACon 4 Serendipitous: DrabblesWhere stories live. Discover now