Chapter 12 - Chinito

64 0 0
                                    

[Media: Piglet Charada as Ginny]

Masama ba kong tao? Bakit nangyayari sakin to? Una si AJ, ngayon naman si Ken. Si Aleli na lang meron ako, aside from my family syempre. Haaaay. Life.

I was still dreaming nung narinig kong bumukas yung pinto ng kwarto ko.

"Go away, Mom." Antok na antok kong sinabi.

"Mom your face. Get up, asshole. It's 3AM. You have one hour to prepare." Narinig kong sumagot. Hindi nga si Mommy yun. Si Ginny yun ah.

"Call me asshole again and you'll seriously get it, Ginny." Sagot ko naman. I got up and went to my walk-in closet to pick some clothes.

High school friend ko si Ginny. She lives next door at sa State University sya nag-aaral. Kaya ayan, umagang umaga nambubulabog dito sa bahay kasi sasamahan niya kong magenroll for next semester.

Nag-apply na ko and I was accepted naman in the Business Administration department. Good thing na hindi ko na kailangan pa mag restart as a freshman.

Almost lunch time na kami natapos magpa-enroll ni Ginny. Business Ad pa din ako tapos Tourism naman sya. Pumunta na muna kami sa canteen para kumain. Konti pa lang yung tao nung dumating kami kaya madami pang vacant seats. Napili namin yung malapit sa bilihan ng pagkain.

Nagdatingan na din yung ibang mga studyante na nagpapa-enroll para kumain ng lunch. Buti na lang at kumakain na kami ni Ginny nung nagpasukan sila sa canteen. Mukha naman silang okay eh.

"Ginny, bili lang ako ng extra food. Gutom pa ko eh hehe." Sabi ko sa kanya tsaka ako tumayo para bumili.

"Baboy ka talaga. Sige bilisan mo!" sigaw nya sakin kasi naglalakad na ko.

I was on my way back to the table nung may nabangga ako. Hindi ko naman sinasadya pero tingin ko kasalanan ko kasi sa pagkain ako naka focus.

"Oh my God. I'm sorry!" bigla kong nasabi sa nabangga ko.

"Okay lang. As long as hindi ka nasaktan, walang problema dun." Sagot nya. Pagtingin ko sa kanya nakangiti sya. Mukhang anghel!

"Are you sure?" tanong ko sa kanya. Nakatingin pa din ako sa ngiti nya.

"Yep! I'm Kevin, by the way." Sagot nya, he offered his hand at ngumiti pa sya lalo. Napansin kong chinito pala sya. Nawawala lalo yung mata nya habang palaki nang palaki yung ngiti nya.

"I'm Tan." Hinawakan ko yung kamay nya na inoffer nya sakin para makipag-handshake. Nginitian ko din sya.

Reaching OutМесто, где живут истории. Откройте их для себя