22: "Tanglaw"

119 13 0
                                    

Marahil ito na ang pinakainaasam kong kalayaan mula sa isang sumpang walang maliw na ipinataw sa akin. Ito na ang simula ng aking pagkalaya sa isang sumpang aking dinala sa mahabang panahon. Sa wakas ako ay mananahimik na; sa wakas ako ay lalaya na.

"Sabi nila kung hindi mo magawa ng maayos ang ipinataw na kondisyon sa'yo, hindi ka makakalaya sa sumapang ito, Ricardo. Paano kung mabigo ka? Paano na ang mga taong nagdaan, paano na ang iyong kalayaan?" Mariin na sambit sa akin ng pinakamatalik kong kaibigan.

Tiningnan ko siya at ako'y ngumiti sa gitna ng aking pagkabalisa "Alam ko naman yun, Abelardo. Ngunit kung hindi ko susubukan, ako'y manghihinayang sa panghabang panahon." Tumingin ako sa likod nya at hinanap ang isa ko pang matalik na kaibigan. "Nasaan si Bartolome?"

Tiningnan ako ng ituturing kong pinakamatandang kapatid at naoagbuntong hininga "Hindi mo na nalaman na..."

"Ricardo! Abelardo! Dito ko lamang pala kayo makikita. Kanina ko pa kayong hinahanap." Pagkahapong wari ni Bartolome.

"Saan ka ba galing, Bartolome? Kanina ka pa namin hinahanap."

"Dali dali kitang hinanap Ricardo. Wari'y gusto kang makapanayam ni Bathalumang Tala sa kanyang silid. Dali na, at huwag mo siyang paghintayin." Ani ni Bartolome at ako'y napangiti ng wagas.

Dali-dali akong tumakbo patungo sa silid ni Bathalumang Tala, sa wakas ito na ang katuparan ng lahat; sa wakas ito na ang hinihintay ng aking damdamin.

Yumuko ako nang makita ko ang Bathaluman.
"Tignan mo ako sa mata, Ricardo." Ani niya at ako'y napatingin sa kanyang matang wari'y nakikita ang kailalimlaliman ng aking damdamin, ng aking kaluluwa.

"Opo, Bathaluman"

"Marahil ay alam mo na kung bakit kita pinatawag...."

"Opo, mahal na Bathaluman..."

"Ito na ang pinakahihintay mo aking minamahal na Ricardo, ang iyong kalayaan. Ito ang taon kung saan ikaw ay itatalaga sa isang babaylan ng tatlong buwan. Sa pagpatak ng ikatlong kabilugan ng buwan, kapag ang babaylang ito ay matagumpay na napagdaanan ang kanyang pagsubok, bibigyan kita ng isang kahilingan." Tinitigan niya ako at muling sumambit "At alam nati dalawa na ang iyong kalayaan ang siyang hinahangad mong tunay."

Ako'y ngumiti at muling tumungo sa harap ng Bathalumang Tala "Tutuparin ko ang iyong nais."

"Ano ang nangyari, Ricardo? Ito na ba ang hinihintay mo?" Mariin na tanong sa akin ni Bartolome. Tiningnan ko silang dalawa, Abelardo at Bartolome, ang aking mga matalik na kaibigan.

"Sa wakas ako'y matatalaga na sa isang babaylan!" Ang kasiyahan ko'y walang lumbay at hindi mapawi ang ngiti sa aking labi nang ako'y yapusin ni Abelardo at Bartolome.

"Kailan ka magsisimula?" Ani ni Abelardo.

"Bukas."

Kinabukasan ay nagtungo ako sa mundo ng mga tao. Si Abelardo at Bartolome ay hindi maaaring sumama sa akin dahil ito ay nagawa na nila ilang daang taon na ang nakalipas. Napangiti ako sa saya na gusto ko pang tumalon dahil dito.

Ako si Ricardo, isang Gabay upang matulungan ang mga babaylan sa mundo na makamit nila ang sapat na enerhiya upang simulan ang kanilang paglalakbay at pagkabuhay spiritual. Ang mga babaylan ay higit na mahalaga sa isang tribo ng mga tao. Maaari silang maging proteksyon nito, ang kapangyarihan nila ay walang maliw. At sa panahon kung saan ang buwan at araw ay magiging isa, dito magsisimula ang kanilang pagsubok na itinakda. Ang mga gabay na katulad ko ay naatasan na ipagtanggol ang mga babaylan sa kapahamakan; upang makalipas ng tatlong kabilugan ng buwan isa na siyang ganap na babaylan. At kung magagawa ko to ng ayos, mapagbibigyan ang aking kahilingan ng Bathaluman.

Kanino ako naatasan?
Nakita ko na siya. Ayon sa kanila Nicomaine ang kanyang ngalan. Nang makita ko siya pagkatapos ng ritual ng punong babaylan sa kanyang tribo, ako na ay nagpakilala sa kanya.

"Ako si Ricardo."

"Kilala kita, Ricardo. Ikaw na ba ang magiging gabay ko?" Mariin nyang sinabi at ako'y tumango. "Sambit ng punong babaylan ay ang aking gabay ay para sakin lamang at ako lang ang nakakakita sa'yo ngunit hindi ako naniniwala."

"Ito'y totoo, Nicomaine." Sambit ko at itinuro ang mga taong nakapaligid sa kanya at totoo nga hindi nila ako nakikita. "Magsimula na ba tayo?"

Lumipas ang unang kabilugan ng buwan at nakita ko na tama ang sinasabi ng karamihan sa tribo nila. Si Nicomaine ang isa..kung hindi ang pinaka mahusay na magiging babaylan. Tama nga ang sabi-sabi, marahil ay siya ang susunod na magiging susunod na punong babaylan.

Nung ikalawang kabilugan ng buwan, naging mas makapangyarihan si Nicomaine. Maraming gustong makausap siya o maiba siya ng landas ngunit nakahanda si Ricardo.

Nang gabing iyun, kinausap ako ng dalaga "Hindi ka ba napapagod na gawin ito? Hindi ka ba napagod sa misyong ipinagkaloob sa'yo ng Bathaluman? Hindi ka ba napagod na mabuhay ng daan-daang panahon at taon upang mapagkalooban lang ng isang pagkakataon na katulad nito?"

Tinignan ko siya ng mariin "Ito'y pagkakataon, Nicomaine. Ang katuparan ng daang taong paghihintay na sa wakas ay magagawa ko na ang dapat at karapat dapat. Isa akong Gabay at  ito ang dapat kong gawin katulad nang dapat makalagpas ka sa pagsubok na ito. Ikaw ay ipinanganak na maging babaylan."

Tiningnan niya ako at tumango "Marahil ay ika'y tama, Gabay. Marahil ay ganun na nga."

Nang papalapit na ang ikatlong kabilugan ng buwan, mas lalong tumindi ang pagsubok para lamang kay Nicomaine ngunit wala akong magawa kung hindi ay gabayan siya sa kanyang paglalakbay.

"Kapag natapos na ang tinakda mo sa akin, Ricardo saan ka na patutungo?"

Tiningnan ko siya at sinabing "Marahil ay babalik ako at magpapasalamat sa pagkakataon, Bathalumang Tala." Tinignan ko siya. "Kailangan kong makasiguro na ikaw ay magiging isang tunay na ganap na babaylan."

Sa ikatlong kabilugan ng buwan, nakita ko ang pag iivang anyo ni Nicomaine at dito nakita kong siya nga ay marahil na magiging punong babaylan balang araw.

Tumungo ako agad-agad kat Bathalumang Tala at hindi na nakapagpaalam kay Nicomaine.

Tumungo ako at sinabing "Natupad ko ng maayos ang misyon, Bathalumang Tala."

"Magaling, Ricardo. Katulad ng aking ipinangako, ano ang iyong nais?"

Napaisip ako ng matagal. Ito na, maaari ko nang gamitin ito upang ako'y makalaya na dito pagkatapos ng daan-daang panahon ngunit ako'y napangiti at sinabing "Gusto kong maging Gabay sa panghabang panahon"

Nakita ko ang gulat sa mga mata ng Bathaluman. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Ito na ang isang pagkakataon na maaaring maibigay ko sa'yo"

"Sigurado ako, Bathaluman."

Ako'y napangiti nang makita ko si Abelardo at Bartolome, aking mga matatalik na kaibigan; mga kaibigan ko sa panghabang panahon, nang daan-daan taon na ang nakalilipas. Nagulat sila nang hindi ko tinanggap ang ipapamahagi sakin ng Bathaluman.

Ngunit hindi ako nagsisisi.

Bagkus, ako'y natutuwa. Nicomaine, ikaw ang una kong ginabayan pagkatapos sa isang tuyot na paghihintay ng daang libong taon at dahil dyan gusto ko nang maging Gabay nang pang habang panahon.

Pagtingin ko sa takipsilim, naalala kita. Aking ipagdadasal ang iyong pagiging punong babaylan, at titiyakin kong magkikita tayong muli.

Sa muli nating pagkikita.

AMACon 4 Serendipitous: DrabblesWhere stories live. Discover now