Chapter 4 - The Roommate

127 4 4
                                    

[Media: Victor Zheng as AJ]

"Taaaaaan!" may bumati sakin pagkapasok na pagkapasok ko ng room. Niyakap niya ako tsaka ako inakabayan habang naglalakad kami papunta sa upuan namin.

"Tan ka jan. Tantanan mo ko AJ ha." Sabi ko sa kaniya. Inalis ko yung pagkakaakbay niya sakin.

"Ayan, sungit mo naman sakin ngayon, Baby Tan." Baby daw. Isa pa to eh. Ang sarap sapakin. Kung di lang kami magkasama sa bahay eh.

Aron James Santos, a.k.a AJ. 18 years old, Business Administration, major in Financial Management. Siya yung unang taong nakilala ko nung first day ko dito sa university na to. Matangkad, maputi, gwapo, mayaman, matalino at...

"Baby Tan, total birthday ko naman ngayon... Will you blow my candle?" nakangisi niyang tanong sakin.

"Ang libog mo talaga kahit kailan. Hoy Aron James, wag na wag mo kong ginaganyan in public at baka may makarinig makarating pa kay Ken." Sagot ko sa kaniya.

"So, in private pwede na?" ang bastos talaga kahit kailan.

"Wala akong sinabing ganun. Nako AJ, kung hindi lang kita kaibigan malamang..." hindi ko na natapos kasi sumabat siya.

"malamang ano? Malamang tayo na? Malamang natikman na kita?" edi ayun, binatukan ko. Ang bastos ng bibig.

"Punta nga tayong simbahan mamaya ha." Sagot ko lang sa kaniya.

"Bakit? Papakasal na tayo?" rape face on pa din ang gago.

"Gago hindi! Hihingi ako ng Holy Water, ipapamumog ko sayo at baka luminis yang tabas ng dila mo." Natatawa kong sagot sa kaniya. Hindi na siya naka imik kaya nagpout ang loko. Ah, alam ko na to. Hindi na niya ko madadaan sa ganto. "Kahit na magpacute ka jan, hinding hindi mo to makukuha." Tuloy ko, tsaka ulit ako tumawa.

"Eh pano kasi naunahan na yata ako. Sino ba kasi yang Ken na yan? Bago mong hostage?" tanong niya sakin. Ang sama naman ng tingin sakin nito.

"Bakit ba ganyan ka kung makatingin. Anong hostage? Eh siya kaya ang lumapit sakin." Sagot ko kay AJ tsaka ko inilabas ng mabilis yung dila ko, pang inis sa kaniya.

"Siya pinayagan mo, ako hindi? Ganun ba yun? Hilahin ko yang dila mo eh. Alam mo kung saan mas maganda mo ilabas yan?" balik ang rape face ng gago.

"Ops! I don't really wanna know." Nakakdiri naman tong si AJ. Hay.

Dadating pa kaya yung Prof namin? Ang tagal ha. Kaya ayun, naisipan ko na lang na magbukas ng twitter at magpalipas oras.

Tan Bernardo

@SunTANnedskin

Spell BORED? T-A-N. Wala pa si Prof.

Tan Bernardo

@SunTANnedskin

Help! This is sexual harassment! @heyitsAJ stop it!

Aleli Castro

@AleliBaby

@SunTANnedskin @heyitsAJ hoy anong kalokohan yan!

Tan Bernardo

@SunTANnedskin

@AleliBaby @heyitsAJ 's saying some inappropriate things! Huhu!

AJ Santos

@heyitsAJ

Don't believe anything that Tan says!

Reaching OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon